What's new

Ayoko na sa INC hahahaha

D

Deleted member 2176153

Guest
HAHAHAHAHAHHAHA ewan ba pero sobrang brainwashed ko nung INC pa ako. pero nagstart to nung hindi na ako naka attend ng Sta Cena dahil ini ignore na ako sa Kalihiman wala ng pumapansin sakin gusto ko lang naman itanong kung makakapag sta cena ako dahil ang dami ko na liban sa pagsamba. Hanggang sa umalis na ako. Imagine niyo na iniisip ko na blessing yung mga G ko, na galing yun kay Lord para may pang handog ulit ako the next pagsamba. ** talaga ayoko na! Even mga Kapilya ng INC walang naka Aircon siguro sa bahay ng ministro oo 😅. Anyway I worked in Finance ( Pananalapi ) before. And kwento ko lang gaano kabrainwashed mga kapatid sa INC. So tuwing pasalamat (Thanksgiving) namin meron kaming target amount na dapat mahigitan. For ex. 600k last thanksgiving handugan namin, dapat maging 650k -700k yun this next Pasalamat. And first time ko mawitness pano nila pinipiga kami lahat sa pananalapi na punan yung amount na ganon kalaki para masabi na “SULONG” yung lokal namin ngayong Pasalamat,hindi isasara yung “total” hanggat hindi Sulong. So may pasalamat na nagbilang kami at need ng atleast 27k na amount na idadagdag para SUMULONG. Maliit lang lokal namin sa Province and walang wala po talaga mga pera tao sa amin minsan nakakaabot pa sa bahay mangutang ng pera and bigas, halos lahat kahit Gas utang. Eh yung Diakono na ito walang wala talaga pamilya niya. Nag-abot sya ng 1,000 tapos inipit niya na 100 pesos sa bulsa ng coat niya and ganito sinabi niya “Yan lang talaga sa akin ka * , yung 100 ko po pang ulam ko na lang bukas sa bukid” Jusko awang awa ako kasi alam mo talagang wala eh pero dahil brainwashed sya kaya ganon.

Lagi ganyan eksena tuwing nakikita namin sa kwenta kung uurong kami, kinakabahan na kami kasi saan na naman dadampot ng ganito kalaking amount eh walang wala naman mga kapatid sa lokal namin. Ganyan na talaga ginagawa sa loob ng INC. Hindi na bukal sa puso ang panghahandog sa Diyos. Sapilitan na. Kasi pag nabalitaan sa Distrito (. Main District ) na urong lokal namin pag uusapan kami (behind)(mahina). Totoo yan ******* subukan niyong INC kontrahin mga sinasabi ko. Pagpasok mo ng Kapilya tuwing sasamba ang bubungad sayo TH (Tanging Handugan) ( Lingap- every sunday ) ( P-9, Lagak) tapos pagHandugan pa pagpasok mo sa loob. Tapos buong teksto 70% puro handog ang leksyon. Ok pa sa Catholic eh may sense tinuturo ng Pari honest opinion lang talaga. Mas may kabuluhan pa lumalabas sa bibig ng Pari kesa sa Ministro.

Grabe pa kinikita ng INC sa Philippine Arena sa Bulacan pero walang lingap na nangyari sa mga Kapatid ng Iglesia hahaha. Ang dapat nililingap ng pamamahala ng Iglesia yung mga kaanib din dapat sa Iglesia dahil naghihikahos lahat sa buhay kakahandog.
 
Anong masasabi nyo dito mga Manalista. Mga Iglesia ni Manalo. Magreply naman kayo. Kung isa ka sa mga nakakaranas ng ganito, bakit pilit mong pagtatakpan ang baho dyan sa loob ng relihiyon nyo? Kahit anong pilit nyong takpan ang baho na yan, sisingaw at sisingaw yan.

May option naman kayo para mag suri ng katotohanan, pero hindi sa ganyan na paraan, Pera pera na ba ang paraan para mahanap ang katotohanan? O si Kristo Hesus lang ang makapagtuturo nito (Katotohanan), hindi si Manalo, Hindi rin ang sinumang anti-kristo.
 
Last edited:
Anong masasabi nyo dito mga Manalista. Mga Iglesia ni Manalo. Magreply naman kayo. Kung isa ka sa mga nakakaranas ng ganito, bakit pilit mong pagtatakpan ang baho dyan sa loob ng relihiyon nyo? Kahit anong pilit nyong takpan ang baho na yan, sisingaw at sisingaw yan.

May option naman kayo para mag suri ng katotohanan, pero hindi sa ganyan na paraan, Pera pera na ba ang paraan para mahanap ang katotohanan? O si Kristo Hesus lang ang makapagtuturo nito (Katotohanan), hindi si Manalo.
parehas lang namn pati katoliko haha
 
Bakit ba kase umaasa na meron perfect religion? Wala naman perfect religion and now, kapag sinabi ko na there is no perfect religion, magkeclaim na naman diyan ang iba na sila raw kuno ang perfect religion. Hay. Naman o.​
 
Last edited:
Ganyan talaga Sa inc Sa pagsamba palang Nila Mali na Bawal magbasa Ng biblia ang MGA kamembro samantalang ang pastor pwede Kaya Maraming naliligaw sakanila dahil ang tingin nilang Tamang Aral ay ung turo Ng pastor Nila Kasi nga di sila allowed magbasa Kaya akala Nila ung turo sakanila tama
 
May kapalit naman yn kapatid,maliligtas ka sa parusa sa kabilang buhay wag ka lang aalis o titiwalag sa INC yan ang isa sa main na doktrina nila at yan marahil ang isa sa dahilan kaya marami ang hindi umaalis sa INC.Kaya magsuri sana ang bawat miembro ng INC kung tama o naayon ba sa bible ang mga doktina nila...
 
kalokohan
 
Ganyan talaga Sa inc Sa pagsamba palang Nila Mali na Bawal magbasa Ng biblia ang MGA kamembro samantalang ang pastor pwede Kaya Maraming naliligaw sakanila dahil ang tingin nilang Tamang Aral ay ung turo Ng pastor Nila Kasi nga di sila allowed magbasa Kaya akala Nila ung turo sakanila tama
na curious ako dito..pastor lang pla may karapatan na magbasa ng bibliya.samantalang hinihimok tayo na suriin ang banal na kasulatan at pagaralan ang mga salita ng Diyos.kaya paanong mga pastor lang ang dapat mag basa ng bibliya.at paano nga kaya sila naging pastor kung di sila nagbasa at nagaral ng bibliya haha just saying lang mga INC po
 
Yun ung nakakalungkot saka karamihan sa mga pastor nila lamsa lng ung binabasa Nila Sa biblia Hindi Nila binabasa ng buo ung verse ayaw siguro pabasahin Ng biblia ang mga kasapi Kasi baka kapag pinabasa sila Ng biblia matutukal ung ministro Nila na Mali ang Kanilang mga aral
 
share mo naman yung iyo bossing

pano mo nasabing kalokohan? btw kumain ka na?
wag kayo mag away guys, si Jesus lang makaka save sa inyo di yung mga founder o pastor nyu.

Sa brother and sister naman nating Muslim ay si Allah.

Focus lang tayo sa teaching, wag sa mga tao.

Happy New Year everyone 🎆
 
TS, follow your heart na lang. Alamin mo kung saan ka nababagay based on your spiritual journey po para sa ganun ay magkaroon ng peace of mind. Mas másáráp na magkaroon ng inner peace na walang inaalala, walang anxiety, walang worried....... tipong happy, satisfied and kuntento ka. Ganun kaysa naman mag eestay ka sa isang relihiyon pero punong-puno ng anxiety, worried, fear...... lahat na ng negative emotions na hindi maalis-alis.

Kung saan ka masaya, doon ka dahil wala naman sa relihiyon ang kaligtasan. Ika nga ay it is all about "spirituality" , ngayon kapag meron magsasabi sa iyo na mapupunta ka sa hell dahil umalis ka lang or whatever , para sa akin , ini-instill lang po nila ang katagang fear para hindi ka umalis dahil talaga lang , what is the use of staying if your heart is in trouble naman. Hindi naman tayo robot na basta lang ang sasabihin ay "I believe" or whatever dahil kung force lang talaga siya, based on reason na po siya or pulitika-pulitika na po siya. Hindi na siya maka-spiritual as in. Hindi na po. Parang nag eestay ka lang because of fear.

Remember diba , kahit fear is nakakatulong , well , negative emotion siya because of fear , diyan uusbong ang hate and no wonder why there is what we called religious war. Fear of na mapupunta ang tao sa hell so they need to convert everyone and claim that the only God and only religion is sa kanila lamang ang totoo po. So ang result , there is no love but hate.

Kapag umalis ka sa INC po, saan spiritual incline ka naman pwede mag join? Dami naman po diyan. Meron tayong thousand religion po all over the world. Pili-pili lang po.​
 
Last edited:
na curious ako dito..pastor lang pla may karapatan na magbasa ng bibliya.samantalang hinihimok tayo na suriin ang banal na kasulatan at pagaralan ang mga salita ng Diyos.kaya paanong mga pastor lang ang dapat mag basa ng bibliya.at paano nga kaya sila naging pastor kung di sila nagbasa at nagaral ng bibliya haha just saying lang mga INC po
buti nalang lagi binabanggit samin ng mg kaibigan ko at mismong pastor na aralin namin mga pinagsasasabi nila tuwing linggo kung naaayon ba talaga sa Bible at wag maniniwala basta basta sa kanila . sa awa ng Diyos tumpak nmn lagi.
at ine encourge kami na magbasa ng Bible day and night kasi naniniwala kami na yun ang word of God
 
INC member ka lodi?
 
Back
Top