What's new

Closed "hindi ko na alam magmahal"

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146
met-reason-blessing-or-lesson-quote-love-pictures-pics.jpg


"Hindi ko na alam magmahal"


Ang sarap isiping ikaw ay masaya
Dagdag pa ang prowebang kasama ay SIYA
Yung taong alam mong ika'y sasaya
Kahit anong sakripisyo pa ang nakataya

Kay dami ng lugar na pwede kong pasyalan
Subalit sa lugar niya ang aking nadatnan
Isang bagay na di ko lubos inasahan
Natuto akong nagmahal ng walang alinlangan

Totoo nga siguro ang sabi-sabi
Kapag umibig ka wala nang pasintabi
Mapa-umaga man o mapagabi
Tanging nais mo lamang, siya'y makatabi

Sa una oo napakasaya
Simula pa lamang tila di na tatanda
Sa paglipas man ng anumang pananantala
Kahit pa dumating ang mga pagdududa

Kulang ang isang araw na ika'y lambingin
Ang pagkasabik nangibabaw sa atin
Walang sino man ang makakaangkin
Ang panahong ito ay para lang sa atin

Ngunit kung ang sakit ay darating
Siguro ay handa ko na itong harapin
Bagamat ito man ang kinakatakutan
Susubukan ko paring ika'y ipaglaban

At kung dumating ang araw na ito
Ang biglaan mong pagbabago
Kapag minahal mo ay hindi na ako
Hindi ko na alam magmahal, kung di rin lang sayo



-madpro


https://phc.onl/#forbidden#/9RtA9MZX0GA
 
I love that quote. Dati parang napakacreepy nyan sakin. Obsessed lang te? Hahahaha. But when you find that person you can’t imagine your life without, you’ve found something truly beautiful.

May pinagdadaanan sir? Haha
 
mahilig din ako sa tula nung elementary.. paborito ko yung Tree..

i think that i shall never see
a poem as lovely as a tree

nakalimutan ko na.. hahaha
Hahaha elementary days uso yang poem na trees basta ang nagsulat nyan kilmar yata ang last name
 
Nice repa matindihang hugutan to, maraming salamat sa pagbabahagi:)

maraming salamat din sa pagbabasa.. ngayon lang po ako nakakapagbahagi dahil na rin sa pagiging abala ko sa bawat araw ^_^ sana'y nakapagbahagi ako ng kaunti

I love that quote. Dati parang napakacreepy nyan sakin. Obsessed lang te? Hahahaha. But when you find that person you can’t imagine your life without, you’ve found something truly beautiful.

May pinagdadaanan sir? Haha


hahaha dati pero ngayon ok na ako. nakakapagbalik ala-ala kasi yung kanta ni jroah salamat sa pagkumento maam.
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 22
    Replies
  • 969
    Views
  • 8
    Participants
Last reply from:
Miss Chinita

Online statistics

Members online
442
Guests online
4,667
Total visitors
5,109
Back
Top