What's new

Help Home Owner Association

i am Thor

Honorary Poster
Hi PHCitizen, tanong ko lang sana kung may nakakaalam or maalam sa batas tungkol sa home owner association sa mga subdivision, required po ba or nasa batas ba na taon taon bumili para sa bagong sticker para sa subdivision ? Tanong lang para sa kaalaman no to debate po :)
 
Magandang araw po! Sa ilalim ng Republic Act No. 9904 o "Magna Carta for Homeowners and Homeowners Associations", hindi obligado ang mga homeowners na bumili ng bagong sticker taon-taon upang makapasok sa kanilang subdivision o village. Sa halip, ang batas ay nagbibigay ng kalayaan sa mga homeowners association na magpasya kung magpapataw ba sila ng ganitong uri ng bayarin o hindi.

Subalit, maaaring mayroong patakaran o regulasyon ang mismong homeowners association sa inyong subdivision na nagsasaad ng ganitong pagbabayad. Kung ito ay nakasaad sa kanilang mga patakaran, may karapatan silang magpataw ng bayarin sa kanilang mga miyembro para sa mga bagong sticker taun-taon.

Kung mayroon pa po kayong katanungan o paglilinaw, huwag po kayong mag-atubili na magtanong ulit. Salamat po!
 
bali may ginawa ang HOA na patakaran dito sa lugar namin na taon taon bumili ng bagong sticker sa sasakyan, kung hindi ba namin masunod yun may karapatan ba ang HOA na mang harang at hindi papasukin ang sasakyang hindi nakabili ng bagong sticker pero may luma pa namang nakakabit na sticker ? nasa ilalim ba yun ng batas dito sa pilinas ? salamat sa magbilis na pag sagot
 
separate entity yung HOA so unless may nilabag sila sa national/local di sya concern ng batas, pero bilang association, may say yung mga member, baka kasi majority naman ng member agree <cases wherein sobrang daming sasakyan ng isang member tapos pinaparada lang sa sidewalk or source ng funding for maintenance>
 

Similar threads

Back
Top