What's new

Help Iphone 13 Pro Max white screen.

Skybuds24

Addict
Joined
May 20, 2019
Posts
66
Reaction
11
Points
78
Good morning po, baka may alam po kayo solution dito. Bigla nalang po nag white screen, maghapon ko pa siya nagamit nung isang araw tapos bigla parang nagfliflicker white siya habang ginagamit ko hanggang nag white screen na talaga siya. Kahit irestart white screen parin siya pag open kahit yung apple logo pag boot wala fully white talaga. Tapos sinubukan ko patayin magdamag, kinabukasan pag bukas ko naging Ok pero mga 5 minutes ko lang yata nagamit nag start na naman siya mag flicker hanggang sa naging white screen na naman siya. Try ko sana ireset sa itunes kaso di ko hirap kapain 🤣

Thank you, sana may sumagot 😊

IMG20220809201205.jpg IMG20220809201144.jpg
 

Attachments

Hindi ba yan nabagsak? looks like LCD problem.

if may insurance yang unit mo pwede yan mapalitan ng bago if factory defect yan.
 
Hindi ba yan nabagsak? looks like LCD problem.

if may insurance yang unit mo pwede yan mapalitan ng bago if factory defect yan.

Sa nabagsak sir, may ilang beses na din pero di naman ganun kalala at may case po siya. Sa maghapon sa araw na nag white screen siya di po nabagsak. Nga po pala sir pag sisipatin mo mabuti sa bandang taas ng screen maaaninag mo pa signal at battery icon. Functioning yung cellphone, natatawagan at gumagana yung touch screen yung display lang talaga parang naka max brightness pero mga x100 🤣

Wala yata insurance Sir, sa Lazada ko nabili nung January, nag message na ako sa Beyond the box pero wala response 😄
 
Last edited:
search mo kaya muna sa YT baka merong fix na kaya mo naman gawin pag wala tsaka mo na lang dalhin sa technician
Yes boss nagsearch narin ako sa yt pero wala masyado videos sa ganitong issue. Force restart lang kadalsan nakita ko na possible solution at nagawa na. May isang third party app pero base sa mga comments hindi rin effective. 🥲
 
Yes boss nagsearch narin ako sa yt pero wala masyado videos sa ganitong issue. Force restart lang kadalsan nakita ko na possible solution at nagawa na. May isang third party app pero base sa mga comments hindi rin effective. 🥲
kahit yung software ng Phonefab at Dr.Fone hindi gumana?
 
kung may history yan ng pagkabagsak un na ung dahilan bakit sya nag white screen. tech na need nyan try mo sa Spex Appeal ipagawa.
 
kahit yung software ng Phonefab at Dr.Fone hindi gumana?
Try ko tignan to boss, salamat!

Its either Flex cable yan lcd mo baka lumuwag, or pag hinde baka ung lcd na mismo
Thank you Sir, baka may recommended kayo na hindi nananaga 🤣

kung may history yan ng pagkabagsak un na ung dahilan bakit sya nag white screen. tech na need nyan try mo sa Spex Appeal ipagawa.
Check ko ito Sir, thank you!
 
Update lang mga idol, sinubukan ko imessage yung beyond the box sa Lazada na pinagbilhan ko kasi meron pala sila 1 year warranty sa unit. At ayun nag process ng return item at after 1 week na nareceived nila yung unit na diagnosed na nila. So ayun legit white screen issue, thank you Lord at pasok sa warranty 😊 Thank you din sa inyo mga idol na nagbigay ng insights niyo 👌 Amen! 🙂
IMG_20220825_174232.jpg
 

Attachments

Last edited:
Update lang mga idol, sinubukan ko imessage yung beyond the box sa Lazada na pinagbilhan ko kasi meron pala sila 1 year warranty sa unit. At ayun nag process ng return item at after 1 week na nareceived nila yung unit na diagnosed na nila. So ayun legit white screen issue, thank you Lord at pasok sa warranty 😊 Thank you din sa inyo mga idol na nagbigay ng insights niyo 👌 Amen! 🙂View attachment 2110257
Hi, we are having the same issue, ano po nakasaad don sa technical report?
 
Back
Top