What's new

Trivia 'Ito ang Katotohanan'

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,557
Reaction
7,218
Points
2,570
Ano ang pinaniniwalaan mo? Bakit mo pinaniniwalaan iyon?
Minsan naitatanong ko din sa sarili ko ang mga tanong na ‘yan. At napapaisip ako kung bakit hanggang ngayon, naniniwala akong ‘totoo‘ ang mga pinaniniwalaan ko tungkol sa Bibliya at sa Diyos. Simple at lohikal ang mga katotohanang natutunan ko sa Bibliya kaya madali ko itong tinanggap. Sa bagay, kung gusto ng Diyos na makilala siya ng mga tao, bakit niya gagawing komplikado ang mga bagay na nagpapaliwanag sa kaniya? Sa artikulong ito, gusto kong ipakita at ipaliwanag ang ilan sa mga iyon.

Ang Diyos ay May Personal na Pangalan​

Lahat ng bagay sa mundong ito, may buhay man o wala, ay mayroong mga pangalan. Mula sa mga microorganism hanggang sa mga bagay sa uniberso ay mayroong pangalan. Isa sa mga halimbawa nito ay ang ating Galaxy kung saan naroroon ang ating Solar System. Hindi ba’t mayroon din itong pangalan – Milky Way Galaxy? At ang mga grupo nito kung saan kabilang ang mga ito ay tinatawag ding ‘Clusters’ or ‘Superclusters.’ Isa sa mga ito ay ang ‘Laniakea Supercluster’ kung saan nakapaloob ang ating Galaxy. Kung iisipin ang napakalawak na unibersong iyan kung saan naroroon ang mga Supercluster, Cluster, Galaxy at mga planeta, kapansin-pansin na lahat ng iyan ay may mga pangalan.
Laniakea Supercluster
Source: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Alam mo ba? Sinasabi ng Bibliya na lahat ng mga bituin sa langit ay mayroong pangalan at alam na alam ng Diyos ang mga iyon. (Isaias 40:26)

“Tumingala kayo sa langit at tingnan ninyo. Sino ang lumalang sa mga ito? Siya ang nagbibigay ng utos sa hukbo nila at binibilang niya sila; Tinatawag niya silang lahat sa pangalan. Dahil napakalakas niya at kamangha-mangha ang kapangyarihan niya, Walang isa man sa kanila ang nawawala.​

- Isaias 40:26​

Kaya kung ang mga bituin sa langit ay mayroong pangalan, kumusta ang Isa na lumikha ng lahat ng ito na sinasabing nakatira sa ‘langit’? Mayroon din ba siyang personal na pangalan?
Matapos lalangin ng Diyos ang unang tao, si Adan, binigyan niya ito ng atas na bigyan ng pangalan ang mga hayop. (Gen. 2:19, 20) Pero hindi lang mga hayop ang mayroong pangalan, maging ang unang mga tao din – sina Adan at Eba. (Gen. 2:7; 3:20) Kumusta naman ang Diyos na lumikha sa mga tao?
Nakapagtataka, sa dami ng mga relihiyon ngayon, hindi ginagamit at ipinapakilala ang personal na pangalan ng Diyos. Hindi ba’t sinasabi ng Bibliya na nilikha ang tao ‘ayon sa larawan ng Diyos‘? At sinasabi din ng Bibliya na ‘maging mga tagatulad tayo sa Diyos?’ (Gen. 1:26; Efe. 5:1) Kung gayon, kung tayong mga tao ay may personal na pangalan, bakit ang Diyos na lumikha sa atin ay sinasabing walang personal na pangalan?
Hindi ko lubos maisip kung paano naging makatuwiran ang gayong turo na ang Diyos daw ay walang personal na pangalan. Papayag ka bang tanggalin ang pangalan mo sa birth certificate mo at palitan na lang ito ng Sir, Ma’am, Boy, Girl, Manager o Supervisor? Siyempye hindi! Personal na pangalan mo ang nakasulat doon at napakahalaga n’on sa’yo. Paano ka makikilala ng mga tao kung hindi nila alam ang personal na pangalan mo? Kaya makatuwiran bang alisin at palitan ang personal na pangalan ng Diyos sa Bibliya at halinhan ito ng titulong LORD?

That men may know that thou, whose name alone is JEHOVAH, art the most high over all the earth.​

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Hindi talaga ako kumbinsidong walang personal na pangalan ang Diyos o na mas gusto ng Diyos na tawagin na lang siya sa kaniyang mga titulo. Gaya ng sinasabi sa Awit 83:18, nilayon talaga ng Diyos na malaman ng mga tao ang personal na pangalan niya—Jehova. Kung hindi ipinakikilala ng mga lider ng relihiyon ang pangalan ng Diyos, masasabi nga kayang nakikipagtulungan sila sa layunin ng Diyos na ‘malaman ng mga tao‘ ang personal na pangalan niya?

Ang Pagkakaiba ng Ama at ng Anak​

Iba-iba ang pagkakilala ng mga tao kay Jesus at sa Diyos. Bago ako mag-aral ng Bibliya noon, naniniwala akong si Jesus ang Diyos. Pero mula nang mag-aral ako ng Bibliya, naunawaan ko kung ano ang pagkakaiba ni Jesus at ng Diyos.

May mga naniniwala na si Jesus at ang Ama niya ay bahagi ng iisang Diyos. Ito ang paniniwala ng mga Trinitarian – ang paniniwala na may tatlong persona sa isang Diyos. Nirerespeto ko ang paniniwala nilang iyan pero I find it unconvincing lang.
Ang isang tanong ko sa paniniwalang iyan ay “Bakit kailangan ng tatlong persona na ito (ang Ama, Anak, at Espiritu Santo) ayon sa paniniwala nila, na pagkasyahin o pagsamahin ang sarili nito sa iisang Diyos?”
May mga nagsasabing dahil iyon sa nagkakaisa sila sa ‘layunin.’ At may mga nagsasabi din na ‘pantay-pantay‘ ang tatlong personang ito ngunit gumaganap ng iisang papel bilang Diyos. Mahabang paliwanagan kung pag-uusapan natin ang tungkol sa paniniwala nilang iyan. Pero bakit nga ba mas tinanggap ko ang paniniwalang iisa lang ang Diyos na dapat sambahin at hindi iyon katulad ng ‘iisang Diyos‘ na may tatlong persona?
Simple lang. Kung gusto ng Diyos na makilala siya ng mga tao, hindi niya gagawing komplikado ang mga bagay na nagpapaliwanag sa kaniya. It’s a basic thing. Note that the word of God used family terminologies to easily understand the difference between the Father and the Son. The One who we must worship alone [that is, Jehovah, the Father] and the One who mediates us to Him [Jesus, the Son].

"Kung gusto ng Diyos na makilala siya ng mga tao, hindi niya gagawing komplikado ang mga bagay na nagpapaliwanag sa kaniya."​

Kung ipapaliwanag ko sa isang bata ang tungkol sa Diyos, madali niyang mauunawaan kung sino ang Diyos at Ama na sinabi ni Jesus na tanging dapat sambahin. Parang ganito, if I asked a child about the difference between him and his father, it will be like this:
Ako: Sino ang Tatay mo?
Bata: Si ________ po.
Ako: Sinong mas marunong sa inyong dalawa, ikaw o ang tatay mo?
Bata: Tatay ko po.
Ako: Sino naman ang mas may alam, ikaw o ang tatay mo?
Bata: Tatay ko po.
Ako: Sino sa tingin mo ang dapat masunod sa inyong dalawa, ikaw o ang tatay mo?
Bata: Tatay ko po.
See? It’s a simple illustration on how can I simply explain to a child the difference between the Father and the Son. Hindi ito komplikadong intindihin. Kahit sabihing parehong tao ang tatay at ang anak, pero may mas mataas, may mas alam, at may mas awtorisado sa kanilang dalawa, ang Tatay. Ang ganitong paraan ng pagtuturo at pangangatuwiran ay napakadaling intindihin ng mga bata.

Kapag madali nilang nauunawaan ang isang bagay mas nagiging madali lang din para sa kanila na tanggapin iyon. Ganiyan din kung tungkol sa paniniwala sa Diyos. Mas madali nilang mauunawaan ang tungkol sa pagkakaiba ng Ama at ng Anak kaya mas magiging madali lang din para sa kanila na magkaroon ng malapit na kaugnayan sa Diyos. Bakit? Dahil hindi sila malilito sa pagka-Diyos ng Diyos. Gugustuhin kaya ng Diyos na mahirapan ang mga bata sa pag-alam kung anong uri siya ng Diyos? Magkakaroon kaya ng malapit na kaugnayan ang mga bata kung nahihirapan silang unawain kung sino ang Diyos? Hindi isang misteryo ang Diyos. At ganiyan si Jehova at si Jesus. Ngayon, pansinin ang sinabi ni Jesus kung sino talaga ang dapat na sambahin.

Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Lumayas ka, Satanas! Dahil NASUSULAT: ‘Si Jehova na iyong Diyos ang dapat mong sambahin, at SIYA LANG ang dapat mong paglingkuran.’”​

- Mateo 4:10​

Sumipi si Jesus noon mula sa ‘nasusulat‘ sa mga balumbon upang ipakita kung sino ang Diyos na ‘yon na tanging dapat sambahin. You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Kung siya rin naman pala ang sinasabi niyang dapat sambahin, sana ay sinabi niyang ‘ako lamang ang dapat mong sambahin’, hindi ba? Pero bakit hindi ‘yon ang sinabi niya?
Yes, it’s a simple fact. Jehovah did not want to complicate things that explain who He really is. He reveals the truth in a simple way and is easily understood, para maging madali din sa mga lingkod niya na magkaroon ng malapit na kaugnayan sa kaniya.

Ang Diyos na May Layunin​

sunrise-space-outer-space-1765027-1-1-1-1-1-768x384.jpg

Naniniwala ako noon na magugunaw ang mundo. At hanggang ngayon, may mga naniniwala pa din na gugunawin ng Diyos ang mundo dahil sa kasalanan ng mga tao, o na magugunaw ang mundo dahil sa mga kalamidad. Pero ngayon, I find it unreasonable na. Why?
After of billions of years na ginawa ng Diyos ang Planetang Lupa, gugunawin niya lang iyon dahil sa kasalanan ng mga tao? O na hahayaan Niya nang tuluyang masira ito? Kung gayon, ang Diyos na ito ay talagang nagpabaya na sa kaniyang mga nilikha na para bang wala na siyang layunin pa para dito. Pero hindi ganiyan ang natutunan ko sa Bibliya.
Ang sabi ng Bibliya, ang Lupa ay nilikha ng Diyos upang maging permanenteng tirahan ng mga tao. Pansinin ang sumusunod na mga teksto sa Bibliya:

Dahil ito ang sinabi ni Jehova, Ang Maylalang ng langit, ang tunay na Diyos, Ang gumawa sa lupa, ang Maylikha nito na nagpatatag dito, Na hindi lumalang nito nang walang dahilan, kundi LUMIKHA NITO PARA TIRHAN: “Ako si Jehova, at wala nang iba pa.​

- Isaias 45:18​

Ang langit ay kay Jehova, Pero ANG LUPA AY IBINIGAY NIYA sa mga anak ng tao.​

- Awit 115:16​

Dumating nawa ang Kaharian mo. Mangyari nawa ang kalooban mo, kung paano sa langit, GAYON DIN SA LUPA​

- Mateo 6:10​

Batay sa mga tekstong iyan, mayroong matibay na basehan para paniwalaang may layunin ang Diyos para sa Lupa. At kung pagbabatayan ang sinabi ni Jesus, talaga ngang gusto ng Diyos na mangyari ang kalooban niya, hindi lang sa langit, kundi ‘gayon din sa lupa.’
Pero dahil ba sinisira ng mga tao ang lupa ay wala ng gagawin ang Diyos? Hahayaan niya na lang bang masira ang napakagandang Lupa na ‘ibinigay niya sa mga anak ng tao’? Hindi. Pansinin ang isa sa mga natutunan ko sa Bibliya nang sabihin nitong dahil sa galit ng Diyos ay ipapahamak nito yaong ‘mga nagpapahamak sa lupa.’ (Apoc. 11:18) Gayon din naman, sinasabi ng Bibliya na ‘ang masasama ay lilipulin, pero ang mga umaasa kay Jehova ang magmamay-ari ng lupa.’ (Awit 37:9) Kaya hindi ang Lupa ang aalisin ng Diyos, kundi y’ong mga tao na hindi gumagawa ng kalooban niya at sumisira pa nga sa lupa. Alam mo ba? Sinasabi ng Bibliya na:

Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, At titira sila roon magpakailanman.​

- Awit 37:29​

Sa totoo lang, magiging di-makatuwiran ang Diyos at sasalungat din sa kalooban niya kung gugunawin niya lang ang lupa. Mas tanggap ko ang paniniwalang hindi kailangan ng Diyos na gunawin ang Lupa at gumawa ulit ng bago para lang maging maganda itong muli. Ang Lupa mismo ay dinisenyo ng Diyos na may kakayahang pagalingin ang sarili nito.

Ayon kay Scott Denning, Professor of Atmospheric Science at Colorado State University,
“Our living planet is incredibly resilient and can heal itself over time. The problem is that its self-healing are very, very slow. The Earth will be fine, but humans’ problems are more immediate.” You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Kaya ang totoong problema ay ang masasamang resulta ng mga gawa ng tao, hindi ang Lupa. Kung aalisin ng Diyos ang mga nagpapahamak o sumisira sa lupa, at ititira niya ang mga matuwid (o y’ong mga gumagawa ng kalooban Niya at sumusunod sa kaniyang matuwid na mga pamantayan), hindi na magiging problema pa ang mga tao o na mangangamba pa tayo na baka makagawa pa sila ng mga bagay na makakasira sa Lupa. At yamang ‘magpakailanman‘ ang nilayon ni Jehova para gawin itong tirahan, magkakaroon talaga ng sapat na panahon ang Lupa hanggang sa maibalik nito ang orihinal na pagkakadisenyo sa kaniya. Oo, isang Paraisong Lupa!

Konklusyon​

Ilan lang ito sa mga dahilan kaya mahigpit kong pinanghahawakan ang paniniwalang ‘ito ang katotohanan.’ Dahil kumbinsido akong (1) ang Diyos ay mayroong personal na pangalan gaya ng mga nilikha niya at gusto niyang gamitin ito kung paanong gusto din nating ginagamit ang ating personal na pangalan, (2) simple lang ang katotohanan tungkol sa pagka-Diyos ng Diyos, hindi iyon komplikadong intindihin, at madali itong mauunawaan kahit ng mga bata kaya magiging posible din para sa kanila na magkaroon ng malapit na kaugnayan sa Diyos, at panghuli (3) ang Diyos na ito ay may di-nagbabagong layunin para sa lupa, at sa tamang panahon, kikilos siya upang isakatuparan ang layunin niyang iyon. Oo, ang mga simpleng katotohanang iyan sa Bibliya ay masasabi kong makatuwiran at may basehan.

Ikaw naman, anong pinaniniwalaan mo? Bakit ‘yan ang paniniwala mo?
 
Ikaw naman, anong pinaniniwalaan mo? Bakit ‘yan ang paniniwala mo?

Ako naman ay ang paniniwala ko po ay ang God ko ay abstract na hindi nakikita ng mata, hindi naririnig ng taenga, hindi nalalasahan ng dila, hindi naaamoy ng ilong at hindi nahahawakan ng kamay. Hindi siya maipaliwanag. Nararamdaman lamang po siya. Kung baga beyond nature of the universe , unlimited , expand.......... ganun. Deist po ako.

Sa taoism, ganun din po. Meron silang universe na tawag nila ay "tao" na kapag namatay ang tao daw, lalake o babae ay pupunta sa itinatawag na universe. Wala silang God. Kung baga, yung lalake ay God and ang babae ay Goddess na kapag namatay ay they will go to the universe at magiging iisa ang lahat in the universe. Sa Christian naman po , God ang tawag naman nila. Sabi ng iba. Kung baga ang universe is equivalent to God in Christian, ganun.

Ang akin naman kase kahit may God ako, for me, walang gender so pwede ko rin tawagin na Goddess. Nagkataon kase na malakas ang God in the back of my head dahil na indoctrinate na rin ako noon bata ako pero more on abstract na siya ngayon. Unlike before na part pa ako ng Christian culture na meron concept of God based on beliefs na meron sila. Yung Goddess naman po based from me is ina-unleash ko pa rin ang positive ambience ng feminine characteristic mostly, from the people, any situation or environment in the androcentrism society, siyempre in culture, they perceived it as negative or not good. Positive sa akin kase ang femininity ambience rather than androcentrism po. I believe kase na there is still a Goddess within us na hindi siya ina-unleash kung ano man rason, naging negative na siya imbis positive.

Iyan ang paniniwala ko. Ito ang totoo na pinahahawakan ko. Nasasabi ko ito dahil like in a real life situation where some men and some women watch "p(o)rn" , some men or some women went to "bar" to see kung ano man gusto nito makita na lalake o babae na sumasayaw or whatever pagkatapos some group of LGBT or feminism ay nagrarally to get their rights, men do crimes and nanggagah@sa ng women.......... marami sobra and hindi ko maiwasan na hindi iignore at sabihin na incline pa rin spiritually ang mga tao sa Goddess po dahil for me, the way I see it is para silang astray.​
 
Last edited:
Dikona tinapos dun lang ako sa God ang nagbigay ng pangalan sa lahat. Sa mga bituin diba mga astronomer nagbigay dun? Sa mga hayop diba Mga tao specially scientist nagbigay ng pangalan dun? Sa mga tao diba mga magulang nagbigay ng pangalan dun? What do you think?

Hindi universe ang god ng christian.

Iyan ang paniniwala ko. Ito ang totoo na pinahahawakan ko. Nasasabi ko ito dahil like in a real life situation where some men and some women watch "p(o)rn" , some men or some women went to "bar" to see kung ano man gusto nito makita na lalake o babae na sumasayaw or whatever pagkatapos some group of LGBT or feminism ay nagrarally to get their rights, men do crimes and nanggagah@sa ng women.......... marami sobra and hindi ko maiwasan na hindi​
Both man and woman gumagawa ng crimes.
iignore at sabihin na incline pa rin spiritually ang mga tao sa Goddess po dahil for me, the way I see it is para silang astray.​
 
Last edited:
Hindi universe ang god ng christian.

Yung iba lang naman tao na Christian na peperceived na God is equivalent to universe. Meron kase "law of attraction" na kapag gusto magmanifest ng goals, mga ganun, sa video from YøùTùbé, ang sasabihin ay must believe to the universe or meron pa na keyso universe raw magmamanifest ng kahilingan ng tao....... nagkakataon kase na similar to other Christian people na they pray to God para magmanifest din ng kanilang kahilingan kung kaya, some people ay they perceived na ang universe is equivalent to God para sa kanila. Some lang naman pero hindi lahat. Kaya nga meron ibang Christian na masama raw ang "law of attraction" dahil wala raw kilalaman ang God sa law of attraction daw. Yung iba lang naman.
Both man and woman gumagawa ng crimes.​

Oo nga. Both man and woman na gumagawa ng crimes pero what I meant is sexual harassment from a man.​
 
Yung iba lang naman tao na Christian na peperceived na God is equivalent to universe. Meron kase "law of attraction" na kapag gusto magmanifest ng goals, mga ganun, sa video from YøùTùbé, ang sasabihin ay must believe to the universe or meron pa na keyso universe raw magmamanifest ng kahilingan ng tao....... nagkakataon kase na similar to other Christian people na they pray to God para magmanifest din ng kanilang kahilingan kung kaya, some people ay they perceived na ang universe is equivalent to God para sa kanila. Some lang naman pero hindi lahat. Kaya nga meron ibang Christian na masama raw ang "law of attraction" dahil wala raw kilalaman ang God sa law of attraction daw. Yung iba lang naman.​
Well then if universe as god ang pinaniniwalaan nila it means hindi sila cristian kasi hindi sila naniniwala sa god ng cristian. Kung universe ang god na pinaniniwalaan nila like spinoza against sila sa paniniwala ng christian at against ang paniniwala ng christian sa kanila, so it means they are not christian.

Oo nga. Both man and woman na gumagawa ng crimes pero what I meant is sexual harassment from a man.​
Woman do sexual harassment too mas mukang legal lang.
 
Well then if universe as god ang pinaniniwalaan nila it means hindi sila cristian kasi hindi sila naniniwala sa god ng cristian. Kung universe ang god na pinaniniwalaan nila like spinoza against sila sa paniniwala ng christian at against ang paniniwala ng christian sa kanila, so it means they are not christian.​

Hmm...... well, ganun talaga. Depende sa interpretation ng human. Very subjective po kase siya.
Woman do sexual harassment too mas mukang legal lang.​

Haha. Oo nga. Natawa ako. Hehehe. Mataas ang expectation kase from society na men raw ang sexual performer pagkatapos women raw ang restricted in seks na tipong kailangan chaste at kesyo no knowledge in seks, mga ganun ba? Haha. Ganyan ang pagkakadefine po kase ng mga tao in a society as a whole pero hindi naman lahat ng mga tao. Sa culture nga naman, may pagkabias talaga kahit sa law like in U.S.A. na kung ipagkukumpara ang r@pe ng lalake at sa babae, mas mataas ang sentensiya ng lalake kaysa sa babae. R@pe ang tawag kase kapag a woman na nakipag seks sa minor na edad na lalake, minor age ba - ewan ko kung papaano iyon? Parang hindi naman force sa part ng batang lalake na minor age pero bawal or îllégâl pero siguro, meron din force but alam naman natin kapag babae ang gumawa sa lalake, iba ang iniisip. Ang iisipin ng iba ay keyso maswerte raw ang lalake dahil babae raw ang lumalapit sa lalake na lingid sa kaalaman ng iba ay sa lalake na iyon, well, hindi niya gusto.

Androcentrism kase ang culture na ang worldview is center talaga for men.​
 
Dikona tinapos dun lang ako sa God ang nagbigay ng pangalan sa lahat. Sa mga bituin diba mga astronomer nagbigay dun? Sa mga hayop diba Mga tao specially scientist nagbigay ng pangalan dun? Sa mga tao diba mga magulang nagbigay ng pangalan dun? What do you think?
Agreed. Dagdag ko lang: more than half ng mga bituin sa langit ay arabic. Kasi, there was a time na ang champion ng science ang mga arabo. Pero nung dumating si Al-ghazali, who is a polymath and a genius himself, pinagbawal nya sa mga muslim ang math and sciences. Since then, the muslim world lost any scientific advantage. From that time onwards, there was only two muslims who got a nobel prize.
 
Last edited:
totoo po ba si jesus​

Depende sa conscience mismo. Kapag naniniwala, huwag na edeny na hindi totoo si Jesus pero kung hindi naniniwala, e accept na hindi nga talaga naniniwala.

Sabi nga, "it is all in the mind" - lahat ay nasa utak lang po natin. Ganun raw ka-powerful ang ating mind. Naalala ko ang subconscious mind na bumubuo ng 95% raw ng different thoughts na pumapasok mismo na ang ilan sa information ay hindi na raw natin ma remember.

Ganun.​
 
naniniwala ako sa kanya kaso lang bakit parang natutulog po ba ang dyos
 
naniniwala ako sa kanya kaso lang bakit parang natutulog po ba ang dyos

Ah. Ganyan din ako dati. But hindi ko itinatanong na bakit parang natutulog ang dyos. Dati, ang itinatanong ko ay bakit ina-associate ng mga tao ang lahat ng "masculine pronoun" sa God kung sabi ng ibang tao, ibang tao lang naman na keyso genderless raw. Tinatanong ko rin dati ang pagka-bias ng treatment in a man, in a woman at sa homosexual although sabi naman ng ibang tao na keyso acceptable raw ng dyos ang homosexual and yet, hindi pa rin ako convince dahil the way I see kung papaano magbehave ang tao sa kapwa tao na homosexual po ay lumalabas na meron negative impression ika nga........ mga ganun lang naman ang tanong ko dati-rati.

Ang masasabi ko lang is ayos lang po na maniwala sapagkat hindi maganda magdeny sa sarili dahil ang lumalabas is "ego" ang dating sa akin. Ma-ego ba kung baga. Tipong naniniwala deep inside pero dahil sa pride, ededeny na hindi naniniwala. Kaya mas mainam na huwag edeny.

Normal lang po na ganyan ang nararamdaman. It is either pagdating ng araw, linggo, buwan o taon ay magsasawa rin ang tao po at maiisipan na lang maging independent na hindi na po aasa sa dyos. It is either na iba ang ini-expect kung ano ang dyos na dapat o maging and so kung hindi talaga natutupad sa ini-expect kung ano ang dyos dapat, maaaring hindi na umasa ang tao sa dyos na ikinasanayan nito o kung gusto ma-saved pa ang pananatili mismo sa beliefs na ikinagisnan, pwede naman magtanong sa ibang tao na meron eksperto sa mga ganyan beliefs o pwede siguro tao na makatulong sa iyo. Sasagutin naman nila ang tanong pero iyon nga lang, kung magtatanong, dapat madali eaccept dahil kung hindi acceptable mismo sa tao na nakikinig..... alam na, duda na talaga siya o literal speaking hindi na talaga siya naniniwala. Ni rereject na po kase ang bawat sagot na tanong na ibinigay po e.

In short, huwag na pilitin ang sarili mag-stay po. Pag-aralan o mag-explore na lang po sa other faith or other beliefs na alam mo na fit in o nababagay sa iyo basi sa kung anong naka-align para sa iyo.

Iyon lang ang para sa akin.​
 
marami po salamat sa pagsagot 😍😍😍
 
Ang paniniwala ko ay lahat ng God ay iisa, and enjoy lang po tayo habang buhay pa 👌
How can everyone enjoy life if ang mga turo sa mga paniniwala natin ay pawang pamumuhay na preparation lang para sa susunod nabuhay? Hindi ba mas tama isiping iisa lang ang buhay kaya dapat we should make the most of this one life?
 
Similar threads

Back
Top