We have a plan po na inavail dito sa province namen na local provider, may tower po sila, P2P po ba tawag don. 25 mbps ung plan ko and it’s been 3 months na super ok kasi talagang 25mbps siya at lumalagpas pa madalas (up to 50mbps). Hina kasi ng globe/smart signal dito kaya natuwa talaga ako. Kaso nitong past weeks biglang 2-4mbps nalang siya pero ok naman ung ping (25ms idle ping). Pag nag sspeedtest ako sa una akyat siya ng 5-8mbps tas mabilis na bababa to 2-4mbps. Feeling ko nalilimit/cap ung speed namen. Niraise ko sa provider sabe panay din daw ang contact niya sa main tower kaso until now minomonitor ko speed di pa din nag ok. Parang gusto ko nalang idowngrade ung plan sa susunod na month huhu sobrang baba kasi ng speed need ko pa naman sa work kasi at least 15mbps dapat for wfh policy namin. Not really sure anong help ang need ko with this post. Siguro kung meron makakapagexplain ano probably ang nangyayare. Feeling ko kasi nilimit ung speed namen or sobrang laki na ng data consumed namen (but unlimited kasi advertised nila eh) or baka may problem talaga sa system nila. Nailabas ko lang with the hope na sana maayos na kasi hirap din maghanap ng magandang internet service lalo dito sa amin.