6rashaperr
Addict
- Joined
- Jul 9, 2017
- Posts
- 123
- Reaction
- 61
- Points
- 111
Nandun ka
Sa pader na ulila sa mga larawan natin
Sa kwaderno kong puro pangalan mo ang nakasulat
At kung anuman ang mga tawag ko sa’yo
Nandun ka
Sa kawalan na ayaw makipag-ligaw tinginan
Sa mga kantang pinapakingan ko
Na laging boses mo ang naririnig
Kahit lalake pa yung kumakanta
Nandun ka
Kapag naglalakbay ang utak ko
Papunta sa mga gusto ko sanang bakasyunan
Sa mga gusto ko sanang kainan
Magkahawak ang kamay natin
Nandun ka
Sa mga pangarap ko
Sa mga munting panalangin ko
Pero nandun ka rin
Kung saan wala ako
At nandun ka lang
At hindi kailanman nandito.
--marupeterhenry
Sa pader na ulila sa mga larawan natin
Sa kwaderno kong puro pangalan mo ang nakasulat
At kung anuman ang mga tawag ko sa’yo
Nandun ka
Sa kawalan na ayaw makipag-ligaw tinginan
Sa mga kantang pinapakingan ko
Na laging boses mo ang naririnig
Kahit lalake pa yung kumakanta
Nandun ka
Kapag naglalakbay ang utak ko
Papunta sa mga gusto ko sanang bakasyunan
Sa mga gusto ko sanang kainan
Magkahawak ang kamay natin
Nandun ka
Sa mga pangarap ko
Sa mga munting panalangin ko
Pero nandun ka rin
Kung saan wala ako
At nandun ka lang
At hindi kailanman nandito.
--marupeterhenry