Good morning mga lods, meron akong 7 EX, at currently may jowa. Pinaka matagal yung una, tumagal ng 6 years. Naging LDR kasi mag migrate sila sa ibang bansa. then dun na nasira. Then yung 6, months lang. Halos for s3x nalang kasi mga yun, galing lang social apps. Yung jowa ko din now, galing socapps. 4 months palang kami, sobrang religious niya, yet something happened na, which was her first. Kaso after nun, lagi nalang niya inuungkat yung past ko, though alam naman niya lahat yun, buong detalye, yung parang lahat sinusumbat sa nakaraan. Then, tuwing aalis ako andami niyang nasasabi, though halos once a month lang ako umalis talaga. Pero sya since nag aaral pa sya, napakarami niyang inaasikaso. Then, kapag ako nagtatanong ng updates or something, especially sa mga nanliligaw pa sakanya kahit alam na may jowa sya, NAGAGALIT SYA, then parang ayaw niya na magbigay assurance. Kahit kasi sa dami nang lumipas na babae sakin, I can say na siya yung pinaka minahal ko kahit napakasaglit na panahon palang ang meorn kami. Any suggestions/recommendations po kung paano magiging healthy relationship namin? Thank you!!