Hello guys, nag apply ako ng trabaho dito sa bagong mall sa amin. Hindi pa tapos gawin baka sa june tapos na pero tumatanggap na sila ng applicants and yeah wala pa akong experience sa pag tatrabaho. I'm 19 y/o at nag aaral pa. Pinag pili ako kung ano gusto ko kung bagger, counter, houseware, salesboy at may isa pa di ko lang narinig. Pero pinili ko yung salesboy medyo madali kasi hahaha. The main reason why nag apply ako para malibang ako kasi may anxiety at ocd ako and gusto ko rin kumita syempre para may pambayad sa school. Tinanggap yung resume ko and may mga questions pa akong sinagutan pero pagkatapos non ang sabi ay tatawagan nila ako, sa tingin nyo guys matatanggap kaya ako?