What's new

Closed Final destination sa totoong buhay

Status
Not open for further replies.

Jmrie_

in memoriam 1995-2021
Joined
Aug 21, 2017
Posts
104,956
Solutions
1
Reaction
53,216
Points
27,061
Age
28
Siguro kung hinde sila nag matigas itakas ang ang kotse siguro mga buhay pa sila ngayon so basahin niyo po etong article made by someome i dont own this okey..


TAGAYTAY CAR ACCIDENT VICTIMS COVER PHOTOS: A Premonition of their “Final Destination”?

By Crystal Snow

HEADLINE: On Sunday, January 17 2016 three men and three women were killed in a single car crash in San Jose, Tagaytay

The teenagers who died in a car crash early Sunday morning were graduating junior high school students who didn't have drivers' licenses. At ang mga menor de edad na sa sakay ng naaksidenteng kotse, itinakas lang pala ang sasakyan!
Ayon sa ulat ni Steve Dailisan ng GMA-7’s “24 Oras”, ang mga biktima na nasa edad 15-16 taong gulang ay nasa huling buwan ng pagiging Grade 10 students.
Ang mga biktimang sina John Russel Garcia, 15; John Paul Tena, 15; Kirby Bokingo, 16; Jaymee Gubaton, 16; Lauren Bren Calabines, 16; and Rodalyn Bautista, 17. Kinilala si Gubaton ng kanyang ina na si Corazon Garcia. Si Vena ay kinilala ng kanyang tiyahin na si Tessie Esperanza habang si Garcia naman ay kilala ng kanyang ina na si Ruth Garcia.
Hindi pa tiyak ng mga otoridad kung sino ang nagmamaneho ng pulang Toyota Vios ng sumalpok ito sa isang barikada. Ngunit kalaunan, ayon sa mga imbestigador si Calabines ang kinililang driver ng nasabing sasakyan.
Ayon sa ulat ni Police Chief Supt. Ferdinand Quirante, binabagtas ng Toyota Vios na ito ang kahabaan ng Tagaytay-Calamba Road ng lumihis ito sa kabilang linya pasado 2:40 ng madaling araw.
Kwento ng tiyahin na si Tessie Esperanza, nagpunta daw sa bahay nila ang grupo ng kabataan na ito oras lamang ang nakakaraan bago mangyari ang insidente.
"Sana nagising ako noong time na umalis siya para napigilan ko. Pero hindi ko naramdaman kasi nga umalis sila eh. Kung naramdaman ko lang, hindi ako papayag kasi kargo ko siya eh," sabi niya.
Ayon sa mga saksi, nakita nila ang sasakyan na ito na tumigil sa isang convenience store sa may rotunda at tinumbok ang daan pasilangan. Matulin di umano ang takbo ng nasabing sasakyan sa highway bago ito bumangga sa isang barikada at kalaunay sumalpok sa isang puno. Nagliyab di umano ang sasakyan, at naiwan sa loob nito ang mga biktima. Ayon sa mga rumesponde, hindi na nila nagawang iligtas ang mga biktima dahil sa laki ng apoy.
Hindi pa matiyak ng mga otoridad kung ang sanhi ng aksidente ay dahil sa mechanical failure or sanhi ng problema sa engine ng sasakyan. Ang lakas ng pagkakasalpok nito ang maaring nagging dahilan kung bakit ito nagdulot ng pagliyab at pagsabog ng sasakyan.

I, myself, owns a 2016 Toyota Vios kung engine lang pag-uusapan wala naman problema don. Wala pa akong naeencounter na kahit anong engine or mechanical problem sa sasakyan ko, knowing na mabilis din talaga ako magpatakbo. Okay naman ang brakes, pedals, wheel alignment and all even the airbag. I even asked some of my friends who owns a Toyota Vios car kung nagkaron ba sila ng problem, and sabi nila wala. Hindi ko lang alam sa iba, but since the incident happened in Tagaytay and we all know how creepy Tagaytay is, then maybe pwede nating sabihin na hindi ito isang pangkaraniwang insidente? Na ang dahilan ng trahedya ay isang di rin isang pangkaraniwang nilalang.

THE PREMONITION

Ilang araw matapos ang insidenteng kinasangkutan ng anim na menor-de-edad, kumalat sa internet ang mga Facebook Cover Photos ng mga biktima. Na hindi umano ay kunektado sa kanilang malagim na kamatayan.
Nagulat si Christian Layug ng makita ang mga cover photos ng mga Junior High School Students na ito. Gumawa siya ng collage photos ng mga ito na dagliang naman kumalat sa social media.

Sa kanyang caption, nilagay ni Layug: “Yung four minors po yung mga passengers na namatay sa car accident sa Tagaytay tignan niyo yung cover photos nila. Road, Signs, Smoke then Darkness. Then yung single po yun yung Driver nila tignan niyo rin yung cover photo niya nakakakilabot.”
But unfortunately, Layug’s post has been removed. “I took down what I posted. I did not intend to subject anyone to anything harmful. I just wanted to send a message of calling for prayers. If there is anything the victims of the accident need right now, it is our prayers,” Layug shared after deleting the viral photos.
May ilang mga netizens ang nagsaabi na kahalintulad ito ng horror movie na “Final Destination”. Sa pelikula na iyon, ang isang karakter ay nakakakita ng mga pahiwatig o napapanaginipan nya ang pagkamatay ng isang tao, na nangyayari naman kapag sya ay nagigising na.
Sa pamamagitan ng viral na Facebook post na ito, isang Den Castillo na saksi di umano sa insidente ang sinisi ang Tagaytay Police sa bagal ng pag-responde nila sa mga biktima. Ayon kay Castillo, malaki ang tyansa na maligtas ang mga biktima kung dumating lamang ang mga ito sa tamang oras at kung naagapaan nila ang sunog.

THE HUGE WHITE HOUND DOG

Isang makapanindig-balahibong istorya ang bumabalot sa trahedyang nangyari. Na isang Facebook Post ng isang netizen na nagngangalang, Princess, inalala nya ang malagim na trahedyang nasaksihan niya at ng kanyang nobyo.
Ayon kay Princess, nakita nila ang resulta ng insidente pero pinili nilang lumayo dahil sa takot na sumabog ang wasak na wasak na sasakyan. Pinaliwanag ni Princess na kahit gustuhin nilang tumulong, ayaw nilang isangkalang ang kanilang buhay.
Pagkatapos ay kinuwento ni Princess ang nakakakilabot na istorya bago maganap ang aksidente.
Kwento niya na may nakita silang isang malaking aso sa gitna ng kalsada kung saan nangyari ang aksidente. Ayon din sa isang commenter, nakita din nya ang aso na ito ng mapadaan sya sa lugar na iyon.
Mula sa litrato na kuha ni Den Castillo, sa gilid ng isang puting pintura nandoon ang malaking snow dog. Hindi man malinaw ang pagkakakuha sa litrato pero pinaniniwalaan na ang ispirito ng nasabing aso ang dahilan bakit naaksidente ang mga ito.

Maari nga bang involve ang asong ito sa car crash? Could it be a ghost or just a coincidence? Anong masasabi nyo dito? Share your thoughts and views sa comment section.

Thank you reading my article. And please always pray to God and drive slowly (Yes CS, Drive slowly *pats shoulder*)

Sources:
www(dot)GMANews(dot)com
www(dot)summitexpress(dot)com
www(dot)ABSCBNNews(dot)com
www(dot)zeibiz(dot)com
 
Nice story po ateh parang yung najessica naman na naipit ang buhok sa ferris wheel napanaginipan naman bago daw mangyari
 
may kanya kanya ata talagang destiny ang tayo kung ano ba mang yayari parang naka plano na lahat.
 
Di umano hehe btw nice story nakakakilabot basahin parang totoo nga mga kwento nila. Kung oras mo na talaga wala ka magagawa dyan hehe keep sharing pa po ateh :):)
 
Last edited by a moderator:
Di umano hehe btw nice story nakakakilabot basahin parang totoo nga mga kwento nila. Kung oras mo na talaga wala ka magagawa dyan hehe keep sharing pa po ateh :):)
Totoo po yan nabalita na po yan e patay sila kawawa nga e yung mga account nila sa fb ang mag sasabe ng paano nila na meet yang aksidente na yan search mo sa fb
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.
Back
Top