What's new

Help Lenovo thinkpad surplus/secondhand

marvonissa

Eternal Poster
Good day sa lahat.
Planning to buy a laptop po. May nakita kasi ako dito sa amin nagbebenta ng surplus/secondhand laptop from Korea. Mostly lenovo thinkpad ang binebenta.
May isa napasok sa budget.
Lenovo thinkpad t460p
Intel corei5-6300HQ
Ddr4 8gb
256gb ssd
Intel HD graphics 530
Php 11,000

Sulit na po ba sa price?
Ok lang din ba bumili ng mga ganitong laptop?
Tumatagal din kaya ito? Like at least 2years of use
Ano po ba dapat icheck kapag bumibili ng ganito na laptop?

Mostly office works and programming po ang purpose.
 
Magandang araw po!

Sa presyong Php 11,000, mukhang okay na po ang Lenovo Thinkpad T460p na nabanggit ninyo. Ang laptop na ito ay mayroong Intel Core i5-6300HQ processor, DDR4 8GB RAM, 256GB SSD storage, at Intel HD Graphics 530. Ang mga ito ay malakas na specification para sa mga pangangailangan ninyo sa office works at programming.

Ngunit, dahil secondhand ito, dapat maging maingat po sa pagbili. Siguraduhin na mayroong warranty at maayos ang kondisyon ng laptop bago bumili. Kung maaari, subukan itong i-test bago bumili para masiguro na gumagana ng maayos.

Tungkol sa tatagal ng Lenovo Thinkpad T460p, ito ay depende sa kung paano ito ginamit at alagaan. Ngunit, dahil ito ay isang Thinkpad, kilala ito sa tibay at matibay na magagamit ng ilang taon.

Kung bibili ng secondhand laptop, dapat masiguro na maayos ang kondisyon ng keyboard, touchpad, screen, at battery. Maaari rin subukan ang lahat ng ports para masiguro na gumagana lahat ng mga ito.

Sana nakatulong po sa inyo ang mga payo na ito. Magandang araw po!
 
goods na po yan lodi ganyang brand din nabili ko na surplus 8990 bili ko lenovo thinkpad x230

upgrade ssd and ram mo lang incase na mabagalan ka palitan mo rin magaang os kung gusto mo

3yrs ko na gamit itong unit survive naman nakadepende din kasi sa pag iingat nang owner
 
Thank you po sa feedback. Limited kasi ang budget. Di ko afford ang mga brand new na laptops. Nasa 30k kasi yung mga bago na almost same specs dito. Ano ba dapat icheck bago bilhin
 
Thank you po sa feedback. Limited kasi ang budget. Di ko afford ang mga brand new na laptops. Nasa 30k kasi yung mga bago na almost same specs dito. Ano ba dapat icheck bago bilhin
kung may mga vc meetings ka na pag gagamitan check mo yung cam kung clear,speaker kung di wasak,functional keyboard check kung walang sirang keys buti nang sigurado tsaka strorage check kung legit
 
kung may mga vc meetings ka na pag gagamitan check mo yung cam kung clear,speaker kung di wasak,functional keyboard check kung walang sirang keys buti nang sigurado tsaka strorage check kung legit
Ok Sir. Thank you. Yung store may offer naman na warranty. 6months daw sa physical parts like screen, keyboard, and battery. Then may 1 year free service if ever may repairs
 
goods na po yan lodi ganyang brand din nabili ko na surplus 8990 bili ko lenovo thinkpad x230

upgrade ssd and ram mo lang incase na mabagalan ka palitan mo rin magaang os kung gusto mo

3yrs ko na gamit itong unit survive naman nakadepende din kasi sa pag iingat nang owner
akin din gamit ko x230 6.5k ko nabili, pero inupgrade ko pa ssd kya parang 7.5k
 
goods iyang choice mo ts.

hindi lang thinkpad yung napili mo well known kasi si thinkpad na isa sa mga pinaka reliable na laptop sa market, pati yung cpu sa napili mong laptop is high performance.

Don't get a gaming laptop that has U on the end of CPU name

yung pangalan ng cpu mo kasi nag tatapos sa "HQ" means you have a gaming or high performance version of core i5.

although 6th gen may kalumaan na rin pero still performs right to this day
 
Lenovo Thinkpad user here maganda sya gamitin matagal na sakin yung laptop goods na goods parin, upgrade mo nalang yung hard drive nya sa SSD para bumilis reinstall ng windows
 
yung t41 kong ibm thinkpad buhay pa rin hanggang ngayon hehe centrino lang pero palag pa rin sa windows 10 basic tasks na lang pwede magawa but still working pa rin. goods na goods as entertainment pc kabit sa tv
 
Similar threads

Back
Top