What's new

Nakabuntis bf ko ng iba

Kase kahit kelan never sumagi sa isip ko iwan siya at madami na kami pinag samahan at nag mamakaawa naman siya sakin habang humihingi ng tawad pero di ko talaga maisip bat ganun ansakit
pwede mo siya patawarin Miss Eya,,pero magigigng future husband? hahaha mag isip ka,,lifetime child support sa hindi mo anak provided by him? then magkakaanak kayo? hati ang attention nya at responsibilities... hayaan mo siya mag suffer mag isa sa kalokohan nya..trust us,, mas madami ka pa ma meet na better person
 
don't settle for less po. kaya nga dapat alam natin yung consequences ng actions natin. hindi pagkakamali yung naka-buntis siya ng iba, malinaw na choice niya yun. and habang ginagawa niya ba yun, or even bago niya ipagpatuloy, naisip ka man lang ba niya kung talagang mahal ka niya. he will say sorry now and beg you to stay kasi alam niyang mahal mo siya pero isusugal mo yung sanity mo sa situation na yan pag nag-stay ka. hirap na ibalik yung trust, baka mas lalo ka lang masaktan.
 
mag let go ka na kesa nasasaktan ka ng ganyan . kasalanan nmn ng bf mo un.. kung love ka ng bf mo di sya gagawa ng ikakasira ng relasyon nyo.
 
Ikaw padin naman masusunod TS. Pero good thing sa part mo kasi nagtatanong ka dahil sobrang confuse ka sa nangyayari sayo and hindi mo alam ang gagawin mo. Di ko na nabasa ibang comment dito pero almost lahat sinasabi give up mo na yan. Basta update mo nalang kami hahaha
 
Actually ako po ata may kasalanan kung bakit to nangyari, ngayon ko lang napag isip isip kase sa loob ng 5 yrs lagi ko nirereject yung s*x daw kami kase sabi ko tsaka na kapag kasal na o ready na me siguro di na niya nakayanan at di na natiis kaya ganto nangyari parang guilty pa ata ako


Sana po makaya ko to ateng di ko talaga alam gagawin ko
Huwag mo sisihin ang sarili mo dahil lng hindi ka pumayag makipag *** sa kanya, kasi what if pumayag ka tapos nabuntis ka, edi ikaw din kawawa sa huli kasi nagkaroon ka ng baby na hindi ka pa ready,madali lng kasi sa mga lalaki mag aya makipag *** eh kasi alam nmn nilang hindi sila mabubuntis eh kaya wla lng sa kanila yun kahit ilang beses pa nila gawin. Kumbaga parang achievement nila yun pag marami silang natikman na babae,🙄tingnan mo yung ibang lalaki nagcomment dito inaya kapa🙄mga manyak talaga🙄 at tsaka yung girl na nabuntis nya,hula ko susuntentohan nya lng yun pero di nya yun pakakasalan
 
Pinakasalan ka na ba? Hindi mo kasi pede sabihin na mahal ka nya dahil nakabuntis xa ng iba. At first, Hindi ka nya nirespeto bilang gf. You deserve someone else na hindi ka niloloko. Love yourself and know your worth.
 
Girl, run and never look back! Di pa kayo kasal pero nakabuntis agad. What makes you think it will never happen again? Do you think mawawala yung chance na mambabae or makabuntis ulit sya once ikasal na kayo? These questions will keep on haunting you as long as kayo pa. There will always be doubt if ano ginagawa nya pag hindi kayo magkasama. If kating kati sya sa s3x to the point na dinisregard nya feelings nya sayo para sa temporaty pleasure, then he values lust over love. Kasi if mahal ka nya talaga, hindi na sasagi sa isip nya na tumingin pa sa ibang babae. But worst case pa ginawa nya, di lang sya tumingin, ginalaw pa. Ano ngayon kung wala syang balak pakasalan yung nabuntis nya at sustento na lang ibibigay nya? Does that change the fact na niloko at dinesrepect ka nya?

Please know your worth. Please wake up and realize it's not your fault, so you shouldn't be the one suffering from the consequences.
 
I know napaka daling sabihin ng iwan muna, pero yun talaga dapat mong gawin, mahirap sa simula pero ma iintindihan mo rin balang araw ang sakit na ginawa nya. mahirap naman kung ipag papatuloy nyo pa tapos may anaka siya sa iba, kawawa naman yung bata, isipin mo ng mabuti.
 
Mas masakit pag tiniis mo pa makisama sa bf mo pag pinatagal mo pa, let go n tiisin ang sakit ganun tlga pag nagmahal, KC lalo't nakabuntis na, ok pa sana kung d nka buo e, kaso May pananagutan na sya, kasanayan nya yan pag pinagbigyan
 
5yrs napo kase kami at legal na kami sa bawat family namin parang di ko kakayanin


22 sir
Minsan wala sa tagal yan. Nasa pag aaruga sa isat isa yan

22 ka palang mag explore ka muna marami ka pang makikilala

5 yrs palang kayo tumikim na ng iba what if 10 15 20 yrs na kayo?
 
Marupok kalang kung di mo siya iiwan, kung itutuloy mo yan na maging boyfriend at gawing asawa tiyak mag sisisi kalang sa bandang huli, nakipag *** na nga sa ibang babae at ngayon naka buntis na, ibig sabihin lang nun kahit matagal na kayo nag sasama bakit humanap pa ng ibang ka *** yan? Hindi ba siya nasisiyahan sayo halos binigay mo rin ang pag ka babae mo sa kanya? Nakow mag isip isip ka ineng habang maaga pa, okay lang yan masakit pero dapat tanggapin mo ang realidad ng buhay, umiwas ka sa gulo bigyan mo siya ng panahon para alagaan nya yung magiging bata sa babaeng binuntis nya, Tsaka ineng Kumapit ka lagi kay Lord God , mag dasal dsal din ,yun lang tanging paraan para ilagay ka sa tama.
 
alam mo ts nasayo na yung sagot kasi kahit anong sabihin namin dito kung talagang gusto mo parin ituloy salita lang yung sinabi namin pero kung ako sayo bata kaoa naman katulad ko focus muna sa goal mag aral kung nag aaral gamitin sa maka buluhan yung oras wag sa taong sasabihin na mahal ka pero nakipag talik sa iba kung mahal ka talaga nyan hinding hindi sya titikim ng iba or gagamit ng iba para lang ma ibsan yung init nya eto lang iwan mo na wala yung 5 years na yan kasi pinag palit nya yan dun sa na buntis nya malamang masakit para sayo pero utak ang gamitin mo dahil di ka aabante o uusad kung di mo sya i le let go. same age tayo pero kung ako yung nasa posisyon mo pipiliin ko yung sinabi ko rito para sa ika bubuti ng lahat yung parang sa time na yun ako naman muna na di ginawa ng bf mo kasi na tukso sya sa iba yung tipong sarili muna uunahin ganun pag isipan mo mga sinabi namin ikaw rin ang talo pag pinag patuloy mo.
 

Similar threads

Back
Top