What's new

Daily Bread (January 22 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
(MATEO 6:3)
SA halip kung magbibigay kayo ng tulong, huwag na ninyo itong ipaalam kahit sa inyong pinakamatalik na kaibigan.
MAPAGPAlang araw po sa ating lahat muli po tayong magnilay ng Salita ng Dios.
Naranasan na po ba ninyong magbigay ng tulong sa iba lalo na po sa mga nangangailangan. Nakakagalak sa puso na tumulong doon sa mga taong batid nating hindi makababalik ganti sa atin. Subalit may bilin ang Dios sa atin na kung tutulong po tayo huwag na natin itong ipabatid o ipagsabi kahit kanino, kahit sa ating pinakamalapit na kaibigan. Ano po ang sinasabi ng Panginoong Hesus tungkol sa ating pagtulong sa iba, (Mateo 6:1-4) "6 “Pag-ingatan ninyong hindi pakitang-tao ang pagtupad ninyo sa inyong mga tungkulin sa Diyos. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Ama na nasa langit.
2 “Kaya nga, kapag nagbibigay ka ng limos, huwag mo nang ipag-ingay pa gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari sa mga sinagoga at sa mga lansangan upang sila'y purihin ng mga tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. 3 Sa halip, kapag nagbibigay ka ng limos, huwag mo nang ipaalam ito maging sa matalik mong kaibigan. 4 Gawin mong lihim ang iyong pagbibigay ng limos at ang iyong Ama na nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay ng gantimpala sa iyo.”
Mga kapatid tumulong po tayo ng wala kahit anong motibo maliban sa maparangalan ang Dios. Ang Dios ang magbibigay ganti sa ating mga ginagawang kabutihan sa ating kapwa.
Pagpalain po tayo ng Dios ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top