marcoramiro01
Honorary Poster
- Joined
- Aug 27, 2017
- Posts
- 612
- Reaction
- 167
- Points
- 191
Dati naniniwala ako na ang unang taong nilikha ng Diyos ay sina Adan at eva. Nagkamali pala ako. Sa kanila lang pala nagmula ang lahi ng Israel pero hindi ang lahat ng lahi ng tao. Maraming lahi ang tao. Sa kulay may maputi, maitim (negro), madilaw at kayumanggi. Sa hugis may matangkad, sobrang tangkad (higante), maliit at mas maliit (unano). Pwede bang lumabas kina adan at eva ang lahat ng lahi ng tao. We know how genetics work. Genetics - the study of variation and heredity. Napatunayan na kahit ilang beses pa magtalik ang isang babae at lalaki kung wala sa lahi nila (both side) ng maitim(negro) o mas maliit (unano) ay hindi sila maaaring magkaanak ng isang negro o unano. Ganyan din kina adan at eva. Kung sila ang unang tao bakit may negro? Bakit may unano? Eh hindi naman maitim ang kulay nila at hindi rin naman sila mga unano. Ito ay malaking katibayan na ang mga negro at mga unano at iba pang lahi ay kasabayan rin nina adan at eva nung nilikha ng Diyos ang tao. Katulad din ng mga hayop. Halimbawa na lang ng mga aso at ibon. Ang mga aso't ibon ay may iba't ibang hugis at kulay din nung nilikha ng Diyos. Hindi lang isang klase kundi maraming klase.
At isa pa, napatunayan din na hindi maaaring mag-asawa ang isang magkapatid dahil malaki ang posibilidad na magkaroon ng masamang epekto sa pagsilang ng bata. Halimbawa kung sina adan at eva ay nagkaroon ng apat na anak dalawang babae at dalawang lalaki. Hindi maaaring ang mag-asawahan ay ang kani-kanilang mga anak. Dahil kung gayon lahat ng mga apo nina adan at eva ay nagkaroon ng problema sa pagkasilang ng mga ito. Kagaya na lang nung nangyari kay King Tuthankamun ng Egypt na lumabas ang latest study evidence that the boy was product of incest. A "virtual autopsy" of King Tutankhamun shows his parents were brother and sister, that he had a club foot, feminine hips and a large overbite.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Kaya ngayon sa ating panahon na maunlad na ang science at techonology maniniwala pa rin ba tayo sa sinabi ng author ng Genesis na ang unang tao ay sina adan at eva? Isa akong kristiyano pero hindi na ako naniniwala na ang mga unang tao na nilikha ng Diyos ay sina adan at eva. Salamat.

Last edited: