What's new

Daily Bread (October 28 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"ANG DIOS AY TUNAY NA MAAASAHAN"
(HEBREO 10:23)
Magpakatatag tayo sa ating pag asa at huwag ng magalinlangan pa, sapagkat ang nangako sa atin ay maaasahan.
Mapagpalang araw po sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Kapag dumating sa isang tao ang pagdududa at pagaalinlangan dito nagsisimula ang kawalan ng pag asa. Halimbawa kung may panalangin tayo na hindi agad natutugon, dumarating sa atin ang pagaalinlangan, kapag dumarating tayo sa ganitong yugto ng ating buhay, ating gawing positibo ang ating isipan, labanan natin ang pag aalinlangan dahil hindi ito makakatulong sa atin. Pinahihina ng pagaalinlangan ang ating pananampalataya.
Ang Dios na nangako sa atin ay maaasahan. At hindi magbabago ang Kanyang mga pangako ito ay tiyak na matutupad.
HUWAG NANG MAG-ALINLANGAN PA.
Ang kabaligtaran ng pananampalataya ay pag-aalinlangan. Nagiging mahina ang isang Cristiano sa kanyang pananalig kapag pumasok na ang pag-aalinlangan. Mas madaling nahahatak ng mga gawa ng sanlibutan dahil hindi lubos na ibinibigay ang tiwala sa Dios. Sa halip, pinagdududahan niya ang mga aral na natutuhan mula sa Banal na Kasulatan. Tinanggap na natin ang katotohanang ang Panginoong Jesus ay nag-alay ng buhay sa krus sa ikapapatawad ng ating mga kasalanan. Sumaatin na ang kaligtasan mula nang tayo’y manalig sa Kanya. Ngayon, tayo ay naghihintay sa pangako ng Kanyang muling pagparito. Huwag nang mag-alinlangan pa dahil tapat ang sa atin ay nangako.
Ang biyaya at pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top