What's new

Help Mabisang gamot sa hangover? suggest kayo please.

Kape tlga idol or inom ng malamig na tubig pag mskit ulo, maganda sa kape dahil alam naman ntin kung gaano ka significant sa brain, nag sstimulate sya sa brain at duon nawawala yung hilo at pag mskit ulo syempre inom lng ng mraming tubig
 
late nako ts, lagi lang mag mainit. Kape or noodles, lugaw kung okay. Doon masusuka mo yung nakain mo then mapagpapawisan ka. After ng ilang minuto, makakapagpahinga tapos mawawala hilo mo
 
Sa lahat ng nagsasabing TUBIG o WATER lang e lahat kayo TAMA. Reason bakit sumasakit ulo at nag cause ng hang over. Una, ang katawan natin ay naglalaman halos 70% na water o tubig. Sa tuwing umiinom tayo nababawasan itong 70% na ito lalo pa kung sasamahan mo ng sigarilyo pabawas ng pabawas ito. TAMAa din yung nagsasabi ng GATORADE kasi totoo na nakaka-dehydrate ang alak sa katawan dahil nagiincrease ito ng produksyon ng ihi (diureses sa amin o medical term) at na maaaring magdulot ng pagkauhaw, pagkatuyo ng bibig, pagkahilo at maaaring humantong sa kawalan ng balanse ng electrolyte kaya tama yung uminim ng GATORADE kasi narereplenish nito ang mga electrolytes sa katawan natin tulad ng Vit B, C, Zinc, Magnesium, Potassium at higit sa lahat ay ang SODIUM o yung tinatawag na asin sa katawan natin. Kaya pansinin nyo kapag may hangover tayo e latang lata tayo dba? Kasi ang sodium o yung asin sa katawan natin ay importante sa katawan natin para sa MUSCLE CONTRACTION, at mga NERVE FUNCTIONS. Reason bakit sobrang sumasakit ang ulo natin tuwing may hangover tayo ay kulang tayo sa TUBIG. Dapat maibalik natin ang lahat ng nawawala na tubig natin sa katawan. Sabi ko nga ang katawan natin is made up of 70% of water, so kung nagiinom tayo, naninigarilyo ang resulta noon ay mahihirapan ang utak natin mag function kasi dehydrated nga tayo sa tuwing nagbibisyo tayo kaya ang dugo natin ay lumalapot at nahihirapan ito mag supply ng dugo sa utak kung kaya't si utak ay magrereklamo na kaya makakaranas ka na sobrang PANANAKIT ng ULO, PAGKAHILO, PAGKAWALA ng BALANSE o minsan pa e MASUSUKA ka (Nausea) o MAGSUSUKA ka (Vomitting).

Lahat ng nasabi dito ay lahat katotohanan basta any form of liquid kahit anong klase pa yan mapa-plain water, gatorade, o mga sabaw e goods yan para sa hangover natin. WAG lang SOFTDRINKS dahil may alchol content din ang mga softdrinks.


TIP: Kung ayaw mong makaranas ng hangover at gusto mo sumagad sa inom. Mag take ka ng VIT B1,B6,B12 o B-Complex kung tawagin bago ka uminom at kinabukasan pag gising mo para masupplyan ang mga kakulangan sa katawan natin after natin mag inom.

Subok ko na to mga lods. Safe ito kahit i-research nyo pa haha. Ginagawa namin to ng mga kaklase at ktrabaho ko everytime na magiinuman kami para makapasok kami next duty namin sa hospital haha.


Sana makatulong sa iyo ito TS hehehe :D
 
  • Love
Reactions: r5m

Similar threads

Back
Top