- Joined
- Nov 17, 2021
- Posts
- 2,051
- Reaction
- 906
- Points
- 561
Curious lang ako. Lalo na sa mga babae. Diba , ang mga babae ay hindi nag-eekspress ng feelings iyan. Ang karaniwan diyan ay lagi inaantay na lalake ang unang mag-express ng feelings nito sa kanila although hindi ko naman inilalahat ng mga babae and of course , meron din lalake na ayaw mag-ekspress ng kanilang feelings but all in all , in general speaking , gusto niyo e-hide ang iyong feelings towards sa guy o sa girl , well , saan kayo bumabawi? Saan? Ang alam ko na kapag tinago niyo o hindi niyo i-nexpress ang feelings niyo sa lalake o sa babae ay mas nakaka-torture sa utak at sobrang bigat ng nararamdaman parang meron dala-dalang bigatin sa loob ng heart niyo pero hindi niyo ma-release. Naiisip ko na papaano kayo nakaka-survive? Saan niyo idinadaan? Sa diary , sa journal ba? Sa.... saan? Curious lang ako. Napapa-isip ako na papaano kayo nakaka-survive sa feelings niyo na hindi ini-express.
Ang alam ko talaga , sobrang gaan ng feeling talaga kapag ni-release siya galing from the heart. Kapag na-release siya ay ang sarap ng pakiramdam dahil nakaka-gaan ng feeling. Iyon lang. Meron risk sa bawat release ng feelings niyo toward sa guy or sa girl pero sa ibang nababasa ko, mentally healthy talaga na nagsasabi ka kung ano ang nararamdaman mismo.
Kase, kapag hindi na-release , e diba? Meron ilan-ilan diyan na nababalitaan na nagsusuicide o meron iba na napagbibintangan na topakin ang isang tao raw lalo na dati-rati, meron ako naka-encounter na lalake na nagrereklamo siya na bakit ang babae raw kuno ay topakin. Sa loob-loob ko na baka naman hindi niya ma-ekspress ang feeling nito and siyempre , nakaka-torture sa utak ay baka through aksyon na makita-kita na lang ng ibang tao na nagkakatopak na siya dahil hindi niya inilalabas kung ano ang nararamdaman niya.
Saan niyo dinadaan kapag hindi kayo nag-eexpress ng nararamdaman niyo? Mostly kase sa girls ito but at the same time , meron guys din.