What's new

Closed Tatlong bagay na di-nabibili ng salapi

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,580
Reaction
7,229
Points
2,575
102013365_univ_lsr_xl.jpg
KAHIT nanganganib mawalan ng trabaho, bahay, at maging ng kanilang pensiyon, maraming tao ang gustung-gusto pa ring magkaroon ng mga bagay na nabibili ng salapi.

Ang gayong mga tao ay madaling mabiktima ng mga advertiser, na gumagawa ng nakaeengganyong mga advertisement na nagsasabing dapat tayong magkaroon ng mas malaking bahay, mas magarang kotse, at branded na mga damit. Wala kang pera? Hindi problema iyan! Gumamit ka ng credit card. Marami ang gustong magmukhang mayaman kahit baón na sa utang.

Pero sa malao’t madali, lilitaw ang totoo. “Ang pangungutang ng takaw-pansing mga produkto para magmukha at mag-astang mayaman ay gaya rin ng pagsinghot ng cocaine para gumanda ang iyong pakiramdam,” ang sabi ng aklat na The Narcissism Epidemic. “Sa umpisa, pareho itong mura at epektibo—pero panandalian lang ang mga iyon. Sa bandang huli, mamumulubi ka at madedepres.”

Sinasabi ng Bibliya na isang kamangmangan ang “pagpaparangya ng kabuhayan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang totoo, dahil sa obsesyon sa materyal na mga bagay, baka mabale-wala natin ang pinakamahahalagang bagay sa buhay—mga bagay na di-nabibili ng salapi. Tingnan natin ang tatlong halimbawa.

1. MAGANDANG SAMAHAN NG PAMILYA
Para kay Brianne, You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. isang tin-edyer sa Estados Unidos, sobra-sobra ang pagpapahalaga ng tatay niya sa trabaho at kinikita nito. “Kumpleto na kami sa lahat ng bagay,” ang sabi niya, “pero lagi namang wala si Daddy, kasi madalas siyang magbiyahe. Alam ko namang dahil ’yon sa trabaho niya, pero may pananagutan din siya sa ’min!”

102013365_univ_cnt_2_lg.jpg
Pag-isipan ito: Anong mga bagay ang posibleng pagsisihan ng tatay ni Brianne sa bandang huli? Paano nakaaapekto sa kaugnayan niya sa kaniyang anak ang sobrang pagpapahalaga niya sa materyal na mga bagay? Ano ang mas kailangan ng pamilya niya kaysa sa pera?

Mga simulain sa Bibliya na dapat isaalang-alang:

  • “Ang pag-ibig sa salapi ay siyang ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na magkamal ng salapi, may mga . . . nasadlak sa paghihirap ng kalooban.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., Magandang Balita Biblia.

  • “Mas mabuti pa ang kumain ng gulay kasama ng mga tao na iyong mahal kaysa kumain ng karne na may pagkakapootan.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., Good News Translation.
Tandaan: Ang magandang samahan ng pamilya ay hindi nabibili ng salapi. Mangyayari lang iyan kung bibigyan mo ng sapat na panahon, atensiyon, at pagmamahal ang iyong pamilya.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

2. TUNAY NA KAPANATAGAN
“Laging sinasabi sa akin ng nanay ko na mag-asawa ako ng mayaman at mag-aral para magkaroon ng magandang trabaho sakaling maubos ang pera ng asawa ko,” ang sabi ng 17-anyos na si Sarah. “Puro pera ang nasa isip niya.”

102013365_univ_cnt_3_lg.jpg
Pag-isipan ito: Kapag nagpaplano para sa kinabukasan, anong mga bagay ang dapat mong pag-isipan? Kailan masasabing sobra-sobra na ang pag-aalala mo sa mga ito? Anong mas balanseng pananaw sa pinansiyal na seguridad ang dapat sana’y itinuro ng nanay ni Sarah sa kaniya?

Mga simulain sa Bibliya na dapat isaalang-alang:

  • “Huwag na kayong mag-imbak para sa inyong sarili ng mga kayamanan sa lupa, kung saan ang tangà at kalawang ay nang-uubos, at kung saan ang mga magnanakaw ay nanloloob at nagnanakaw.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

  • “Hindi ninyo nalalaman kung ano ang magiging buhay ninyo bukas.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Tandaan: Kahit marami ka nang ipon, hindi ka pa rin nakasisigurong magiging panatag ang kinabukasan mo. Ang pera ay nananakaw—at hindi nito kayang magpagaling ng sakit o pumigil ng kamatayan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Itinuturo ng Bibliya na ang tunay na kapanatagan ay nagmumula sa pagkuha ng kaalaman tungkol sa Diyos at sa kaniyang layunin.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

3. PAGKAKONTENTO
“Pinalaki kami ng mga magulang namin sa simpleng pamumuhay,” ang sabi ng 24-anyos na si Tanya. “Masaya kami ng kakambal ko, kahit kadalasan ay sapat-sapat lang ang taglay namin.”

102013365_univ_cnt_4_md.jpg
Pag-isipan ito: Bakit nahihirapan ang ilan na makontento sa pangunahing mga pangangailangan? Pagdating sa pera, anong halimbawa ang ipinakikita mo sa iyong pamilya?

Mga simulain sa Bibliya na dapat isaalang-alang:

  • “Sa pagkakaroon ng pagkain at pananamit, magiging kontento na tayo sa mga bagay na ito.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

  • “Maligaya yaong mga palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Tandaan: Hindi pera at mga nabibili nito ang pinakamahalagang bagay sa buhay. Sinasabi ng Bibliya: “Kahit na may kasaganaan ang isang tao ang kaniyang buhay ay hindi nagmumula sa mga bagay na tinataglay niya.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang totoo, magiging tunay na maligaya lang tayo kung alam natin ang sagot sa sumusunod na mga tanong:

  • Bakit tayo naririto?

  • Ano ang magiging kinabukasan natin?

  • Paano ko masasapatan ang espirituwal na pangangailangan ko?
Ang mga Saksi ni Jehova na tagapaglathala ng magasing ito ay handang tumulong sa iyo na malaman ang sagot sa mga tanong na iyan.

Susi sa Kaligayahan?
“Sa pangkalahatan,” ang sabi ng The Narcissism Epidemic, “ang mga taong materyalistiko ay di-gaanong maligaya at mas nadedepres. Kahit ang mga nag-aambisyon pa lang na yumaman ay nagkakaproblema na sa kalusugan ng isip; sinasabi rin nilang mas madalas silang makaranas ng pananakit ng lalamunan, likod, at ulo at mas malamang na maglasing at gumamit ng bawal na gamot. Dahil sa pagsisikap na yumaman, lumilitaw na nagiging miserable ang mga tao.”

‘Pagbabago sa Prinsipyo’
“Nang tanungin ang mga estudyante noong dekada ’60 at pasimula ng dekada ’70 kung bakit nila gustong mag-aral sa kolehiyo, karamihan sa kanila ay nagsabing gusto nilang ‘maging edukado’ o ‘magkaroon ng pilosopiya sa buhay.’ Kaunti lang sa kanila ang nagsabing gusto nilang ‘kumita ng malaking pera’ kaya sila mag-aaral sa kolehiyo. Nang magsimula ang dekada ’90, ang idinadahilan na ng karamihan sa mga estudyante ay ang ‘kumita ng malaking pera’ . . . Kasabay ng pagbabagong ito sa prinsipyo ng mga estudyante ang biglang pagtaas ng bilang ng mga nadedepres, nagpapakamatay, at dumaranas ng iba pang problema sa isip.”—The Price of Privilege, ni Dr. Madeline Levine.

“Retail Therapy”
Ayon kay Dr. Madeline Levine, ang paggastos ay puwedeng maging “retail therapy” na nakapagpapaganda ng pakiramdam ng mga taong binigo ng kanilang pamilya, komunidad, at simbahan. “Ang pagsa-shopping ay isang paraan ng pagkontrol sa ating kapaligiran,” ang isinulat niya sa The Price of Privilege. “Dito, tayo ang gumagawa ng mga transaksiyon. Ipinaparamdam nito sa mámimíli na kontrolado niya ang mga bagay-bagay. Pero ilusyon lang ito . . . Ang talagang kumokontrol ay ang malalaking korporasyon at ang mga advertiser nila, na binabayaran para iparamdam sa mga tao na sa pagsa-shopping, ang mga mámimíli ang may kontrol sa mga bagay-bagay.”
 

Attachments

Sa panahon ngayon, maraming tao ang hindi makontento at napatunayan ko yan sa sarili ko. Nag asam ako ng maganda at bagong cellphone pinag ipunan at pinagastusan ko ito ngunit sa isang iglap nawala lang ito sa akin. Nanlamig ang pananampalataya ko sa Panginoon ni magpasalamat sa mga biyaya niya ay hindi ko nagawa. Sa pangyayaring ito pinaalala sakin ng Panginoon na matuto akong makontento sa mga bagay na meron ako dito sa mundo dahil sa pagdating ng takdang panahon lahat ng ito ay walang halaga.
 
Pamilya, másáráp na pagtulog at pagmamahal. Hindi sasarap ang tulog mo kung wala kang pagkakontento. Maraming salamat brad. Bookmark ko to.
 
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 4
    Replies
  • 939
    Views
  • 4
    Participants
Last reply from:
E P I C_E R R O R

Online statistics

Members online
783
Guests online
5,501
Total visitors
6,284
Back
Top