What's new

Student Permit -> Non Professional Driver's License

Dun kasi sa pinasukan ko, kailangan with prior knowledge na daw kasi nga pandemic ngayon. Kaya tip ko lang sayo, mag aral ka pa rin talaga ng clutch. Mas okay kung mas mataas yung motor, gaya ng Yamaza FZ para makuha mo yung balanse. Manual transmission din sana kunin ko kaso sa underbone lang ako nakapag praktis. 😂
 
Hindi mo sya kinuha ulit sa LTO yung nawala mong lisensya lods? Sayang naman, malaki talaga gastos sa Non-Pro pa lang.
 
Pasok ka pa sa lumang patakaran ni LTO, pwede ka mag Non-Pro or Pro(need months), ng walang Practical Driving Certificate.
 
Hindi na lods as in wala talag oras para dun dahil hindi na rin talaga ako humawak ng sasakyan simula nung nag work ako kaya di na naasikaso laking hinayang ko lang ngayon kasi laki na pala ng gagastusin at dami na ek ek 😌
 
Around 7k yung nagastos ko sa Non-Pro, hindi pa kasama yung mga pinamasahe. Yung ganyang presyo kasi boss, pang 4wheels na presyo yan. Kasi sa mga kilalang driving school, almost 8k yung PDC ng Sedan manual. Tapos kapag automatic transmission pa, mas mahal. 😂
 
[XX='juanmacky28, c: 730212, m: 1110394'][/XX] At dahil yan sa bagong implementasyon ni LTO. Though meron pa din namang alternatives, pero hindi ko hinihikayat na pumatol dun sa mga yun. 😂
 
Pwedeng di ka na kukuha ulit ng lisensya. Kuha ka lang ng affidavit of loss. Iduduplicate lang nila yon. Di ko lang alam kung magkano magagastos. Mas mainam na pumunta ka sa LTO Office para malaman mo lahat ng Requirements para mapaduplicate yung lisensya mo. Sayang yan kung di mo aasikasuhin
 
Paano kung zero knowledge ka talga sa motor kahit bike ?
anung advised sa ganyan
gusto ko talga magmotr ng manual di lang marunnong
 
Paps di ka makaka pasa sa test drive kasi kailangan yun. Di ka rin makaka kuha ng lisensya kasi nga bagsak ka sa test drive. Dapat matuto ka munang mag motor
 
Advise ko lang sayo kung plano mo matutp mag manual, magpaturo ka muna sa kakilala mo na merong manual. Basta makuha mo lang yung proper clutching, gearing, at throttle control. Then kapag gamay mo na, yung turning naman. Yung tamang pagliko liko lalo na yung parang "zigzag" movement. Mali ko lang kasi yung nagpaturo ako ng manual, puro gearing at clutching agad inaaral ko in the short run kaya minsan namamatayan ako ng makina kapag lumiliko.
 
[XX='Kim Da-hyun, c: 932835, m: 443155'][/XX] matutunan ba yan sa driving school o puro lecture lang andun
 
[XX='GANONDORF, c: 945235, m: 1005772'][/XX] sa Theoretical yung pure lesson, pagdating sa practical dun na yung may hands-on. Dipende kung saang driving school ka mage-enroll kasi dahil nga "pandemic" bawal mag angkas sa motor. Tapos pwede rin nila kasing sabihin sayo na kung mag enroll ka ng practical driving lesson nila, dapat may knowledge ka na sa pag hawak ng motor.

Unless kung practical driving ng 4-wheels, dun talaga tuturuan ka nila.
 
mas madali ba mag automatik na lang kaya ? ang stig kasi ng mannual kaso baka pag dating samga driving school mahirapan
 
[XX='GANONDORF, c: 949456, m: 1005772'][/XX] yep, madali lang mag automatic. Ang downside lang, kokonti yung mga motor na pagpipilian mo kasi automatic lang pwede mo imaneho. Though pwede naman mag add ng restriction after 1 year bilang isang Non-Pro DL holder, kaso syempre dagdag gastos lang yun. Kung hindi ka naman nagmamadali, lakarin mo na muna yung student permit mo, tapos dun ka na mag aral ng manual transmission bago ka mag enroll ka driving school. 1 year naman validity nung student permit.
 

Similar threads

Back
Top