What's new

I'm in love

Bawal na pag ibig, ang hirap kapag ganito, mahalin nalang ng patago gawing inspirasyon sa buhay, para Di makasakit ng damdamin..... Stop na. 💔
 
TS, ramdam kita kasi ngyari yan sa akin mismo at naiintindihan kita… Alam niyo ba kung ano ang pinakamasakit sa lahat? Yun yung nagmahal ka ng tao na alam mo sa sarili mo na hindi mo makukuha kasi may mahal na siyang iba pero kahit ganun mas pinili mo pa ding maghintay at umasa na one day makikita niya yung worth mo sa buhay niya. Makikita niya na mas deserving ka sa taong minahal niya.

Parang competition kasi yan TS. Parang nakikipagpaligsahan ka sa BF/GF niya di ba. Ang kaso ikaw ang laging talo kasi kahit anong effort ang gawin mo, hindi ka pa din niya mamahalin, umaasa ka lang na siguro pagdating ng panahon marerealize niya na mahal ka niya na.

TS eto yung tipong ramdam mo na para bang “pinapaasa ka” (ewan ko lang ha kung ngyari ito sayo Hahahaha). Yung tipong naghihintay ka kasi may mga pinanghahawakan kang mga salita tulad ng “Siguro kung ikaw yung jowa ko” at “Kung single lang ako, sasagutin kita.” Bukod sa mga ganitong salita, pinaasa ka sa mga sweet gestures tulad ng holding hands, kiss and magkausap kayo till midnight. Pero advise ko lang sa mga nakakaranas ng ganitong sitwasyon e ‘wag din po tayong assuming kasi baka mamaya nasanay lang siya na ganun siya.

Isa pa e yung parang style na “sobrang nahulog ka na sa kanya”. Alam mo din naman na walang sasalo sayo pero patuloy ka pa din nahuhulog di ba?. Oo masakit. Sobrang sakit. Pero kahit na masakit, nararamdaman mo na masaya ka, masaya ka na nakakasama siya. Siguro sa ngayon kuntento ka, pero dadating ang araw na maghahanap ka na ng parang “Label nyong dalawa” sa kung anong meron sa inyo para alam mo din kung anong lugar mo sa buhay niya.

Ask ko lang sayo TS, sa lahat ba na ng nangyayari ngayon sanyo, masasabi mo ba na worth to wait siya? kesyo mahal mo, masaya ka pa kahit masakit. Kung sakali man dumating yung panahon na maging kayo, alam ko na alam mo na ikaw yung pinaka magiging pinakamasayang tao sa mundo kasi yung taong hinihintay mo ay sayo na ngayon, may label na kayo, di ba mahal ka na din niya. Sana mangyari yun para mapapa"Sana-All" na lang kami.. Hahahaha

Pero TS kung ang nararamdaman mo ngayon e patuloy na nagpapakatanga para sa kanya, patuloy na nagmamahal kahit ang sakit sakit na. Ang bottom-line e alang assurance Paps e, alam mo yun!.. Kasi ang alam mo lang e nagmahal lang naman ikaw at sigurado ka ba na kaya mo pa ding maghintay kahit ilang taon pa (kaya mo kaya yun kahit sobrang sakit na). Kung pwede lang sanang matwist ang sitwasyon di ba! Hahahaha Saya mo siguro ngayon TS..

Kaya kung alam mo sa sarili mo na ikaw yung mahal nya, ang swerte mo kasi may isang taong naghihintay sayo at nagmamahal sayo kahit na may mahal ka pang iba. Pero ang tanong ngayon e, ano ka ba talaga sa kanya?...

Hinay hinay lang TS and smell the flowers in the garden.. Marami pa dyan na mga naglalawang ilog na para sayo… Goodluck sayo TS… Hahahaha :)
 

Similar threads

Back
Top