Majority yung mga hindi mananampalataya o sumasampalataya....Kesa sa mananampalataya.
Sabi ko na TS nalilito ka na.
Hindi ko na nga gagamitin ang
faith. Kino connect niyo naman lagi sa
relihiyon. Nalilito ka.
Imbis faith, ang gagamitin ko na word ay
trust na lang.
Ang another meaning ng
faith ay
trust. Hindi lang
pananampalataya.
yep normal... pero sinasabi mo na walang fault ang researcher e tagilid tayo dyan... yan ang naghihiwalay sa magaling na researcher at hindi... kakayahan na tanggapin ang sources of info w/ minimum amount of bias...
Hindi ko pwede sabihin na ang meron fault ay ang researcher dahil parang ipinalalabas ko na bias din ako, samantalang lahat tayo as human ay bias din. It seems na parang mas ini aangat ko ang isa sa iba pa.
pero para sakin kaya naman sya kasi kung may merit both sides... tatanggapin mo yung tidbits of facts na nandun... pero kung sinasabi mo na bias yung researcher kaya kahit may proven fact dun sa isang side na against sya at di parin nya to tinanggap... edi di sya effective na researcher... faulty yung method nya...
Hindi ko pwede sabihin na faulty. Sa ibang tao siguro, oo pero ang akin ay hindi ko masabi na faulty. Hindi niya tinatanggap dahil wala siyang trust sa information na ibinibigay sa kanya, therefore wala siyang faith- ay este, I mean wala siyang tiwala kung baga dahil ang ipinagkakatiwalaan lang niya ay kung ano meron ang kanya.
Ayaw ko na gamitin ang salitang faith. Lagi kase kino connect sa relihiyon. Trust na lang.
Kaya nga sabi ko, masasabi na totoo kung pagkakatiwalaan ang nabasa information lang. So kapag hindi nakakayanan ng tao na pagkatiwalaan ang nababasa mismo sa online, therefore hindi totoo sa kanya iyon.
Katulad ng thread topic ko. Never ever pinagkatiwalaan ang isinulat ko na katagang na kapag remain unvaccinated people ay ang virus nito at ang virus ng vaccinated people ay kapag nag mixed ito, ang result ay magiging variant. Wala tiwala ang tao sa isinulat ko dahil sa una pulot-dulo pa lang na kahit hindi pa nag-eexist ang ganitong topic ko, iba na talaga ang ipinahahawakan nilang beliefs at information na tinanggap at pinagkatiwalaan which is normal siya.
dahil lang mas viral... dun ka maniniwala? based sa number ng likes... comments and views? not effective research method ang ganto...
Hindi naman absolute na kapag majority wins ay correct o tama. Nagkataon na mas mataas ang tiwala ng mga majority group of people. It seems for me na parang less effective na ang research-research kase dahil kung gagamitin ng mga method of research sa online, may back-up pa ng science o scientist or kung meron pang demo-demonstration pang nalalaman if same parties ay meron din lang naman, mas mabuti na mag rely na lang sa personal experience ng mga tao dahil experience na talaga nila at majority of the people (iyon nga kung viral at tinatangkilik ng mga tao) sapagkat ang ibig sabihin mas mataas ang trust level ng mga tao. Dagdag kung ano gut instinct na meron sa akin so lahat naman ng tao ay meron gut instinct kung tawagin, siyempre, e-aaply na rin.
Subjective siya but mas okay na iyon kaysa walang gawin.
Katulad ng pagboto. Kahit naman eresearch ang bawat kandidato ay lahat ng mga iyan, meron nagagawang mabuti at tama. Lahat sila. E nagiging less effective na ang research-research sapagkat halos lahat naman ng kandidato ay walang lumalabas na masama at walang lumalabas na irresponsable kandidato sa mga tao na nasasakupan nito.
The reason why meron na nalalo na kandidato dahil majority wins, mas binoboto ng majority of the people at kung majority of the group, ang ibig sabihin lang is mataas ang trust level sa kandidato na iyon.
Katulad sa relihiyon. Kahit naka ilan intensive research ang mga iyan, iba-iba man relihiyon ang meron kung same lang din sila nakakakuha ng information based on research na keyso trace back from history na ang relihiyon ay true at tunay at walang mistake, minsan, I mean minsan, nagiging less effective na ang research. Ang gagawin na lang ng tao ay pagkatiwalaan ang paniniwala na ibinigay sa kanila. And kapag trust- well- kaya faith in God na lang- I mean trust in God na lang ang ginagawa ng tao sa bawat relihiyon nasasakupan nito.
Well, totoo naman so ang result, let us admit, useless ang debate dahil walang patutunguhan. The only option is trust in God.
mob mentality tawag dyan... and not good mindset sa research...
anecdotal fallacy + argumentum ad populum = misinformation...
Wala naman tayo magagawa in a real world. Lahat naman misinformation. Papaano natin ma fifilter ang lahat ng mga iyon? Tanggap tayo ng tanggap ng information na mahirap sa atin ma identified kung ano ang true or false. Hindi naman tayo perfect human being.
yeah... at quality ng magaling na researcher na maging aware sya dun at iinhibit nya ang bias tendencies...
Lahat ng tao ay bias. Madaling sabihin pero mahirap talagang gawin na sinasabing walang bias tendencies basta quality at magaling researcher ang meron.