Honestly, mahirap talaga intindihin ang human life cycle. Maraming toxic sa paligid, may judgmental, at maraming walang pakielam.
Alam ko ang pakiramdam na yan Kuya, Yung mag overthink sa mg bagay o pangyayari na matagal ng tapos o sa mga mangyayari palang. Yung feeling na you want some space at mag laylow sa lahat. For some reason naman, Hindi nakikiayon sa gusto mo/natin dahil andyan si "responsibilities".
Sa Punto ng life mo makikilala mo Ang bawat tao sa paligid mo, Yung mga taong may totoong care sayo. Dumating sa point na yung mga taong ine-expect mo na tutulong satin paangat, Basta malungkot sa part na yun.
Pero nung nakilala ko si Lord at nung time na ipinagkatiwala ko sa kanya lahat, as in lahat. Andun parin yung pain na Hindi ko maintindihan pero alam mo kung ano ang point dun? Yung gumaan ang pakiramdam ko at nafeel ko talaga na hindi ako alone. Best medicine talaga para sakin. Iniyak ko lahat Kay Lord, naalala ko pa nga na nasabi ko to before Kay Lord "Lord, deserve ko ba to?" , "Lord, Bakit ako pa?" ,"Lord, kailan ba to matapos, pagod na ko."
See, kahit ako nakakaranas ng depression, Hindi ka nag-iisa sa ganitong situation. Marami dyan sa tabi tabi, nakatago lang, nanahimik at lumalaban mag isa.
I suggest lang naman Kuya na walang mawawala, it's still up to you. Si LORD lang talaga Ang best listener, Hindi sya judgemental.
Nakalipas na Ang ilang taon at masasabi kong stable na emotions ko, nakabalik na ako sa dating Buhay ko. Happy na rin ako. And guess what, lahat may reason. Narealized kong Bakit kailangan ko un ma experience. Amazing talaga si Lord.
KAYA MO YAN! KAPIT KA LANG KAY LORD!
Hinding-hindi ka niya bibitawan.