so ok lang ba mag buy ngayun oh wait ko pa bumaba?
Mas maganda talaga kung bumaba pa. Pero wala naman talaga nakaka-alam kung saan papunta yung market diba.
Pero mas maganda talaga if ikaw yung mag de-decide niyan. Usually ang ginagawa ng iba is Fundamental Analysis (FA) or Technical Analysis (TA) or both. Later on, ikaw na magde-decide kung ano ang titingnan mo kapag bibili ka.
Mahirap kasi umasa sa sabi-sabi lang ng iba kasi "exit strategy" ka lang nila eh. Exit strategy means, pag pasok mo, eexit na din sila. Kumbaga, yung pera na ipinasok mo ang kukunin nila as profits. Prone ka din sa fear of missing out (FOMO)
For Shiba naman, sabi ko nga kanina, maganda siya kasi Top 100 coin siya. Audited yung contract nila. Mataas din market cap. MEME coin nga lang.
For starters, tingnan mo yung Fear & Greed Factor ng CoinMarketCap (CMC) ng market ngayon tapos decide ka if sa tingin mo tataas pa ba or bababa pa based naman sa recent performance niya.
Pwede din averaging ka - Dollar Cost Averaging (DCA) ika nga. Yung half lang bibilhin mo ngayon tapos next week or some other time yung kalahati naman bibilhin mo para at least kahit umakyat or bumaba yung market, averaged na yung pasok mo.
Sana nakatulong.