Cerebellum
Eternal Poster
- Joined
- Oct 31, 2021
- Posts
- 1,183
- Reaction
- 532
- Points
- 423
Kung Bakit Hindi Natin Naiintindihan ang Diyos Kung Minsan
"Totoo ba ang Diyos? Kung totoo siya, bakit siya nag-utos noon na makipagdigma sa mga tao at patayin ang mga iyon? Bakit niya inutusang pumatay yung mga lingkod niya? Bakit niya pinatay ang milyun-milyong mga tao noong panahon ni Noe? Kung totoong mabuting ama siya, bakit niya hinayaang mapatay yung anak niya? At bakit may mga relihiyon na dahilan ng mga digmaan at patayan?"
Nasubukan mo na bang itanong ang mga iyan? Baka naisip mo na rin 'yan at naisip mo kung totoo nga kayang makatarungan at maibigin ang Diyos gaya ng itinuturo ng mga relihiyon sa ngayon. Gayunman, baka nagkakaroon ka ng pag-aalinlangan tungkol sa mga pagkilos na ginawa ng Diyos noon.
Kuning halimbawa ang ulat sa aklat ng Bilang. Mababasa natin doon na hinatulan ni Jehova ng kamatayan ang isang Israelita na nanguha ng kahoy sa araw ng Sabbath. Sa ikalawang aklat ng Samuel naman, nalaman natin na makalipas ang ilang siglo, pinatawad ni Jehova si Haring David na nagkasala ng pangangalunya at pagpatay. (Bil. 15:32, 35; 2 Sam. 12:9, 13) Baka maitanong natin, ‘Bakit pinatawad ni Jehova si David na ang kasalanan ay pagpatay at pangangalunya samantalang hinatulan ng kamatayan ang isang Israelita na mukhang hindi naman ganoon kalubha ang kasalanan?’
Magandang tanong nga iyan! Ang totoo nya'n, sinasagot din ng Bibliya ang mga tanong na iyan. Matutuwa kang malaman kung ano ang sagot ng salita ng Diyos pagdating sa mga tanong natin tungkol sa mga bagay na ginawa niya. Pero sagutin muna natin ang tanong na ito:
Bakit Hindi Natin Nauunawaan ang mga Pagkilos ng Diyos?
Totoo, nilalang tayo ng Diyos taglay ang kakayahang ipakita ang mga katangian niya, gaya ng katarungan, awa, at pag-ibig. (Gen. 1:26) Gayunman, mula nang magkasala sina Adan at Eva, ang ating pananaw pagdating sa katarungan, awa, at pag-ibig ay naapektuhan din. (Kaw. 12:10; Isaias 5:20; Mikas 3:2; 2 Tim. 3:2)
Kawikaan 12:10
Ang matuwid ay nagpapakundangan sa buhay ng kaniyang hayop: nguni't ang mga kaawaan ng masama ay mabagsik.
Isaias 5:20
Kaawa-awa ang mga nagsasabing ang mabuti ay masama at ang masama ay mabuti, Ang mga nagsasabing ang kadiliman ay liwanag at ang liwanag ay kadiliman, Ang mga nagsasabing ang mapait ay matamis at ang matamis ay mapait!
Mikas 3:2
Kayong napopoot sa mabuti at umiibig sa kasamaan; na siyang umaagaw sa mga dukha ng balat nila, at ng kanilang laman sa kanilang mga buto;
2 Timoteo 3:2
Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan,
Ano ang punto? Hindi kataka-kata kung ang pananaw natin pagdating sa mga pagkilos ng Diyos noon ay maapektuhan din dahil sa ating hindi perpektong kalagayan at kaisipan.
Pansinin ang halimbawang ito na binanggit sa isang magasin na You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.,
Dahil hindi tayo perpekto, baka minsan, mas maluwag o mas mahigpit pa tayo sa paghatol kaysa kay Jehova. (1 Sam. 16:7) Baka kuwestiyunin pa nga natin ang mga ginagawa ni Jehova. Gaya tayo ng isang tao na lumabo ang salamin. Kahit ano ang gawin niya para makakita nang malinaw, malabo pa rin ang nakikita niya. Ganiyan din kapag nahihirapan tayong intindihin ang ilang ginagawa ni Jehova. Baka dahil sa pagiging di-perpekto, naaapektuhan ang pananaw natin sa katarungan. Ang pananaw natin—hindi ang kay Jehova—ang may diperensiya.—Ezek. 18:29.
1 Samuel 16:7
Pero sinabi ni Jehova kay Samuel: “Huwag kang tumingin sa hitsura niya at kung gaano siya katangkad; hindi ko siya pinili. Dahil ang pagtingin ng tao ay hindi gaya ng pagtingin ng Diyos. Ang tao ay tumitingin sa panlabas na anyo, pero si Jehova ay tumitingin sa puso.”
Ezekiel 18:9
“‘Pero sasabihin ng sambahayan ng Israel: “Hindi makatarungan ang daan ni Jehova.” O sambahayan ng Israel, ang daan ko ba talaga ang hindi makatarungan? O ang daan ninyo ang hindi makatarungan?’
Ano pa ang ibang mga dahilan kung bakit hindi natin naiintindihan ang mga ginawa o ginagawa ng Diyos?
1. Hindi laging sinasabi ng Bibliya ang lahat ng detalye ng isang ulat.
Halimbawa, alam natin na talagang pinagsisihan ni David ang mga nagawa niya. (Awit 51:2-4) Kumusta naman ang Israelita na lumabag sa kautusan ng Sabbath? Pinagsisihan ba niya ang ginawa niya? May nilabag na ba siyang kautusan ni Jehova noon? Binabalaan na ba siya dati pero binale-wala niya? Walang sinasabi ang Bibliya. Pero isang bagay ang tiyak: “Hindi kailanman magiging tiwali” si Jehova. (Deut. 32:4)
Deuteronomio 32:4
Ang Bato, walang maipipintas sa kaniyang mga gawa, Dahil lahat ng ginagawa niya ay makatarungan. Isang Diyos na tapat at hindi kailanman magiging tiwali; Matuwid at tapat siya.
Gumagawa siya ng mga desisyon batay sa kung ano ang totoo—nang walang pagtatangi at hindi batay sa sabi-sabi o sa anumang bagay na madalas na nagiging dahilan ng maling paghatol ng tao.
Genesis 18:20, 21
Pagkatapos, sinabi ni Jehova: “Napakalakas ng pagdaing laban sa Sodoma at Gomorra, at napakabigat ng kasalanan nila. Bababa ako para makita kung totoo ang pagdaing na nakaabot sa akin at kung talagang napakasama ng ginagawa nila. Gusto ko itong malaman.”
Deuteronomio 10:17
Dahil ang Diyos ninyong si Jehova ang Diyos ng mga diyos at ang Panginoon ng mga panginoon, ang Diyos na dakila, makapangyarihan, at kahanga-hanga, na hindi nagtatangi o tumatanggap ng suhol.
Habang mas nakikilala ng isang tao si Jehova at nalalaman ang mga pamantayan niya, lalo siyang magtitiwala sa mga hatol niya. Kaya kahit may mga tanong tayo sa isang ulat ng Bibliya na hindi pa natin masasagot ngayon, alam natin na ang Diyos ay “matuwid sa lahat ng kaniyang daan.”—Awit 145:17.
Awit 145:17
Si Jehova ay matuwid sa lahat ng kaniyang daan, At tapat sa lahat ng ginagawa niya.
2. Hindi laging tama ang hatol natin dahil hindi tayo perpekto.
Ginawa tayo ayon sa larawan ng Diyos, kaya gusto nating maging patas. (Gen. 1:26) Pero dahil hindi tayo perpekto, puwede tayong magkamali sa paghatol kahit sa tingin natin, alam natin ang lahat ng impormasyon. Halimbawa, hindi nagustuhan ni Jonas ang desisyon ni Jehova na magpakita ng awa sa mga taga-Nineve. (Jon. 3:10–4:1) Pero ano ba ang resulta ng desisyong iyon? Nailigtas ang buhay ng mahigit 120,000 nagsising mga Ninevita! Nakita natin na si Jonas ang nagkamali, hindi si Jehova.
Gaya ng binanggit sa naunang subtitulo ng ating tinatalakay, ang pananaw natin pagdating sa mga pagkilos ng Diyos noon ay naaapektuhan din dahil sa ating hindi perpektong kalagayan at kaisipan. Kaya kanino ang may diperensiya pagdating sa pananaw sa katarungan? Sa ating mga tao, hindi sa Diyos.
3. Hindi kailangang ipaliwanag ni Jehova ang lahat ng desisyon niya.
Totoo, hinayaan ni Jehova na sabihin ng mga lingkod niya noon kung ano ang nadarama nila tungkol sa mga desisyong ginawa niya o gagawin pa lang. (Gen. 18:25; Jon. 4:2, 3) At kung minsan, ipinapaliwanag niya ang mga desisyon niya. (Jon. 4:10, 11) Pero hindi obligado si Jehova na ipaliwanag sa atin ang mga desisyong ginagawa niya. Bilang ating Maylalang, hindi niya kailangang makuha ang pagsang-ayon natin, bago o pagkatapos niyang gumawa ng desisyon.—Isa. 40:13, 14; 55:9.
Isaias 40:13, 14
Sino ang nakasukat sa espiritu ni Jehova, At sinong tagapayo ang makapagtuturo sa kaniya? Kanino siya nagtanong para makaunawa, O sino ang nagtuturo sa kaniya ng katarungan, O nagtuturo sa kaniya ng kaalaman, O nagpapaliwanag sa kaniya tungkol sa tunay na unawa?
Isaias 55:9
“Dahil kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa sa lupa, Ang pamamaraan ko ay mas mataas kaysa sa pamamaraan ninyo At ang mga kaisipan ko kaysa sa mga kaisipan ninyo."
Kaya ano ang mga aral na natutunan mo?
Natutunan natin ang mga dahilan kung bakit hindi natin naiintindihan ang ginagawa, o ginawang mga pagkilos ng Diyos noon at ngayon. At ang pananaw natin pagdating sa katarungan ay naaapektuhan ng ating di-sakdal na kasipan kaya kung minsan ay naiisip natin na hindi makatarungan ang Diyos sa mga ginagawa at sinasabi niya.
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.