Mga ka ph doble ingat po tayo. Na scam na ako sa fb nang P500 twice recently before joining here in phc. Lalo na yung only way of payment na gusto nila is smart padala at ayaw pumayag sa bank transactions or money tranfers. Kasi pag smart padala po wala na tayong habol dun once na ma send na natin sa kanila ang payment. If ayaw bigay ang full details nila think twice na po tayo baka ma sayang lang ang pera na pinag hirapan natin dahil lang diyan sa mga scammer na yan. Ginawa na nilang hanap buhay ang manloko nang tao. Ang ka-kapal nang mukha di na ba nila naisip na ang ipa-pakain nila sa pamilya nila at sa mga anak ay galing sa panloloko para narin sila nag nakaw. Pati po yung mga positive feedback sa fb pages nila kasabwat din po nila yung mga tao na yun or mga ka kilala nila para bigyan sila kunyari nang good at positive feedbacks para ma attract nila ang mga tao na bumili nang so called bugged sim nila or tricks. Once na ma kuha nila ang payment boom parang nag magic at bigla nlang mag la-laho ang mga hayop at blocked na po agad tayo sa kanila at na nag ka easy money ang mga animal na scammers na yan. Yung lang po mga ka ph ingat po tayo nang mabuti lalo na pag dating sa online transactions. Salamat...
Last edited: