BellaPouch29
Forum Veteran
Guys di ko alam kung normal lang to pero napapadalas na nananaginip ako ng same dream lang or continuation ng isang dream lang pagka gising ko pag naaalimpungatan ako. Sino naka experience na neto?
Madalas hinahabol ako ng tao tapos sa panaginip mo gusto mo sumigaw at tumakbo ng mabilis pero di mo magawa tapos kung kailan maaabutan na ako tsaka ako nagigising tapos pag tulog ko ulit yon padin panaginip ko parang nag continue labg yun naputol kong panaganip. Parang bangongot na nga kaso minsan gusto ko talaga sumigaw tapos tunog lang nagagawa ko tapos hahampasin ako ng live in partner ko kasi binabangongot daw ako.Anong klase ba napapanaginipan mo ts? Minsan kasi ang panaginip may connection talaga yan sa nararamdamam natin ako nung panahong depressed ako gnyn din napapanaginipan ko paulet ulet
What??! How??! Grabe ganon nga pinagdadaan ko. Gustong gusto ko tulungan magulang ko pero dahil sakto lang kinikita ko lagi ko iniisip mag trabaho abroad, nag aral ako Korean kasi gusto ko mag ofw sa Korea kasi malaki sweldo. 1 year na ngayon ng simulan ko mag aral ng Korean pero di tuloy tuloy kasi self studying lang ginagawa ko at may work din ako kaya bihira ko nalang magawa pero everytime nabisita ako sa bahay at nakikita kalagayan ng family ko naaawa ako sa parents ko especially kasi may edad na sila, father ko mag senior citizen in 2 years, tapos nag wo-work padin sila. May maliit na business naman parents ko so di talaga sila pagod talaga kasi may tumutulong naman sa kanila pero yun feeling na gusto mo at their age na nag eenjoy nalang sila like dalhin mo sila sa ibang bansa para mag bakasyon pero di mo magawa or kumain sa restaurants ng kilala as gift nalang para sa kanila tapos di ko magawa kasi ikaw mismo di mo magawa sa sarili mo ng family. May asawa at anak na ako. Pinag aral ako pero di ko tinapos kasi mas pinili ko mag lakwatsa at nag asawa ng maaga tapos ngayon umaasa nalang sa contract jobs. Haist.ipinahihiwatig nyang ang kawalan ng direksyon.Yung tipong kahit may pagkakataon o oportunidad na dumating sayo ,napapalampas mo due to several reasons.Ito ay babala sa iyo ng tadhana na may dapat kang baguhin sa iyong buhay.May mga dapat kang ayusin sa ikabubuti mo o sa pamilya mo.Hindi mo lang ito napaglalanan ng atensyon dahil abala ka sa ibang bagay.It might mean also na may pumipigil sa iyo sa nakaraan na hindi mo magawang bitawan.