What's new

Trivia Magugunaw Ba ang Mundo?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,562
Reaction
7,221
Points
2,572

Ang sagot ng Bibliya​

Hindi. Hindi magugunaw ang mundo at hindi rin ito papalitan. Itinuturo ng Bibliya na nilikha ng Diyos ang lupa para tirhan magpakailanman.
  • “Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at titira sila roon magpakailanman.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • “Itinayo [ng Diyos] ang lupa sa matatag na pundasyon; hindi ito magagalaw sa lugar nito magpakailanman.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • “Ang lupa ay mananatili magpakailanman.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • “Ang gumawa sa lupa, ang Maylikha nito na nagpatatag dito, [ay] hindi lumalang nito nang walang dahilan, kundi lumikha nito para tirhan.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Tuluyan bang masisira ng tao ang lupa?​

Hindi hahayaan ng Diyos na tuluyang masira ng tao ang lupa dahil sa polusyon, digmaan, o iba pang bagay. Sa halip, ‘ipapahamak niya ang mga nagpapahamak sa lupa.’ (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Paano niya iyon gagawin?
Ang gobyerno ng tao, na hindi kayang magprotekta sa lupa, ay papalitan ng Diyos ng isang perpektong You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang Kahariang iyon ay pamamahalaan ni Jesu-Kristo, ang Anak ng Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Noong nasa lupa si Jesus, ipinakita niya na may kapangyarihan siya sa kalikasan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Bilang Hari ng Kaharian ng Diyos, lubusang pamamahalaan ni Jesus ang lupa at kokontrolin niya ang mga elemento nito. Ibabalik niya ang lupa sa dating kalagayan nito gaya ng sa hardin ng Eden noon.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Hindi ba itinuturo ng Bibliya na masusunog sa apoy ang lupa?​

Hindi. Ang maling paniniwalang iyon ay karaniwan nang dahil sa maling pagkaunawa sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., na nagsasabi: “Ang langit at ang lupa na umiiral ngayon ay nakalaan sa apoy.” Tingnan ang dalawang mahahalagang punto na tutulong sa ating maintindihan ang pananalitang iyon:
  1. Ginagamit ng Bibliya ang mga terminong “langit,” “lupa,” at “apoy” para tumukoy sa iba pang bagay. Halimbawa, sinasabi sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Iisa lang ang wika . . . ng buong lupa.” Ang “lupa” rito ay tumutukoy sa lipunan ng tao.
  2. Ipinapakita ng konteksto ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. kung ano ang ibig sabihin ng langit, lupa, at apoy na binanggit dito. Ang pananalita rito ay ikinumpara ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. sa Baha noong panahon ni Noe. Napuksa ang sanlibutan noon, pero hindi naglaho ang planeta natin. Sa halip, tinangay ng baha ang marahas na lipunan ng tao, o “ang lupa.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Winasak rin nito ang isang uri ng “langit”—ang mga taong namamahala sa lipunang iyon. Kaya masasamang tao ang nawala, hindi ang planeta natin. Nakaligtas si Noe at ang pamilya niya sa pagkapuksa ng sanlibutang iyon at tumira sila sa lupa pagkatapos ng Baha.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Gaya ng Baha, ang pagkapuksa, o “apoy,” sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ay You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ng masasamang tao, at hindi sa planetang Lupa. Nangako ang Diyos ng “bagong langit at bagong lupa,” at “sa mga ito ay magiging matuwid ang lahat ng bagay.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang “bagong lupa,” o bagong lipunan ng tao, ay pamamahalaan ng “bagong langit,” o bagong gobyerno—ang Kaharian ng Diyos. Sa pamamahala ng Kahariang iyon, ang lupa ay magiging isang mapayapang paraiso.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 
Back
Top