What's new

Trivia Ang Ilang Paniniwala Tungkol sa pagdurusa

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,557
Reaction
7,218
Points
2,570

Hindu


Naniniwala sila na ang pagdurusa ay resulta ng kanilang ginagawa ngayon o sa nagawa nila sa nakaraang buhay. Naniniwala rin sila na matatapos lang ang kanilang pagdurusa kapag naabot na nila ang moksha, o ang paglaya mula sa paulit-ulit na muling pagsilang. Mangyayari lang ito kapag tinalikuran na nila ang mga bagay sa mundo.

Muslim


Naniniwala sila na ang pagdurusa ay parusa para sa mga kasalanan at pagsubok ng pananampalataya. Ipinapaalala ng mga trahedya na kailangan nating “maging mapagpasalamat sa Diyos sa lahat ng pagpapala niya at maging palaisip sa pagtulong sa iba,” ang sabi ni Dr. Sayyid Syeed, presidente ng Islamic Society of North America.

Turo ng Judaismo


Naniniwala sila na ang pagdurusa ay resulta ng mga ginawa nila. Sinasabi ng ilang Judio na may pagkabuhay-muli. At sa panahong ito, matatanggap ng mga inosente ang hustisya para sa kanilang pagdurusa. Itinuturo naman ng Kabbalistic Judaism ang reinkarnasyon, na nagbibigay sa isang tao ng mga pagkakataong makabayad sa mga kasalanan niya.

Budista


Naniniwala sila na ang pagdurusa ay laging mararanasan ng isang tao sa bawat muling pagsilang at matatapos lang kapag nawala na ang kaniyang maling gawain, emosyon, at pagnanasa. Sa pamamagitan ng karunungan, mabubuting gawa, at disiplina sa isip, maaabot ng isang tao ang nirvana—isang kalagayan na wala nang pagdurusa.

Confucianist


Iniuugnay nila ang pagdurusa sa “kabiguan at pagkakamali ng tao,” ang sabi ng A Dictionary of Comparative Religion. Itinuturo nila na posibleng mabawasan ang pagdurusa kung mamumuhay sila nang tama. Pero naniniwala silang ang karamihan sa nararanasang pagdurusa ay kagagawan ng “mga espiritung nilalang na hindi kayang pigilan ng tao. Kaya wala nang magagawa ang tao kundi tanggapin ang Kapalaran nila.”

Paniniwala ng ilang tribo


Iniuugnay nila ang pagdurusa sa pangkukulam. Naniniwala sila na ang mga mangkukulam ay may kakayahang magbigay ng suwerte o kapahamakan at na puwedeng mabawasan ang pagdurusang dala ng mga ito gamit ang iba’t ibang ritwal. Naniniwala sila na kayang kontrahin ng mga ritwal at gamot ng albularyo ang mga gawa ng mangkukulam.

Kristiyano


Naniniwala sila na ang pagdurusa ay dahil sa kasalanan ng unang mag-asawa na mababasa sa Bibliya sa aklat ng Genesis. Pero dinagdagan ng ilang sekta ang turong iyan. Halimbawa, naniniwala ang ilang Katoliko na ang pagdurusa nila ay puwedeng ‘ialay sa Diyos’ para hilingin ang pagpapala para sa kanilang simbahan o na ang kanilang pagdurusa ay maging kaligtasan para sa iba.
 
As a result, kaya meron atheist sa mundo dahil masyado subjective pagdating sa belief system pero at the same time, ito ang sabi ni Buddha,

"Do not believe in anything simply because you have heard it. Do not believe in anything simply because it is spoken and rumored by many. Do not believe in anything simply because it is found written in your religious books. Do not believe in anything merely on the authority of your teachers and elders. Do not believe in traditions because they have been handed down for many generations. But after observation and analysis, when you find that anything agrees with reason and is conducive to the good and benefit of one and all, then accept it and live up to it."
― Buddha Siddhartha Guatama Shakyamuni

So kung ano man ang observation and analysis ng tao based on different perception nila diyan sa interpretasyon ng "pagdurusa" dahil sobrang subjective, meron naman tayo critical thinking and analysis at kapag nag agree siya with our reason , tanggapin natin and doon na tayo. So ang ibig sabihin na kung saan tayo align , doon na tayo mag stay at maniwala dahil talaga lang..... masyado subjective pagdating sa iba-ibang paniniwala ng pagdurusa. Hindi siya objective para masabi kung ano ang tama at mali , mabuti at masamang belief system po. Basta agrees siya with our reason , doon tayo.

Iyon lang ang masasabi ko.​
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top