What's new

Utang na Loob ba ng mga Anak ang Pagpapa-aral at Pagpapalaki ng Magulang?

uu paps. Sobra dalawa milyon na nabigay ko ahahhaa
kaso lang kulang pa daw eh sa public school naman ako nag-aral simula elementary hanggang college.
ayyy,binibilang mo tlaaga paps hahaha
wala atang magulang na sasabihin na "kulang pa tong mga ginagawa mo"
pero kung ganung case naman,hayaan mo sila..atleast nagbibigay ka naman hehe
 
ayyy,binibilang mo tlaaga paps hahaha
wala atang magulang na sasabihin na "kulang pa tong mga ginagawa mo"
pero kung ganung case naman,hayaan mo sila..atleast nagbibigay ka naman hehe
binibilang ko paps dahil pinaghirapan ko pa din un
Meron magulang na sasabihin na kulang pa. Marami actually.
Oo, mas ok na suklian ang ginawa ng mga magulang kesa sa mga ibang mga anak na nagsipag asawa lang eh wala na pakialam.
 
Paano ka magiging mabuting magulang kung di ka marunong mag appreciate sa mga ginawa ng magulang mo sayo.
 
masasabi kong utang na loob.ang mabigyan ka ng buhay ng mga magulang palakihin mula sa bahay bata hangang sa maging tao ka,nagka edad,nagkaroon ng sariling pamilya,lahat yun ay utang na loob mo sa mga magulang.pero may pilosopo tasyo na sasagot...diko naman hiniling na ipanganak nyo ko ah!
 
Utak kanluranin 'yan kung hindi ka tatanaw ng utang na loob sa magulang mo. Pwede sana ang ganyang mindset kung utak Amerikano o European din mga magulang mo na bahala ka na sa buhay mo pagtungtong mo ng 18 years old.
 
Para sa akin, di ko sya tinitignan as utang na loob. Kung gusto ko mang tulungan at magprovide para sa mga magulang ko, yun ay dahil mga magulang ko sila at mahal ko sila period.

Ngayon na may trabaho nako, másáráp sa pakiramdam na ako na ngayon ang nakakapagprovide para sa kanila. Yung di na nila kailangang kumayod para kumita. Lalo na ngayon na may saket yung mama ko. Mas makakabute sa kanya ang makapagpahinga.

Aaminin ko di madali yung mgtrabaho at bumuhay ng pamilya. Pero para saken Family is Love. Wala tayong di gagawin para sa pamilya. Hindi sya obligasyon o utang na loob. Pure love lang. <3


Hindi ko sinasabe na yung mga di nagpoprovide sa mga magulang nila ay di na nila ito mahal. Siguro sa puso nila gusto din nila makatulong pero di lang kinakaya ng kasalukuyang sitwasyon.
 
Hindi utang na loob ang pagpapaaral at pagpapalaki ng magulang sa anak.

Magiging magulang din tayo.
 
depende na lang po sayo yan bilang anak,

ako kung nakakaluwag luwag naman ako at may maayos na buhay di ko ipagkakait sa kanila ang pag tulong sa kanila bilang pagmamahal na din sa kanila

oo hindi natin sila obligasyon pero kung may pagmamahal ka sa magulang mo di mo ipagkakait sa kanila yung kasiyahan at pagmamahal diba kesa ipapakita mo na lang pag wala na sila

pero may mga magulang na nag sabing

"pinag aral kita hindi para iahon mo ako sa hirap, yun ay para hindi mo maranasan ang hirap na dinanas ko"
 
depende yan sa pamilya. Not all families are equal

meron iba na gusto mag kaanak kasi balak gawin future bangko ung anak
 
hindi naman kasi nangangahulugan na pag hindi mo utang na loob ay babalewalain mo na sila pagdating ng panahon. it is your will naman kung tutulungan mo sila o
hindi. ang importante mahalin mo sila habang sila ay nabubuhay.
 
yes obligation nila iyan makukulong sila if di nila gagawin, so only stu̾pid parents are not able to interpret the word "obligation" by expecting something in return, guess who started it? it's the stu̾pid filipino culture of close family ties
 
Hindi pero di naman masama kung di niya masuklian ang pag papaaral ng kanyang magulang.
 
Para sakin, obligasyon nila ang pagpapalaki ng anak nila ng maayos at pati yung pag-aaral, di dapat sinusumbat yun. Pero oks rin to show an appreciation of their sacrifices towards you.
 
Iba kasi Mentality ng mga pinoy. Pagkatapos paaralin ng mga anak, expected na mag gigive back yung mga anak. Eh sa hirap ng sitwasyon sa pinas, hindi rin makakapag ipon yung mga anak para sa sarili nila at sa future nila na mga anak. So parang nagiging cycle na din. Sa mga future magulang, sana hindi natin isipin na investment ang ating mga anak. Mag save at mag invest tayo para sa sarili natin in the future. Para hindi natin mahila pababa ang ating mga anak at makapag focus sila sa kanilang mga pangarap. ✌️
 
Back
Top