What's new

Help Jowa kong Cheater

pirates23

Honorary Poster
Mag 7 years na sana kame this April, pero nung January this year nanghingi sya ng space , gusto daw nya ayusin muna buhay nya kasi pabigat daw sya sakin (naintindihan ko kasi stress lagi sya sa work)

Nung 3 years palng kame nahuli ko na sya sa phone na may kachat at kameet na iba, I confronted him, sabi ko tatawagan ko ung kalaguyo nya at kakausapin ko, sabi nya wag na daw kasi wala lng namn daw un, wag ko nalng daw tawagan un nakakahiya daw,nkikipag hiwalay na ako nun, pero sabi nya magbabago na daw sya, hndi na daw nya uulitin, at dhil nga mas matanda ako ng 4 years naisip ko dapat mas maintindhin ako, kaya nagtuloy kame eventhough alam kong may lamat na

then cguro after a year nahuli ko ulit sila nagkakachat, nagkikita, pero ganun ulit naging maintindhin ako

then last year gumawa sya ng dummy account nya hndi ko alam kung bakit pero ramdam ko, dun sya gumagawa ng kalokohan nya, hndi ko na sya kinonfront dineadma ko nalng sabi ko bahala na

then netong january nga naging problematic na sya sa work, nababagot, nauurat sa bahay nila, ako may work din ako busy kame pareho minsan nahihila nya emtotions ko kaka sabi nya ng problems nya na nauurat sya sa d nya alam ang dhilan, hanggang humingi nga sya ng space, pumayag namn ako baka yun nga kailangan namin pareho, sabi nya pag nalampsan daw namin ito mas magiging strong daw relationship namin

update: (yun pla may kinahuhumalingan na sya, nagchecheckin sila, nagstart last year pa pala, nag a i love you-han pero hndi sila) habang binabasa ko ung messages nila, parang dinudurog ****** pala, ganun pala feeling as in tutulo nalng luha ko habang nagbabasa

cguro naboring sakin, bahay lng namn ako as im a software engineer, subsob sa computer lagi ding stress, tumaba na din dahil pandemic hahaha ,tas kalaguyo nya call center ata, lagi sila may time after ng work nila

sa 6+ years namin persistent sya, every weekend dito sa bahay natutulog lumalabas kame,mnsan nagpapadala ng mga foods via delivery, every night tumatawag, nag start last year pang gabi na ako at pang umaga, hndi ko na gaano nasasagot tawag nya kasi busy na ako sa work cguro un dn naging dahilan kaya sya nagkaganun

at ngaun dumalaw sya sakin, kumain kame sa labas, nung iconnect ko sya sa wifi ko, may nagmessage binuksan ko, nabasa ko nag aaya sya ng outdoor *** sa katext nya if di ako nagkamali ng alala sa number un din katext nya nung 3+ years plng kame

mahaba ung convo nila pero dko na binasa, may kirot sa una pero inisip ko wala namn na cguro akong pangahhawakan kasi nag cool off kame, at cguro yun din reason nya kaya gusto nya ng cool off, cguro libog lng yun at lilipas din

umaasa kasi ako na magkakabalikan pa kame, may mga pangarap pa ako para saming dalawa, mag iibang bansa put up a business gusto ko sabay kame aasenso kaya khit masakit para sakin na mag cool off kame , inintndi ko

pero ngaun naisip ko parang nawalan na ako ng pag asa - na magkabalikan kame dahil sa nabasa ko, hndi koalam kung iintndihin ko ba sya ulit, dahil alam ko may mga pagkukulang din namn ako

ano ma aadvice nyo po?
 
Last edited:
Sinabi mo rin na ilang beses mo siya pinagbigyan, nagbubulag-bulagan ka lang sa mga ginagawa niya sayo, mukhang iniiputan ka niya sa ulo. Kaya kung ako sayo, wag ka na pakamartir sa kanya. Minahal mo siya at binigay rin naman yung gusto niya, sadyang kasalanan na niya yan. Sakto na yung pangalawang pagkakataon pero pag nagtatlo na, iwanan mo na dahil palpak nga siya sa pangalawa, sa susunod pa kaya? Pinagbigyan mo na siya nun lods. Bale warning na yung panguna kaya final na pag mangyari ulit. If ever na babalik ka pa sa kanya hay naku, parang sinusuntok mo lang sarili mo hanggang mahirapan na humilom yung sugat.

Walang pake yung monthsarry, anniversary or ilang taon pa yan kung ganyan yung sitwasyon.
 
move on na ts, ginagamit ka n lng nya, tandaan mo ang sobra nakakasama, tama na ung pinagbigyan mo, kung ginagawa nya pa nga ngaun, paano pa kaya pagnaging asawa mo n yan? oo walang perpekto pero payong kaibigan, ingatan mo sana ang puso mo ikaw rin kasi ang gagamot nyan sa huli,

kaya mo yan, we cheer you up
 
dumaan na ako sa mga ganyan ts. let that be a lesson for you, one day magsisisi din sya sa ginawa nyang sabihin nating "mga salitang napaka sweet pero may demonyo sa likod ng salita". sa akin nga walang magka interest kasi daw pangit at di daw deserving kaya ginawa ko let their words do the job, headset lang katapat .
 
[XX='luna-, c: 997467, m: 1840969'][/XX] Active lang po paminsan Minsan, at Kapag registered po kayo ng 30 days at 30 message or post, then you are now already established member 😄
 
boss makipag break ka na. nakikipag *** sa iba bukod sayo. hinahatulan yan ng biblia. tama na boss. palayain mo siya kung un gusto niya. iniputan ka na sa ulo ng babaeng yan.

layuan mo ang ganyan klaseng tao.

Jude 7 "Ganoon din ang Sodoma at Gomorra at ang mga lunsod sa palibot nila na nagpakasasa sa seksuwal na imoralidad at sumunod sa di-likas na pagnanasa ng laman; nagsisilbi silang babalang halimbawa sa atin sa dinanas nilang parusang hatol na walang-hanggang apoy."

2 Timoteo 3:1-5 "Pero sinasabi ko sa iyo na sa mga huling araw, magiging mapanganib at mahirap ang kalagayan. Dahil ang mga tao ay magiging makasarili, maibigin sa pera, mayabang, mapagmataas, mamumusong, masuwayin sa magulang, walang utang na loob, di-tapat, walang likas na pagmamahal, ayaw makipagkasundo, maninirang-puri, walang pagpipigil sa sarili, mabangis, napopoot sa kabutihan, taksil, matigas ang ulo, mapagmalaki, maibigin sa kaluguran sa halip na maibigin sa Diyos, at mukhang makadiyos pero iba naman ang paraan ng pamumuhay. Layuan mo sila."
 

Similar threads

Back
Top