- Joined
- Nov 17, 2021
- Posts
- 1,990
- Reaction
- 889
- Points
- 548
Natanong ko lang kung másáráp ba talaga mag work at home kung ang family naman ay wala naman ka support-support or sadyang ang gulo-gulo naman nila sa bahay. Tipong wala naman sila pakialam kung nagwo work at home ka nga talaga. Tipong distraction. Kase nga diba , bahay nga e noh? Tipong imbis focus na focus ka sa ginagawa , bubulabugin ka sa kwarto. Nagmamakaawa ka na umalis muna sa kwarto , ayaw makinig. Minsan , meron ginagawa ay utusan ka pa at hindi ka naman makatanggi dahil baka sabihin naman na dini disrespect sila. Tapos kapag nagmamakaawa ka na meron ka training online , lahat ng tao ay mag-aalisan sa bahay at ipaiiwan sa iyo ang bata dahil walang bata mag-aalaga. E ang bata ay magulo. Pagkatapos parang hindi pa sila happy kapag nag oopen up ka na naghahanap ka ng trabaho online. Pero kapag lalake ang nag wowork at home , todo ingat sila na huwag istorbohin. Buong magdamag nasa kwarto na halos na hindi na umaalis sa kanilang lungga.
Sabi nila , másáráp raw mag work at home dahil hassle mag work sa labas ng house. Mamasahe pa raw kase sila na papunta bahay para mag trabaho at pabalik sa bahay. Pero bakit ang sinasabi nilang másáráp kuno mag work at home ay hindi ko maranasan? Minsan nawawala na ako mag motivate mag trabaho. Minsan naiisip ko na lang na mag housewife (pero wala akong asawa) na lang ako pero ayaw ko naman dahil kung nagkaganun , e parang tumulad din ako sa ibang babae na nawalan din mag motivate magtrabaho (iba lang naman). Katulad ng kapatid ko na babae na ang pangarap niya ay magtrabaho sa ibang bansa dahil malaki ang kita. Napansin ko , panay discourage sila ng discourage sila sa kapatid ko na babae na hindi raw maganda magtrabaho sa ibang bansa. But wag ka , nang nag apply ang kapatid ko na lalake sa labas ng bansa ay todo supportado sila. Tuwang-tuwa pa sila na parang nalalo ng lotto.
Ngayon , nag stuck up ang kapatid ko na babae na nagtatrabaho sa Pilipinas. Sumama ang loob but now okay na siya. Wala siyang motivation. Ang sinabi na lang niya na hindi para sa kanya ang magtrabaho sa labas ng bansa. Actually , kaya naman niya. Wala nga lang siya determination dahil nga sa nangyari sa kanya.
E ayaw ko naman tumulad sa kanya na sasabihin ko na lang na " o sige , huwag na lang kaya ako mag work at home " , tagalinis at taga asikaso na lang ako sa bahay.
Sabi talaga nila , másáráp mag work at home pero bakit hindi ko man lang maramdaman. másáráp ba talaga?

Last edited: