Alisin ang inggit sa katawan

Gentleman007

Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,094
Reaction
5,025
😒😒Nainis ka na ba sa mas gwapo/maganda?Sa mas talentado sayo? Sa mas mayaman o kilala? Sa mas maraming kaibigan? O basta naiinis ka lang sa taong yon pero 'di mo sure kung bakit?😒😒

Anim na letra, isang salita ang nararamdaman mo. Sirit na? INGGIT

👉Lahat naman tayo nakakaramdam ng inggit. Normal yan sa di-perpektong tao. Kaya hindi ka masamang tao kung nararamdaman mo yan.

👉Dahil sa social media mas madaling mainggit dahil nakikita natin ang magagandang nangyayari sa buhay ng iba. Pero yun ang point, ang nakikikita lang natin ay ISANG SIDE ng buhay nila- ung magaganda lang. Pero isipin lagi na walang taong walang problema. Pa smile-smile lang yan pero may mga secret struggles din yan tulad natin.

👉Kung sa tingin natin ay successful ang isang tao, tandaan na hindi nangyari yun overnight. Pinaghirapan nya kung nasan man sya ngayon. Be happy of others success. We should learn from them not pull them down.

👉 Isang dahilan kung bakit tayo naiinggit ay dahil NAIKUKUMPARA natin ang sarili natin sa iba. At kung parang "angat" sila sa tin, samantalang mga kabatch o ka-age lang naman natin sila, nasisiraan na tayo ng loob. Take to heart this wise bible text:

💎"Magsaya ang bawat isa dahil sa mga nagawa niya, at hindi dahil ikinumpara niya ang sarili niya sa ibang tao.’—GAL. 6:4.

👉Appreciate yourself. Maging masaya sa nagagawa mo. Count your OWN blessings- wag yung blessing ng iba. 🧠Tandaan: Lahat tayo ay ESPESYAL sa paningin ng Diyos. No need to compare kasi nga wala kang katulad. Parang mga daliri sa kamay mo, hindi magkakapareho ang hitsura nyan pero bawat isa ay mahalaga at may role na ginagampanan. Ganyan din sa 'ting mga tao. Magkakaiba man tayo ng estado sa buhay at kalagayan, lahat tayo ay MAHALAGA sa Diyos.

🧐🧐 Baka mainggitin ang isa dahil lumaki syang ikinukumpara sa iba. Or masyadong mataas ang expectation sa kanya ng mga tao sa paligid nya. Kung ganyan ang sitwasyon mo, ikaw ang mas nakakaalam kung gaano kasakit at kahirap maikumpara sa iba at abutin ang mataas na expectation nila. Maging mabait sa iba, wag iparanas sa kanila ang masamang naranasan mo. STOP THE CYCLE!

Gawin ang buong makakaya para BUNUTIN ang INGGIT sa PUSO. Kung gagawin mo yan, magugustuhan ka ng iba, dadami ang friends mo, magiging payapa ang buhay mo, at higit sa lahat, matutuwa sa'yo ang Diyos!😄
Happy life tip: Makuntento sa buhay at alisin ang inggit sa katawan😄😄

Inspiration Gal. 6:4; Gal. 5:26, visit jw.org
 
Top