Ibig sabihin pangit na mag invest nito lods?
Sayang mag iinvest pa naman sana ako
Okay din mag invest dyan, for example meron ka ng 3 Axies, ganito ka makakapag earn daily.
SLP yung makukuha mo kapag naglalaro ka na, as of this time P2.10 ang price nya ngayon per SLP.
Ways to earn SLP:
Daily Quest (25 SLP Reward)
• Log in check
• 10 Win in Adventure Arena (Basic lang to parang tutorial lang)
• 5 Wins in PVP Arena (Player na yung kalaban dito, pagalingan ng diskarte ang labanan at swerte.)
Adventure Arena (50 SLP Reward)
Laro ka lang ng adventure makaka earn ka ng SLP, maximum earn mo dito per day is 50 SLP.
PVP Arena
Makaka earn ka dito ng SLP kada panalo mo, yung bilang ng SLP na makukuha mo depende sa MMR mo, ang starting MMR mo is 1.2k, ang SLP Reward nya kada panalo is 6 SLP, kada panalo mo tataas din MMR mo at the same time yung SLP na makukuha mo kada panalo.
Note:
May energy dun na tinatawag,start ka sa 20 Energy, yung energy na yun mababawasan kada maglalaro at nag gain ka ng SLP, kapag naubos yun di ka na makakagain ng SLP, nagre reset naman yung energy kinabukasan pde ka ulit mag gain.
Example:
Ganito yung Earnings ko dyan.
50 SLP(Adventure) + 25(Daily Quest) + 200 SLP(Arena) = 275 SLP/Day ako.
kung iko convert mo into Peso 275 SLP x P2.10=577.50
Tentative pa yang price ng SLP at yung SLP na pwede mo makuha, pdeng tumaas or bumaba.