What's new

Paano magkaron ng jowa(Pangit kasi ako)

advise lang po, try to impress girls kung saan ka po magaling. sa talent mo po, mapapansin mo nmn po un if interested sayo ang isang girl. mararamdaman mo po yun. have self esteem po. boost mo po yung confidence mo po san ka magaling na bagay. im sure po mapapansin mo nlng po na madami palang may gusto sayo kung ano ka.. yun lng po,,(di po ako gwapo, pero yun po naranasan ko.. salamat..and note po may asawa na po ako at 2 anak..hehe)
 
kung teen k plng ok lng yan, i suggest focus on your own goals be successful dadating din yan tska pag stable kna mrming girls ang naattract sa responsable at reliable na tao.
 
di ka pangit, di kalang pala ayos, o kung pangit ka talaga, idaan mo sa pagka sincere mo, ipakita mo na gusto mo talga sila, baka ginagawa mo chat lang tapos pick up lines, padalhan mo sulat, o sadyang wala pa talaga nakalaan para syo hintay ka muna hehe
 
yung tropa ko ts hindi gwapo pero nagka jowa ng maganda. kaibigan muna sila pero nakita ng babae na mabait at komedyante tropa ko kaya nung umamin sya ok naman sa babae at until now sila pa din years past na. wag kang mawalan ng pag asa ts. tyaga at pasensya lang. wag madaliin makipagkaibigan muna bago ligaw para malamn nila na mas gwapo ang mabait at komedyanteng loyal na di kagwapuhan kesa sa gwapo nga babaero naman.
 
Di tama yung iniisip mo ts. Instead of thinking bakit walang may gusto sayo, just ask kung ano ba mali sa kanila na hindi ka nila maappreciate as someone special. Siguro dahil alam nila na deserve mo ang mas matinong tao.
Wag mo na isipin na walang nagmamahal sayo. Learn to love yourself. Be true. At sigurado na may magkakagusto din sayo.
 
ako naniniwala ako sa tamang oras, minsan nalang kasi sa trabaho o basta kahit sang pangyayari bigla ka nalang may makakasamang babae na di mo aakalain na yon na pala magiging gf mo haha. Hindi lang naman isa ang babae sa mundo kaya makikita modin yan soon. Goodluck ts
 
Hindi sila yung para sayo ts. Kung sino yung makakakita ng "gwapo" in you, sya yung para sayo.

Pero ask mo muna sarili mo kung may "gwapo" in you ka ba talaga na masasabi. Hindi lang yun sa pisikal. Una, reliable ka ba? Mabuti ka ba para sa kanya? Makakatulong ka ba para sa kanya? Ilan lang yan sa mga qualities na hinahanap ng babae/lalaki.

Kung konti pa siguro yung "gwapo" qualities mo, try to improve yourself sa mga ganyang aspeto. Pag nagiimprove ka na, naturally makakaattract ka rin ng babae na same quality sayo or same pananaw sayo.

Ang pagjojojowa hindi lang naman yan kasi pang panandalian. Yan na yung preparation sa future. Kaya kung gusto mo makaattract ng gusto mong makakasama sa future, iwork out mo rin sarili mo na maging maayos para sa future.

Yun lang ts. Goodluck! Kaya mo yan!
 
focus kung ano ka sa sarili mo. wag mong dibdibin kong pangit ka.walang taong pangit kundi may mga pangit na ugali. ang importante mahalaga pagiging mabuti sa kapwa. looking forward para sa buhay mo makakita ka rin para sayo at tanggap ka.
 
Fake it until you make it. sabihin mo sa sarili mo ang pogi ko tlga tyaka daanin mo sa sipag (dat may work stable job) at respeto trust me you can make it 🤙
 
Hanap ka ng friend na magrereto sayo tapos ireto mo rin yung friend mo sa kakilala mo kung wala syan jowa para kwits kayo. Yung nagreject sayo may bf na ba? Wag mo tigilan sa panliligaw kung wala pang bf kahit nireject ka. Kung may bf na, oks lang yun. Dapat sa mga ganun pinapalitan.
 
Back
Top