What's new

Daily Bread (October 8 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
. Ang pagiging mayabang at pagkakaroon ng saloobin na "mas magaling kaysa sa iba" ay sumisira sa ating relasyon sa ibang tao. Gayunman, itinuro sa atin ni Jesus na unahin ang kapakanan ng iba bago ang ating sarili: "Ngunit hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na nais maging dakila ay dapat maging lingkod ninyo, at ang sinumang nais maging pinuno ay dapat maging alipin ng lahat. Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at upang mag-alay ng kanyang buhay para sa ikatutubos ng marami" (Markos 10:43-45). Kung tayo ay mayabang, hindi tayo makakapaglingkod sa iba.
Inulit ni Pablo ang parehong katuruan sa kanyang sulat sa iglesya sa Filipos: "Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili" (Filipos 2:3). Napakalaki ng pagkakaiba nito sa paligsahang nagaganap sa ating mundo ngayon, at tiyak na walang puwang para sa atin ang maging mayabang. Kung saan itinutulak tayo ng mundo na magsikap upang marating ang itaas anuman ang kapalit na halaga at maging mataas kung marating natin ang tagumpay, inuutusan tayo ni Jesus na maging mapagpakumbaba: "Sapagkat ang nagmamataas ay ibababa, at ang nagpapakumbaba ay itataas" (Lukas 14:11; Santiago 4:6). Ang ating pangunahing layunin, sa anumang antas ng tagumpay sa mundo, ay ang pagluwalhati sa Diyos.. GLORY TO GOD ALONE!

Pastor Ombie Lontoc
 

About this Thread

  • 0
    Replies
  • 217
    Views
  • 1
    Participants
Last reply from:
Pamintangdurog04

Online statistics

Members online
1,088
Guests online
4,349
Total visitors
5,437
Back
Top