Hello po. Ang point ko po dito ay ang pagpapalit ng kulay ng dating dilaw na naging pink para magbago ang imahe sa mga tao. Ang naalala ko kasi ay yung mga tumakbo dating senator na makadilaw ay laglag lahat or yung kung tawagin ay otso diretso. Hindi mo po ba yun napanpansin or nagbubulagbulagan lang. At bakit napasama si BBM sa usapan ay hindi ko naman sya binabanggit?
Tsaka pakiramdam ko na galit ka na agad. Peace lang po, ayoko ko pong makipag away.
abay natural kapag binanggit mo kasing DILAW Aquino agad yan sa kaisipan ng makikitid ang jutaks.
ang gusto mo kasi palabasin at hindi mo lang pinunto ay.. ang pink ay dilawan padin nagpalit lang kunyari ng kulay..
kapag usaping political diretsahan agad hindi yung paligoy ligoy pa
hindi ako nagagalit political disscussion to bawal ang balat sibuyas.
and one more thing magulo ang mga political party ngayon, wala na sila sa dating nila mga adhika lalo na ang mga trapo political party
ang NUP hiwa hiwalay, meron kay BBM meron kay Leni
ang NPC ay hiwahiwalay ang mga kandidatong sendador meron kay Isko, meron kay Leni, meron kay BBM.
ang 1Sanbayanan Coalition ni VP Leni ay very unlikely mix of trapo and left leaning candidates
sa local candidates dito samin ang Kandidato ng PDP Laban sa pagka Mayor ay Isko-Sarah
hindi nila sinunod ang endorso ng partido na solid BBM-Sarah .
dati kapag kandidato ka at pag di mo sinunod ang endorso ng partido ay automatic kick out ka sa partido
and lastly to answer your question kung ano masasabi ko?
wala ng kaayusan ang mga poltical color and poltical party ngayon election ang habol na lang nila (lalo na yung mga trapo political party) ay survival of political interests at hindi ang sa kung ano ang simulain at mga ideolohiya ng Partido na kinabibilangan nila.
Buti nalang daw may duterte may dumating HAHAHAHAHA mss malala pa nga ata yan kay marcos sr. Laki ng inutang tignan mo after bumaba sa pwesto niyan hirap ang susunod na uupo sa bansa na to tapos kapag palpak ang pagpapatakbo sa pinas magrereklamo kayo for sure
noon nasa kalagitnaan ng panunungkulan si Pangulong Duterte kapag may palpak siya mga nagawa ang salag ng mga DDS ay "kasalanan ni PNOY yan"
kaya kung sakali maupo si BBM at maka gawa ng maraming kapalpakan (which sigurado naman puro kapalpakan aabutin ng pilipinas pag yan nanalo) sisihin nila si Duterte kaya kaya nila sabihin
"kasalanan ni Duterte yan palpak kasi siya nung siya ang Pangulo"