What's new

LALAKING WALANG PLANO

shanachanlits

Enthusiast
Joined
May 4, 2021
Posts
14
Reaction
8
Points
40
Hello.
Hingi lang po sana ako ng advice.
Mag 7 years na kami ng boyfriend ko. Sa 7 years na yun walang cheating na nangyayari, As in loyal kami sa isat'-isa. Wala din siyang bisyo sa alak or sigarilyo which is yun ang hanap ko sa lalake.

Ang kaso lagn may problema ako sa kanya.

Sa aming dalawa ako yung may trabaho, siya wala. Tinatanong ko siya kung ano mga plano niya kasi nakakahiya din sa parent niya na tambay lang siya sa kanila. May kakayahan siyang magapply sa mga private company kung tutuosin. Ang gusto ko sana bago kami magpakasal ay tumulong muna siya sa parents niya . May ilang beses ding nagtanong ako sa kanya anong balak niya, may binibigay siyang plano and date pero pagdating ng panahon, biglang sinasabi niya sa next month nalang daw. Puro next hanggang sa napagod na ako kakatanong.

Magsi 7 years na kami pero wala din siyang balak iupgrade relationship namin, like gusto ko sana gumawa din siya ng savings niya para sa future niya. Eh ayoko naman pasanin yung relationship namin lalo na't breadwinner ako ng family ko. Personally, sa current salary ko ngayon kaya ko namang suportahan ang family ko at magiging baby ko kaso sinasabi ko lagi sa kanya na hindi ako magkakaroon ng baby hangga't di ako kasal kasi hindi ako sang-ayon sa pre-marital *** and/or birth. Gusto ko sana na suportahan muna niya mga kapatid at parents niya bago kami bumuo ng pamilya.

Mali ba na lagi ko siya tinatanong? or hayaan ko nalang siya na makitang walang plano or hiwalayan ko nalang siya?
 
Tanongin mo Ng masinsinan kung ano Plano nya, mahirap kasi kung Ikaw lang mag ta trabaho if ever magka pamilya na kayo dapat may savings talaga kayo sa ganyang sitwasyon, if gusto niya lang maging tambay nasa iyo ang desisyon kung tutuloy mo pa ba relasyon nyo or hihiwalayan mo na, pero sana matauhan Siya para mas masaya kayong dalawa.
 
Tamad naman ng boyfriend mo asa nalang sayo, parang walang balak sa future niyo. Bilang isang lalaki mahihiya ako kapag ganyan, maghahanap.na rin trabaho para makatulong and specially for the future.
 
Kung papakasalan mo siya mag isip isip ka na muna. May kilala akong ganyan ung katrabho ko dati tamad ayaw niya ng growth kasi mapapagod lang daw siya. Iba line of thinking nito haha, porket ung asawa niyang babae ang mas malaki ang sweldo tamad siya. Baka maging ganun lang din un. Sa amin nga mag asasa we are earning 100k a month combine na un tapos isa lang anak namin nahihirapan pa kami. Ang napupundar palang namin is bahay at kotse pero sa tingin ko di pa sapat un. Sa panahion ngayon na walang pakelam ang gobyerno nakaka takot na dito sa pinas. Pairalin mo utak mo wag puso.
 
naku po mahirap yan paano na lang pag nagsama na kayo ikaw lang kakayod tapos ung jowa mo sarap na sarap sa pagkakaupo
 
Kulang lang sa confidence yan kaya ayaw kumilos kasi nahihiya.
Nasobrahan sa hiya lodi. kaya nawalan ng Hiya. As a guy medyo natural satin yung pagiging provider eh. Nakakababa ng self esteem pag babae lagi ang susuporta sayo financially.

A
naku po mahirap yan paano na lang pag nagsama na kayo ikaw lang kakayod tapos ung jowa mo sarap na sarap sa pagkakaupo
Ang mahirap pa, pagod ka na sa work tapos ikaw pa mag aasikaso sa bahay pag ganyan. HAHAHA para kang kumuha ng bato na ipam pupukpok sa ulo mo eh.
 
Masyado syang naging komportable sa set-up nyo. Mas maiging bigyan mo ng deadline. Kapag di pa din sya kumilos or gumawa ng paraan, mas maiging hiwalayan mo na. Nagsasayang ka lang ng oras sa isang taong walang pangarap sa buhay.
 
Love is not enough, real talk! kelangan my pera ka pag buo ka ng family.
Give him space.
 
Same situation kame ng bf mo lods , kaibahan lng ako na umiwas sa babae sya kasi may work na ready na sana sya mag settle kaso feel ko di ko sya deserve hahaha ayunn , sana may mababalikan pako kung ok ok na situation.
 
Tamad yang bf mo Ma'am. Huwag kayo mag settle na ganyan kawawa ka sa huli. Siguro kulang sa inspirasyon or tamad talaga siya. Mas mabuti umalis ka sa ganyang situation mahirap po yan sayo
 
Ay ekis to.. ikaw yung babae eh ikaw ba bubuhay haha kahit walang work si guy basta may business saka masipag at may ipon, ilan taon naba yan bakit walang work,?. wag ka magpapabuntis kase kawawa ka mahirap yung magsesettle k sa wala man lang sipag or ipon. well hindi naman kase pwedeng ikaw lang ang may trabaho, mahalaga yung may partner kang matatawag, hindi kase pwedeng puro pagmamahal nalang lagi, aanhin mo yung taong sobrang bait pero tamad sa buhay, walang plano, asa sa parents? kase wala naman yan gagastosin, baka kahit date nyo puro ikaw tskk
 
Kulang sa confidence, nahihiya o sadyang tamad talaga either way, it doesn't bode well for your future together. Kung talagang tamad, walang amount of nagging or pleading ang magpapabago dyan, parang tinuturuan mo lang ang baboy na sumayaw, mapufrustrate ka lang, it ain't gonna work.
You can either stick around and hope for a miracle or set your sights on someone who's gonna meet you halfway and put in the effort to make things work. Seven long years has been wasted, seven years relationship going absolutely nowhere, like an aimless ship sailing in circles.
Don't waste another second on this deadbeat boyfriend. Go find yourself a keeper who can actually bring something to the table.
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top