What's new

Closed Cyberattack!

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,579
Reaction
7,229
Points
2,575
ISIPIN ang eksenang ito: Isang pangkat ng masasamang tao na eksperto sa computer ang gumamit ng Internet para kontrolin ang mga network ng mga computer na napasok nila. Ang mga network na iyon, na tinatawag na mga botnet (robot network), ay nagkalat ng mga nakapipinsalang computer code para puntiryahin ang isang bansa. Sa loob lang ng ilang minuto, bumagsak ang pinansiyal at komersiyal na mga Web site ng bansa pati na ang sa militar. Ayaw nang gumana ng mga ATM at mga network ng telepono. Hindi nakalipad ang mga eroplano, at nasira ang mga computer at safety system ng isang nuclear power plant. Ano kaya ang magiging reaksiyon ng mga tao? Ano ang gagawin nila? Kung ikaw, ano ang gagawin mo?

Parang malayong mangyari ang nabanggit na eksena. Pero ayon kay Richard A. Clarke, ang dating U.S. National Coordinator for Security, Infrastructure Protection, and Counterterrorism, posible talagang mangyari iyan. Sa katunayan, nagkaroon na ng mga cyberattack.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Baka isa ka pa nga sa mga naging biktima.

Bakit gugustuhin ng sinuman na magsagawa ng cyberattack? Paano ito ginagawa? At dahil karaniwan nang nagiging biktima ang mga indibiduwal, paano mo mapoprotektahan ang iyong sarili?

Ang Cyberwar

Iba-iba ang layunin ng mga gumagawa ng cyberattack. Halimbawa, maaaring tangkain ng mga terorista o gobyerno na pasukin ang mga computer network ng kanilang kaaway para magnakaw ng mga sekreto o isabotahe ang mga aparato na kinokontrol ng mga network na iyon. Noong 2010, inamin ng U.S. Deputy Secretary of Defense na si William J. Lynn III na maraming beses nang inatake at pinasok ng mga banyagang “kalaban” ang mga computer network ng Estados Unidos at nagnakaw ng “libu-libong file . . . kasama na ang mga blueprint ng mga sandata, mga pinaplanong operasyon, at surveillance data.”—Tingnan ang kahong You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Ganiyan din ang pamamaraan ng mga taong gumagamit ng computer para makapagnakaw ng intellectual property o ng pinansiyal na impormasyon mula sa mga network ng malalaking kompanya at sa mga personal computer. Sinasabing bilyun-bilyong dolyar ang nananakaw ng mga ito taun-taon sa pamamagitan ng panggagantso sa Internet.

Napakarami nang computer ang kontrolado ng mga häçker para magamit sa kanilang mga pag-atake. Noong 2009, nadiskubre ng isang kompanyang naglalaan ng seguridad sa Internet ang isang gang na kumokontrol sa halos dalawang milyong computer sa buong daigdig, anupat marami sa mga ito ay pag-aari ng ordinaryong mga tao. Tinaya kamakailan ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) na 1 sa bawat 3 computer na online ay kontrolado ng isang häçker. Kumusta ang computer mo? Posible bang makontrol ito ng iba nang hindi mo alam?

Di-namamalayang Pag-atake

Isipin ang eksenang ito. Isang masamang tao ang nagkalat ng nakapipinsalang program sa Internet. Kapag napasok ng program na iyon ang computer mo, hahanapin nito ang mga antivirus software doon. Kapag nakakita ito ng isang bahagi na walang proteksiyon, daraan ito roon at maghahalughog sa buong computer mo para makakita ng mapapakinabangang impormasyon.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Pagkatapos, maaaring baguhin o i-delete ng program na iyon ang mga file mo, padalhan ng gayon ding program ang ibang computer, o ipadala sa häçker ang mga password, pinansiyal na detalye, o iba pang kompidensiyal na impormasyon.

Puwede ka pa ngang lansihin ng mga häçker para ikaw mismo ang makapagpasok ng virus sa computer mo! Paano? Puwedeng ma-virus ang computer mo kapag nagbukas ka ng isang mukhang ordinaryong e-mail attachment, nag-click sa link ng isang Web page, nag-download at nag-install ng libreng computer program, nagkonek ng na-virus na memory device sa computer mo, o kahit bumisita ka lang sa isang kuwestiyunableng Web site. Kapag ginawa mo ang alinman sa mga ito, puwede nang makapag-install ng malicious software sa computer mo at makontrol ito ng isang häçker.

Paano mo malalaman kung na-virus na ang computer mo? Mahirap itong madetek kung minsan. Maaaring napakabagal ng computer mo o ng koneksiyon nito sa Internet, ayaw gumana ng mga application mo, may lumilitaw na mga pop-up box na nagsasabing mag-install ka ng ilang program, o basta nagloloko ang computer mo. Kapag napansin mo ang alinman sa mga ito, patingnan ang computer mo sa isang mapagkakatiwalaang teknisyan.

‘Pag-isipan ang Iyong mga Hakbang’

Habang mas dumedepende sa mga computer ang mga bansa at mga indibiduwal, malamang na mas dumami pa ang mga cyberattack. Kaya naman nagkukumahog ang maraming bansa na higpitan pa ang seguridad ng kanilang mga computer, at may mga nagsasagawa ng malawakang test para alamin kung gaano katibay ang kanilang mga computer network laban sa pag-atake. Pero “bigyan lang ng sapat na panahon, insentibo, at pondo ang isang determinadong kalaban, tiyak na mapapasok niya ang isang pinupuntiryang system,” ang sabi ni Steven Chabinsky, isang senior computer security expert ng U.S. Federal Bureau of Investigation.

Ano ang puwede mong gawin para protektahan ang sarili mo online? Maaaring hindi posible ang ganap na seguridad sa Internet, pero may mga praktikal na hakbang na puwede mong gawin para mas higpitan ang depensa ng computer mo. (Tingnan ang kahong “Protektahan ang Sarili!”) Sinasabi ng Bibliya: “Pinag-iisipan ng matalino ang kaniyang mga hakbang.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Matalinong sundin ang payong iyan kapag mag-i-Internet ka!

[Mga talababa]

Ang cyberattack ay ang sinasadyang pagtatangka na baguhin, guluhin, o sirain ang mga system o network ng computer o kaya’y ang mga impormasyon o program na nasa memory nito o ipinapadala nito.—U.S. National Research Council.

Noong 2011, sinasabing napupuntirya ng mga häçker ang mahigit 45,000 karaniwang kahinaan sa seguridad ng mga computer. Sa pamamagitan ng pagpuntirya sa mga iyon, karaniwan nang nakapag-i-install sila ng malicious software (malware) sa mga computer nang walang kamalay-malay ang mga may-ari nito.


Napakaraming computer ang kontrolado ng mga häçker



Ayon sa OECD, 1 sa bawat 3 computer na online ay kontrolado ng isang häçker



MGA CYBERATTACK KAMAKAILAN

2003: Ang computer worm na Slammer ay mabilis na kumalat sa Internet at nakaapekto sa mga 75,000 computer sa loob lang ng sampung minuto.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Bumagal nang husto ang Internet, may mga Web site na nasira, hindi gumana ang mga ATM, nakansela ang flight ng mga eroplano, at nasira ang mga computer at safety system ng isang nuclear power plant.

2007: Pinuntirya ng sunud-sunod na cyberattack ang Estonia, na nakaapekto sa gobyerno, media, at mga bangko. Ang karamihan ng pag-atake ay nanggaling sa nakontrol na mga computer network (mga botnet), anupat mahigit sa isang milyong computer sa 75 bansa ang nagpadala sa mga target nila ng mga pekeng mensahe para humingi ng impormasyon.

2010: Ang napakasopistikadong computer worm na Stuxnet ay nakapasok sa control system ng isang plantang nuklear sa Iran.

[Talababa]

Ang computer worm ay isang mapaminsalang program na awtomatikong gumagawa ng kopya ng sarili nito at ipinadadala iyon sa ibang mga computer sa pamamagitan ng Internet. Gaya ng iba pang malicious software, ang mga computer worm ay karaniwan nang binibigyan ng pangalan, gaya ng Slammer.


PROTEKTAHAN ANG SARILI!

1. Mag-install ng antivirus, spyware-detection, at firewall software sa computer mo. Laging i-update ang security ng mga software na iyan at ng iyong operating system.

2. Mag-isip muna bago i-click ang mga link o buksan ang mga attachment ng isang e-mail o instant message—kahit galing iyon sa mga kaibigan. Mag-ingat lalo na kung ang e-mail ay hindi mo inaasahan at nanghihingi ng personal na impormasyon o mga password.

3. Huwag na huwag kokopya o gagamit ng software na hindi mo alam ang pinagmulan.

4. Gumamit ng mga password na may walo o higit pang karakter at may mga numero at simbolo. Palitan ito sa pana-panahon. Gumamit ng iba’t ibang password para sa iba’t ibang account.

5. Makipagtransaksiyon lang online sa mapagkakatiwalaang mga kompanya na gumagamit ng secured na koneksiyon.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

6. Huwag magbigay ng kompidensiyal na impormasyon tungkol sa iyo o sa mga account mo kapag gumagamit ng koneksiyong Wi-Fi na hindi secured, halimbawa’y sa mga pampublikong lugar.

7. Patayin ang computer mo kapag hindi ito ginagamit.

8. Regular na gumawa ng backup ng iyong mga file, at ingatang mabuti ang mga kopya nito.

[Talababa]

Ang mga secured na Web page sa mga Web browser ay may lock symbol at “You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. sa address bar. Ang ibig sabihin ng “s” ay “secure.”

Protektahan ang sarili mo sa Internet
 
base internet h@cking. sabi sa post ni TS para sa self def sa h@cker. kung nalalaman mong nahahäçk kana mas possible na gawin tanggalin mo yung lan cable mo sa router or sa lan port. hahaha ez . btw thanks for the info.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top