What's new

Closed Para sa aking minamahal

Status
Not open for further replies.

maudesune

Honorary Poster
Joined
Mar 8, 2018
Posts
330
Reaction
290
Points
214
Kahit saan saan, nandyan ka
Laging nakikita ng aking mata
Gustong makamit ang iyong ganda
Pero bakit ang hirap mahalin ka

Tuwing ako ay iyong nakikita
Laging sambit mo ay problema
Ako naman ay laging nakatunganga
Hindi naman ako ang Maylikha

Puro ka na lang ex, bakit nga ba
Tanong ko na lang ay y, t-ngina
Acute lahat ng angulo, oo na
Hindi ka obtuse, hindi mataba

Lubayan mo ako, o Matematika
Di mo ako mahal kahit mahal kita
Mga puso natin ay hindi magtutugma
Ibibigay na lang sa iba, pasensya




Haha, kung di obvious, frustrated po ako sa Math ngayon.
Send help. Jk.
 
Kaibigan nandiyan naman si talanumerohan
Lagyan mo lang ng baterya, problema mo ay madaling solusyunan
Hatid ay ginhawa sa pagkalkulang suma-suma
Siguradong pa relax-relax ka lang, hahaba pa ang iyong pasensya.

hahahahaha
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top