Samsung galaxy A8 (2018) owner here.
So far eto ang experience ko.
Compared sa huawei p20.
Mas malinaw yung rear camera ng P20 pag madilim. Pero sa tamang settings sa pro mode ng a8 mapapantayan nya yung linaw ng P20.
Sa selfie naman yun dun panalo ang a8 talo nya P20.
wg nyo lalagyan ng tempered glass dahil lalabo yung front camera nyo. sayang lang yun pa naman ang nilamang ni a8.
Atsaka may pangit akong experience sa tempered glass. Bumili ako at nagpainstall kaso isang araw lang natanggal agad yung tempered glass. Dahil nakacurve ng konti yung gilid ni a8 hindi tuloy nakalapat yung gilid ng tempered glass. kaya nung nilagay sa bulsa nasasagi yung gilid ng tempered hanggang matanggal na.
Sa battery naman, ayos. nakakaabot ng isang araw ng walang recharge kahit naggames at data ako paminsan minsan.
Sa design, maganda sya, parang s8.