Mariyah Takeuchi
Eternal Poster
- Joined
- Feb 8, 2017
- Posts
- 903
- Solutions
- 1
- Reaction
- 262
- Points
- 414
para sa mga pagkakataong malungkot ang mundo
at hindi makatulog ang mga tao
dahil sa mga problemang bumabalot sakanila
maaari ba tayong magpahinga
at bitawan ang kalasag at mga sandata
upang itigil na muna ang digmaan sa loob ng ating isipan
patahanin na natin ang ating mga sarili
sa mundong nakakapagod na
maaari ba tayong magpahinga
at hayaan nating kusang tumakbo ang mga panahon
upang iwanan ang nakaraan
at palayain ang ating mga sarili
mula sa kadena ng pighati
dahil minsan wala ng saysay ang pagpupumulit nating pumiglas
kung ayaw naman tayong pakawalan ng ating sariling kalungkutan
sino ang may pakana ng lahat ng ito
ang unibersa ba o ang mundo
o baka ang ating mga sarili ang may kasalanan kung bakit malungkot tayo
kaya dapat sisihin ko ang sarili ko
dahil patuloy parin akong lumalaban kahit matagal ng natapos ang digmaan
patuloy parin akong nagpupumiglas mula sa mga kadena
kahit na ang kailangan kolang naman ay tangapin kung sino ako
para tuluyan ko ng maiwanan ang nakaraan
upang maging malaya ngayon
at matutunang mahalin .....
mahalin ang sarili ko kahit wasak na.
- Sakura
originally created by me