"Pag lumingon ka, akin ka"
Hindi mo ba pansin ang mga di normal kong pagtingin
Sa bawat sulyap ko sa iba ikaw ang nasa aking paningin
Maging sa pagpikit ng mga mata sa pagkinig sa musika
Indak na naggagalaw sa puso ko saking nagdala
Inimungkahi ko na ito sa Diyos natin sa mundo
"Ama bakit nga ba ganito? di ko mapigil tibok ng puso"
Subalit wala paring sagot mula sa kanya
Ang pag-asang tayo tila malayo na
Ngunit hindi ako susuko sa panahong alam ko na maging tayo
Lahat naman karapat dapat sa panahon maging ikaw man o ako
Pagkat lahat natututo sa pagkadapa at bumangon
Kaya itong ramdam ko sayo sana'y di na maglaon
Sisikapin ko ang magsagwan sa lupa na aking ginagalawan
Upang mapansin mo ito madalas kitang tinitingnan
Kahit pa di mo ramdam, ramdam ko ako'y mapapansin mo
Kunting hakbang na lang, makakamtan ko na rin matamis mong OO
Huwag mo nang ikubli kung ano man ito
Ito'y pawang katotohanan at hindi biro
Pagkat alam ko sa umpisa pa lamang ng aking tula
Napalingon ka na kung kaya't magiging AKIN ka
mad | pro