What's new

Mga ateyista jan saan aabot kaluluwa niyo

Supalpal

Forum Veteran
Joined
Oct 27, 2018
Posts
2,156
Solutions
3
Reaction
1,834
Points
724
Sa Impyerno (Averni) o sa kaluwalhatian ng dios?

Tsaka sa huli talaga nagsisisi.


Sa ateyista o non believer:
Malaya mo nga nagagawa dito sa lupa ang nais mo, marangya ang buhay puro kasarapan, peru katawan laman lang iniisip mo tama?, hindi nga lang nababatid ng mga taong ito. Ang kahihinatnan at sasapitin ng bawat kaluluwa nito.. tama talaga na nasa huli ang pagsisisi... isipin niyo din sana kaluluwa niyo maaawa kayo. Iba ang batas ng tao. Mas matindi ang batas ng spiritual hindi ka makakatakas.

Hindi pa naman huli ang lahat. Peru naiintindihan ko naman yan. Kasi sabe don sa nakasulat sa libro.

Kung ano nanaisin ng tao ang siyang magaganap..

Kaya wag na kayo dumagdagpa sa averni.

Ngayon wala pa, kasi buhay pa tayo. E paano sa susunod kung oras na pala natin.

Tao ang pipili ng nanaisin. Dito ang sukatan ng dios .kung saan natin ilalagak ang kaluluwa natin...

Naiintindihan ko na man mga taong ganyan.. nasasabi lang nila na nonbeliever ako o ateyista, dahil buhay pa sila at nagigising. Malamang binibigyan pa kayo pagkakataon.

Mga ganyan kayo, iniisip niyo lang katawang lupa niyo. Makasarili kayo. Isipin niyo din kung saan aabotin kaluluwa niyo.

Peace
 
pagkatapos mopo pagbantaan at husgahan ang mga hindi ayon sa paniniwala na sinasabi mo, sabay sabing "Peace"? the irony
 
Pangarap talga ng mga panatiko ang maparusahan ang mga ateyista pagdating ng panahon kaya sa isip nila masasamang tao ang mga ito.

Ngunit sa totoo lang, may disiplina at pilosopiya ding sinusunod ang mga ilan hindi-naniniwala. Tulad ko kung saan Kristyanong pamumuhay din ang napili kong pilosopiyang sundin. Bilang ateyista nga lang, wala akong interes ipagsaksakan sa ibang tao ang pamumuhay ko kung nananahimik nmn sila. Ano mang pilosopiya ang napili ng bawat tao, hindi para sa isang tao ang humusga sa kapwa kung mali nga ba ito o tama. Kahit nmn ang Bibliya ay sinabi yan.

Kung tutuusin nga, marami pa nga sa mga "naniniwala" ay hindi bukal sa loob ang pagsunod sa mga turo, dahil bunga lng naman ito ng takot sa kung ano man turo ng mga doktrina sakanila sa pagsasabuhay ng sarili nilang buhay.
Makasarili ang kanilang mga hangarin kung gagawa man ng mabuti, dahil ang habol lng nila ay ang biyaya na pinaniniwalaang kapalit ng paggawa nito. Mas madalas pa nga hanggang paniniwala nalang sila sa salita, pero madudumi naman ang isip.

Wala nga bang pagsisihan sa huli ang mga naniniwala sa mitolohiya ng relihiyon? Meron din.. dahil kung mali ang paniniwalaan nila, sinayang nila ang KAISA-ISANG buhay nila para sa "pangalawang buhay na walang hanggan" na kailanman ay hindi dadating.
 
Kung walang Diyos, walang hustisya sa mga inapi, mabubuhay ka sa mundo, magpapakasasa tapos deads, walang kabuluhan lang ang buhay kung mamamatay ka tapos wala na. Naniniwala kasi ako sa simple logic na ung lamesa hindi maganda pagkakagawa kung walang gumawa, hindi ko ma imagine makagawa ng magandang lamesa sa isang aksidente, o magpalitaw ng cellphone gamit ng kung anong pagsabog 😁.
 
Kung walang Diyos, walang hustisya sa mga inapi
Yan nmn tlga dahilan kaya binuo ang christianity, ang magkaroon ng imaginary na hustisya ang mga taong inapi, para kahit papano maluwag sa loob nila.

walang kabuluhan lang ang buhay kung mamamatay ka tapos wala na.
Tayo lng nmn naglalagay nag kabuluhan sa bagay bagay. Para maramdaman nating malaki tayo. Pero in the grand scheme lumitaw at naglaho lang tayo. Namimili lng tayo kung anong kabuluhan isasabuhay natin, yung kabuluhang binuo natin sa maikli nating buhay, o yung kabuluhan na idinikta sayo ng mga taong matagal nang nasawi.

Naniniwala kasi ako sa simple logic na ung lamesa hindi maganda pagkakagawa kung walang gumawa, hindi ko ma imagine makagawa ng magandang lamesa sa isang aksidente, o magpalitaw ng cellphone gamit ng kung anong pagsabog
Hindi yan simpleng logic. Bunga lang yan ng mapagmalaking pag iisip na espesyal tayo bilang buhay na nilalang at "maganda ang pagkakagawa" sa atin. Likas tlga sa tao ang ituring ang sarili na hindi siya bahagi ng paligid nya, o meron siyang spesyal na katangian na wala sa paligid nya o sa ibang nilalang. Hindi talino ang kailangan mo para maunawaan ang realidad, kundi kababaang loob.
 
Last edited:
rickandmorty-ricksanchez-wallpaper-in-2019-Rick-i-morty-.jpg
 

Attachments

To be honest lang po, limited lang ang knowledge ng tao and so meron ibang tao na hindi alam na meron other beliefs na nag-eexist po. Understood po siya. Ang atheist, kung alam mo lang, pwede maging spiritual kahit hindi na kinakailangan mapaloob sa relihiyon. Maraming beliefs dahil hindi lang kase abrahamic beliefs na nag-eexist. Iyan ganyan klaseng paniniwala ay exclusively for Christian ideology lang siya o exclusively for abrahamic beliefs lang siya katulad ng meron heaven and hell then kung sino man hindi maniniwala sa abrahamic God ay mapupunta sa hell or purgatory if ever.

Take example ng katulad ng non-abrahamic. Ang isa sa non-abrahamic ay Buddhism. Meron itinatawag na secularist Buddhism kung saan ang karamihan o ang ilan sa kanila ay atheist. They do zen meditation kung kaya itinawag na Buddhist Atheist po. They do not believe in God , I mean they do not believe in abrahamic God but atheist can be spiritual even though hindi sila napapaloob in a religion po. Meron mga Buddhist monk. Marami pang iba. Ang itinutukoy lang kase sa thread topic is exclusively for Christian ideology siya , or pang-Judaism or pang-Islam lang po siya.

You know same lang naman ang concept ng Judaism , Islam at Christian pagdating sa heaven at hell and kung sino man ang hindi naniniwala sa God nila.

And so for me? Huwag medio prejudice ang dating porke walang relihiyon ang mga atheist dahil really, atheist can be spiritual kahit na wala silang relihiyon.

Ganun.


 
Last edited:
To be honest lang po, limited lang ang knowledge ng tao and so meron ibang tao na hindi alam na meron other beliefs na nag-eexist po. Understood po siya. Ang atheist, kung alam mo lang, pwede maging spiritual kahit hindi na kinakailangan mapaloob sa relihiyon. Maraming beliefs dahil hindi lang kase abrahamic beliefs na nag-eexist. Iyan ganyan klaseng paniniwala ay exclusively for Christian ideology lang siya o exclusively for abrahamic beliefs lang siya katulad ng meron heaven and hell then kung sino man hindi maniniwala sa abrahamic God ay mapupunta sa hell or purgatory if ever.

Take example ng katulad ng non-abrahamic. Ang isa sa non-abrahamic ay Buddhism. Meron itinatawag na secularist Buddhism kung saan ang karamihan o ang ilan sa kanila ay atheist. They do zen meditation kung kaya itinawag na Buddhist Atheist po. They do not believe in God , I mean they do not believe in abrahamic God but atheist can be spiritual even though hindi sila napapaloob in a religion po. Meron mga Buddhist monk. Marami pang iba. Ang itinutukoy lang kase sa thread topic is exclusively for Christian ideology siya , or pang-Judaism or pang-Islam lang po siya.

You know same lang naman ang concept ng Judaism , Islam at Christian pagdating sa heaven at hell and kung sino man ang hindi naniniwala sa God nila.

And so for me? Huwag medio prejudice ang dating porke walang relihiyon ang mga atheist dahil really, atheist can be spiritual kahit na wala silang relihiyon.

Ganun.


for one to be spiritual syempre spirit yon something supernatural so kailangan muna maniwala sa spirit, kung ang athiest neither believe in God or something exist and created all things di sila magiging spiritual siguro ang budhism naniniwala sila or meron sila Diyos na pinaniniwalaan , o si budha na na reach nya ung nirvana. In biblical terms kasi God is Spirit and those who worship Him must worship in Spirit. sa kabilang banda my parts ang tao yun ay body , soul, Spirit, soul pertains sa mind naten , emotion, will and the spirit yung ginagmit naten para macontact mga spirtual things, exam. nakakita na ba kayo ng aso na nag dadasal , o nag woworship? ang mga hayop meron lang silang soul they can thing feel emotion and they have will but niether of them has spirit as humans do, yes posible maging spiritual mga atheist yun ay kung naniniwala sila na meron sila non, o pwedi rin they claimed to be spitual pero sa soul lang pala ang feeling .
 
for one to be spiritual syempre spirit yon something supernatural so kailangan muna maniwala sa spirit, kung ang athiest neither believe in God or something exist and created all things di sila magiging spiritual siguro ang budhism naniniwala sila or meron sila Diyos na pinaniniwalaan, o si budha na na reach nya ung nirvana.​

Actually, hindi God si Buddha. Tao po si Buddha. Ang Buddhism ay non-theistic religion po siya. Hindi po kasama ang Buddhism sa Abrahamic religion. Ang theistic religion ay katulad ng common sa atin which is Abrahamic religion. Iyon ang tatlong major beliefs katulad ng Christian, Islam at Judaism.

Si Buddha lang po kase ang kauna-una tao na naka-reach ng enligtenment na tipong kauna-una tao na naka-achieve ng inner peace and wisdom.

Sa totoo nga, ang tao ay pwede mabuhay na walang relihiyon pero hindi pwede mabuhay ang tao na walang spirituality. Ang ibig sabihin, ang tao ay pwede maka-survive na walang relihiyon pero hindi makaka-survive ang tao na walang spirituality.

Ang spirituality po kase is a state of feeling and the greater whole which is we are part of the cosmo or divine nature. Associated po sa self-worth and awareness of one’s own life. The spirit is a feeling which is the spirit is reside within us.

Some part like Hinduism, si Buddha ay incarnation ni Vishnu which is God po from Hinduism but in general speaking, si Buddha ay hindi God. According to follower of Buddha, hindi nito kino-consider na God si Buddha dahil si Buddha ay hindi naman nagcreate ng heaven and earth unlike in Abrahamic religion ay meron ito concept of God who created heaven and earth and so, itinawag na non-theistic ang Buddhism.

Ngayon kung tatanungin naman na bakit meron ibang tao na itinatawag na Lord si Buddha dahil ang Lord sa kanila is a ‘king’ dahil ipinanganak ito sa palasyo ng hari. Ibig sabihin na meron dugo na hari si Buddha but not as a God unlike sa atin who are baptize Christian (any Christian denomination) ay ang Lord sa atin ay equivalent to “God” who created heaven and earth. But bibihira raw tawagin ng ibang tao si Buddha ng Lord dahil ang ibang tao ay itinatawag ang simple pangalan lang which is Buddha.

Meron ibang tao ay itinatawag na venerable master si Buddha. Katulad na lamang ang mga master sa Shaolin temple. E diba, meron mga little shaolin monk kung tawagin na in the early age ay tini-train na po sila ng how to do a martial arts defense and again, meron kilalaman iyon sa spiritual beliefs na pinahahawakan nila at pagkatapos ay meron sila mga master na nagtuturo sa kanila.

Ang pagkakaintindi ko rin na ang martial arts in Buddhism is para sa self-defense lang. For example, sinasaktan ang girlfriend or boyfriend ng isang tao ay it is time na pwede nila e-saved ito o pigilan ang away but they will never attack. Kapag inattack sila ng kaaway, andoon lang sila mag-dedefend using their skills and talents noon nag-train sila ng martial arts unlike in Christian beliefs, well, kapag sinasaktan na ang mahal natin sa buhay ay siyempre, all we have to do is pray to God para...... you know.... para maligtas sila sa kapahamakan. Kase nga diba? Naka-depende lang ang faith nito sa pananampalataya nila kay God.

Meron kilalaman sa Atheist na kapag gusto nito eenhance ang spiritual nito into a high level of consciousnes, pwede siya magpractice ng zen meditation in Buddhism dahil related ang zen meditation sa Buddhism po. E non-theistic po ang Buddhism na it means na wala nitong God. I mean God na katulad ng Abrahamic religion na taga create ng heaven and earth. Actually, kahit sino ay pwede mag zen meditation from Buddhism katulad ng Agnostic, Deist, Christian, Islam, Judaism..... lahat ng beliefs ay welcome po.

In biblical terms kasi God is Spirit and those who worship Him must worship in Spirit. sa kabilang banda my parts ang tao yun ay body , soul, Spirit, soul pertains sa mind naten , emotion, will and the spirit yung ginagmit naten para macontact mga spirtual things, exam. nakakita na ba kayo ng aso na nag dadasal , o nag woworship? ang mga hayop meron lang silang soul they can thing feel emotion and they have will but niether of them has spirit as humans do, yes posible maging spiritual mga atheist yun ay kung naniniwala sila na meron sila non, o pwedi rin they claimed to be spitual pero sa soul lang pala ang feeling .​

Ah. Hindi ko naiintindihan na neither the animal has spirit as humans do. Magkaiba ang spirit ng animal at human? Or sadyang walang spirit ang animal katulad dog ,cat, birds etc..? Choice na ng Atheist iyon kung maniniwala sa spirituality o hindi.

Tutal, meron scientific explaination ang meditation katulad nito. Na-brain scan daw nila ang brain ng buddhist monk na nagmemeditate for years. The result is maganda ang ikinalalabasan ng brain scan nila. For me, makakabenefit po ang Atheist.


Meditation Impact on the Brain


Anyway , gusto niyo ba makakita ng little shaolin monk ? Ito iyon. Lupit 😁

 

Attachments

Last edited:
yes tao nga si budha what i mean is they are considering him as thier god , parang considered na rin sya as supernatural being
 
yes tao nga si budha what i mean is they are considering him as thier god , parang considered na rin sya as supernatural being

Considering God? Para sa iyo? Or para sa kanila? -dahil kasasabi ko lang kase na para sa mga followers ng Buddhist, they do not consider him as God. Ngayon kung for you, for you lang naman ay kino-consider na God for the Buddhist, well, it means, na fix na ang mentality para sa iyo na God siya for Buddhist kahit para sa kanila ay hindi. It means nasa sa iyo na iyon.
 
Considering God? Para sa iyo? Or para sa kanila? -dahil kasasabi ko lang kase na para sa mga followers ng Buddhist, they do not consider him as God. Ngayon kung for you, for you lang naman ay kino-consider na God for the Buddhist, well, it means, na fix na ang mentality para sa iyo na God siya for Buddhist kahit para sa kanila ay hindi. It means nasa sa iyo na iyon.
ahaha sa sobrang haba kasi di ko na binasa lahat my bad ,, di nga pala considered si budha na God parang fellow devotee lang pero they ρáíd respect for him finafollow lang nila yung path ni budha per they worship him as a sign of respect

ahaha sa sobrang haba kasi di ko na binasa lahat my bad ,, di nga pala considered si budha na God parang fellow devotee lang pero they ρáíd respect for him finafollow lang nila yung path ni budha per they worship him as a sign of respect
ah I see meditation is an exercise of the mind which kya siguro napag kakamalan being spiritual
 
nasa huli ang pagsisisi, nasa huli nga ba? or meron nga ba talagang nagsisi? hehe

malaya mo nga nagagawa dito sa lupa ang nais mo, hanggang lupa lang naman talaga tayo anu ka ba hehe

iniisip niyo lang katawang lupa niyo, ito lang naman talaga ang katawan ko

yan ang hirap kasi dinagdagan yung apaka simple na principles, meron pang langit at kaluluwa anu ba iyan hehe
 
ah I see meditation is an exercise of the mind which kya siguro napag kakamalan being spiritual​

Hindi ko nauunawaan nang sinabi mo na napagkakamalan na being spiritual. Ang ibig mo bang sabihin na ang mga buddhist monk ay hindi spiritual pero ang mga Christian ang maka-spiritual? Ganun? The word na ipinortray mo sa katagang "napagkakamalan". Its like you are saying na people who are buddhists ay they are doing it in a wrong way sapagkat hindi ito maka-spiritual. Akala lang nila. Christian lang ang maka-spiritual dahil it seems you are portraying na Christian is only true sa lahat ng true. Iyon ang napeperceive ko sa pagkakasabi mo.

Bahala ka. No need to explain everything dahil obvious diba? Christian ka nga. Yung ibang other faith ay consider not true sa iyo o not true sa iba. Siyempre , that is how your brain works. Hindi kita masisi.

Kase, ang napansin ko is parang for you na the only thing na maging spiritual ang isang tao ay kailangan muna sila maniwala sila sa Christian God - ganun iyon noh? Parang ipinalalabas mo na mapupunta ang mga Buddhist sa hell dahil hindi sila maka-spiritual. Iyon lang ang nakikita ko sa sinabi mo dahil nga non-theistic beliefs nga ang Buddhism.

Kase nga diba , in Christian God is a spirit. So bale people that are Christian ay they do not see it as spirit that reside in us , parang ganun ba iyon? Sapagkat ang winoworshipo po nila is literal God kaya lang na hindi nakikita ng mata dahil spirit lang siya which is for atheist ay ang tawag nila na imagination "friend" - kase nga hindi natin nakikita sa sarili natin mata. So parang to be spiritual ay maniwala muna ang mga Buddhist sa Christian God mismo. Ganun ba iyon?

So some theist ay andoon pa rin ang paninindigan nila na kailangan magkaroon ng deity para maging spiritual o kailangan magkaroon ng relihiyon upang ma-saved sa umaagablab na apoy dahil sa parusa ng God - ganun? Sabagay , hindi naman mababago ang perception ng mga theist sa atheist. Ang tingin pa rin nila na as long as walang deity ang atheist at hindi winoworship ang God ng Christian , hindi pa rin acceptable para sa kanila na maliligtas sila o hindi acceptable para sa kanila na basta atheist ang tao ay maka-spiritual na siya kahit walang deity dahil importante kuno raw para sa kanila ang relihiyon para sa mga tao. Parang ganun kase ang nakikita ko.​
 
Last edited:
So kasama ng mga rapist, magnanakaw, mamatay tao
ang mga hindi naniniwala sa Diyos?
 

About this Thread

  • 17
    Replies
  • 578
    Views
  • 11
    Participants
Last reply from:
imp4La

Online statistics

Members online
984
Guests online
5,517
Total visitors
6,501
Back
Top