What's new

Mag-ingat Laban sa Pagiging Mapagmatuwid sa Sarili!

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,217
Points
2,570
NOONG unang siglo, ang mga Fariseo ay nagtamasa ng mabuting reputasyon na pagiging matuwid na mga mananamba sa Diyos. Sila’y masisikap na estudyante ng Kasulatan at malimit manalangin. Ang tingin sa kanila ng ilang tao ay mahinahon at makatuwiran. Ang Judiong istoryador na si Josephus ay sumulat: “Ang mga Fariseo ay mapagmahal sa isa’t isa at nagpapaunlad ng mapayapang kaugnayan sa komunidad.” Hindi kataka-taka na sila marahil ang lubhang iginagalang at tinitingala sa lipunang Judio noon!

Gayunman, sa ngayon ang salitang “maka-Fariseo” at mga kaugnay na termino ay nakasisirang-puri, singkahulugan ng nagbabanal-banalan, mapagmatuwid sa sarili, nagmamalinís sa moral, labis na relihiyoso, at pumupuri sa labi lamang. Bakit naiwala ng mga Fariseo ang kanilang mabuting pangalan?

Iyon ay dahilan sa, di-gaya ng karamihan sa mga Judio, si Jesu-Kristo ay hindi nadaya ng panlabas na anyo ng mga Fariseo. Kaniyang inihambing sila sa “mga pinaputing libingang-dako, na sa labas nga ay nagtitinging maganda ngunit sa loob ay punô ng mga buto ng mga taong patay at ng bawat uri ng kawalang-kalinisan.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Totoo, sila’y naghahandog ng mahahabang panalangin samantalang nakatayo sa mga dakong pampubliko, subalit ito’y upang makita lamang ng iba, gaya ng sabi ni Jesus. Ang kanilang pagsamba ay pakitang-tao lamang. Sila’y mahilig sa prominenteng mga lugar kung nasa mga hapunan at sa mga upuan sa harap sa mga sinagoga. Samantalang lahat ng Judio ay obligadong manamit ng kasuutang may mga palawit, sinikap ng mga Fariseo na pahangain ang mga tao sa pamamagitan ng pagsusuot ng labis na mahahabang palawit. Ipinagpaparangalan nila ang kanilang pinalaking mga kahitang naglalaman ng mga kasulatan na isinusuot bilang mga anting-anting. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa wakas ay nagdulot sa kanila ng kahihiyan ang kanilang pagpapaimbabaw, kasakiman, at kahambugan.

Ipinahayag ni Jesus ang pagtatakwil ng Diyos sa mga Fariseo: “Kayong mga mapagpaimbabaw, si Isaias ay angkop na humula tungkol sa inyo, nang kaniyang sabihin, ‘Ang bayang ito ay nagpaparangal sa akin sa kanilang mga labi, gayunman ang kanilang puso ay malayung-malayo sa akin. Walang kabuluhan ang patuloy na pagsamba nila sa akin, sapagkat itinuturo nila ang mga pag-uutos ng mga tao bilang mga doktrina.’ ” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang kanilang katuwiran ay tunay na pagiging mapagmatuwid sa sarili. Mauunawaan, na binigyang-babala ni Jesus ang kaniyang mga alagad: “Mag-ingat kayo sa lebadura ng mga Fariseo.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa ngayon, tayo rin ay kailangang “mag-ingat” sa pagiging mapagmatuwid sa sarili o magbantay laban sa pagiging mga relihiyosong mapagpaimbabaw.

Sa paggawa ng gayon, dapat nating kilalanin na ang isang tao ay hindi nagiging mapagmatuwid sa sarili sa magdamagan lamang. Bagkus, ang hilig na ito ay unti-unting tumutubo sa kaniya sa isang yugto ng panahon. Kahit na sa di-sinasadya ay maaaring magkaroon ang isa ng di-kanais-nais na mga ugali ng mga Fariseo.

Isang Mapagmataas na Saloobin

Sa anong mga ugali tayo kailangang “mag-ingat”? Ang mga taong mapagmatuwid sa sarili ay karaniwan nang “nagsasalita, at tumatayo, at nag-aastang para bang sila’y hindi kailanman nagkakamali,” paliwanag ng Encyclopædia of Religion and Ethics. Ang mapagmatuwid sa sarili ay hambog din at mapagparangalan sa sarili, na isang pangunahing suliranin sa mga Fariseo.

Ang saloobin ng mga Fariseo ay inilarawan ni Jesus sa isang ilustrasyon: “Dalawang tao ang umahon sa templo upang manalangin, ang isa ay Fariseo at ang isa pa ay maniningil ng buwis. Ang Fariseo ay tumayo at nagpasimulang manalangin ng mga bagay na ito sa kaniyang sarili, ‘O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo na hindi ako gaya ng ibang mga tao, mga mangingikil, mga di-matuwid, mga mangangalunya, o maging ng maniningil ng buwis na ito. Nag-aayuno akong makalawang ulit sa isang sanlinggo, ibinibigay ko ang ikasampu ng lahat ng mga bagay na aking natatamo.’ ” Sa kabaligtaran mapakumbabang inamin ng maniningil ng buwis ang kaniyang mga pagkakamali at siya’y napatunayang mas matuwid kaysa sa hambog na Fariseo. Ipinatungkol ni Jesus ang ilustrasyong ito doon sa mga “nagtitiwala sa kanilang sarili na sila ay matuwid at itinuturing na walang kabuluhan ang iba.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Bilang di-sakdal na mga tao baka manakanaka ay nadarama natin na tayo’y mas magaling kaysa sa iba dahilan sa ating likas na mga kakayahan o kahigitan. Subalit dapat na agad iwaksi ng mga Kristiyano ang gayong mga kaisipan. Marahil ay maraming taon nang ikaw ay namumuhay bilang isang Kristiyano. Baka ikaw ay isang mahusay na guro sa Bibliya. O baka ikaw ay nagpahayag ng pagiging isang pinahiran na maghaharing kasama ni Kristo sa langit. Ang ilan sa kongregasyon ay nagtatamasa ng pantanging mga pribilehiyo bilang buong-panahong mga ministro, matatanda, o mga ministeryal na lingkod. Tanungin ang sarili, ‘Ano ang madarama ni Jehova kung ang ibinigay niya sa akin ay gagawin kong batayan upang madamang nakahihigit ako sa iba?’ Tiyak, ito’y hindi makalulugod sa kaniya.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Kapag ang isang Kristiyano ay nagpapamalas ng mapagmataas na saloobin dahilan sa kaniyang bigay-Diyos na mga kakayahan, pribilehiyo, o awtoridad, ang totoo’y ninanakawan niya ang Diyos ng kaluwalhatian at kapurihan na nararapat lamang sa Kaniya. Ang Bibliya ay malinaw na nagpapayo sa Kristiyano na “huwag mag-isip nang higit sa kaniyang sarili kaysa nararapat isipin.” Ito’y nagpapayo sa atin: “Mag-isip kayo tungkol sa iba na gaya ng sa inyong sarili; huwag magsaisip ng matatayog na bagay, kundi makiayon kayo sa mabababang bagay. Huwag maging maingat ayon sa inyong sariling mga mata.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

“Huwag Humatol”

Ayon sa isang ensayklopidiya sa Bibliya, “itinuturing [ng isang taong mapagmatuwid sa sarili] na siya ay matuwid sa moral o may tamang katayuan sa Diyos dahilan sa kaniyang mahigpit na pagsunod sa legal na mga kahilingan nang hindi isinasaalang-alang ang diwa ng mga ito.” Isa pang akda ang naglalarawan sa mga mapagmatuwid sa sarili bilang “napakarelihiyosong mga tao na gumugugol ng lahat ng kanilang panahon sa paghanap ng kasamaan sa iba.”

Ang mga Fariseo ay nagkasala ng ganito. Dumating ang panahon na ang kanilang gawang-taong mga alituntunin ay waring higit na mahalaga kaysa sa mga batas at simulain ng Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Inatasan nila ang kanilang sarili bilang mga hukom at ugali nilang hatulan ang sinuman na hindi nakaaabot sa kanilang mga pamantayan ng pagkamatuwid sa sarili. Ang kanilang mapagmataas na saloobin at labis na pagpapahalaga sa sarili ay lumikha ng pagnanais na masupil ang ibang mga tao. Ikinagalit nila ang kanilang kawalang-kakayahan na masupil si Jesus, kaya sila’y nagpakana ng pagpatay sa kaniya.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Totoong nakayayamot na makasama ang isa na ginagawang hukom ang kaniyang sarili, anupat laging humahanap ng kapintasan, sinisiyasat at binabantayan ang sinumang nasa paligid niya. Tunay, walang sinuman sa kongregasyon ang may awtoridad na igiit sa iba ang kaniyang mga opinyon at sariling mga alituntunin. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Natatanto ng timbang na mga Kristiyano na maraming pitak sa pang-araw-araw na pamumuhay ang nakasalalay sa personal na pagpapasiya. Dapat na mag-ingat laban sa paghatol sa iba lalo na yaong mga may hilig na maging perpeksiyonista at mapaghanap.

Totoo, ang kongregasyong Kristiyano ay awtorisado na magkaroon ng mga alituntunin na tumutulong sa mahusay na pamamalakad ng makalupang organisasyon ni Jehova. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Subalit pinilipit ng ilan ang mga alituntuning ito o idinagdag ang kanilang sariling mga tuntunin. Sa isang lugar ginawang kahilingan sa lahat ng estudyante sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro na magsuot ng terno at ibutones ang kanilang amerikana kapag nagpapahayag. Ang isang estudyante na hindi gagawa nito ay hindi na bibigyan ng bahagi sa hinaharap. Sa halip na gumawa ng gayong di-mababagong mga alituntunin, hindi kaya mas makatuwiran at naaayon sa diwa ng Salita ng Diyos na magbigay ng may-kabaitan, personal na paggabay kung kinakailangan?—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ang pagiging mapagmatuwid sa sarili ay maaaring magtaguyod din sa pangmalas na kung ang isang Kristiyano ay dumaranas ng maraming personal na suliranin, siya’y nagkukulang sa espirituwal na paraan. Iyan mismo ang inakala ng mapagmatuwid-sa-sariling sina Eliphaz, Bildad, at Zophar tungkol sa tapat na si Job. Hindi nila batid ang totoong pangyayari, kaya isang kapangahasan para sa kanila na magbintang na nagkasala si Job. Sila’y dinisiplina ni Jehova dahil sa kanilang pilipit na pangmalas sa mga pagsubok kay Job.—Tingnan ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Maling Sigasig

Ang pagiging mapagmatuwid sa sarili at ang sigasig ay malimit na magkaugnay. Si apostol Pablo ay bumanggit tungkol sa relihiyosong mga Judio bilang may “sigasig . . . sa Diyos; ngunit hindi ayon sa tumpak na kaalaman; sapagkat, dahilan sa hindi pagkaalam sa katuwiran ng Diyos kundi ninanasang itatag ang sa kanilang sarili, hindi nila ipinasakop ang kanilang mga sarili sa katuwiran ng Diyos.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Bilang isang Fariseo, si Pablo ay naging labis na masigasig, bagaman ang kaniyang sigasig ay mali, anupat hindi nakasalig sa katuwiran ni Jehova.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Angkop ang payo ng Bibliya: “Huwag maging labis na matuwid, ni ipakita ang iyong sarili na labis-labis na pantas. Bakit mo dudulutan ng pagkatiwangwang ang iyong sarili?” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa kongregasyon ang isang Kristiyano ay baka maingat sa simula, ngunit ang kaniyang pagiging maingat at masigasig ay baka mauwi sa pagiging mapagmatuwid sa sarili. Kapag inakay ng karunungan ng tao sa halip ng katuwiran ni Jehova, ang relihiyosong sigasig ay baka makasakit sa iba. Papaano?

Halimbawa, ang mga magulang ay maaaring maging labis na abala sa pag-aasikaso sa espirituwalidad ng iba, at sa paggawa nito ay baka mapabayaan nila ang pangangailangan ng kanilang sariling pamilya. O ang mga magulang ay baka labis na masigasig, anupat inaasahan ang higit pa sa makakaya ng kanilang mga anak. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang ibang anak, palibhasa’y hindi makaabot sa gayong di-makatuwirang kahilingan, ay tumutugon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng dobleng pamumuhay. Isasaalang-alang ng isang makatuwirang magulang ang limitasyon ng kaniyang pamilya at gagawa ng angkop na mga pagbabago.—Ihambing ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Dahil sa labis na sigasig ay baka mawalan din tayo ng taktika, empatiya, at pagkamalumanay, na mahalaga sa ating pakikitungo sa iba. Ang isang tao ay baka puspusang gumagawa upang mapasulong ang mga kapakanan ng Kaharian. Gayunpaman, ang kaniyang labis na sigasig ay baka makasakit sa iba. Sinabi ni Pablo: “Kung mayroon akong kaloob na panghuhula at may kabatiran sa lahat ng sagradong lihim at sa lahat ng kaalaman, at kung taglay ko ang lahat ng pananampalataya upang maglipat ng mga bundok, ngunit walang pag-ibig, ako ay walang kabuluhan. At kung ibinibigay ko ang lahat ng aking pag-aari upang pakainin ang iba, at kung ibinibigay ko ang aking katawan, upang ako ay makapaghambog, ngunit walang pag-ibig, hindi ako nakikinabang sa paanuman.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Sinasang-ayunan ng Diyos ang mga Mapagpakumbaba

Bilang mga Kristiyano kailangang makilala natin ang banta ng pagiging mapagmatuwid sa sarili bago ito magsimula. Iwasan natin ang isang mapagmataas na saloobin, ang ugaling hatulan ang iba, at ang bulag na sigasig na salig sa karunungan ng tao.

Samantalang tayo’y ‘nag-iingat’ laban sa maka-Fariseong mga saloobin, sa halip na hatulan ang iba bilang mapagmatuwid sa sarili, mas mabuti na magtuon ng pansin sa ating sariling ugali at mga hilig. Totoo, hinatulan ni Jesus ang mga Fariseo at sinumpa sila bilang “supling ng mga ulupong” na karapat-dapat sa walang hanggang pagkapuksa. Subalit nababasa ni Jesus ang puso ng mga tao. Hindi natin nagagawa iyon.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Hanapin natin ang katuwiran ng Diyos at hindi yaong sa ating sarili. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Tanging sa ganoon lamang makakamit natin ang pagsang-ayon ni Jehova, sapagkat ang Bibliya ay nagpapayo sa ating lahat: “Magbigkis sa inyong mga sarili ng kababaan ng pag-iisip sa pakikitungo sa isa’t isa, sapagkat sinasalansang ng Diyos ang mga palalo, ngunit binibigyan niya ng di-sana-nararapat na kabaitan ang mga mapagpakumbaba.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 
Back
Top