What's new

Naghahanap ng jowa

Hindi po ako magaling mag advice HAHAHA

Pero sige, Ito base lang po sa experience at paniniwala ko,

Masasabi kong 99.9 percent na worth it po yang ganyan na relasyon,, bakit?

Kasi dyan po natin malalaman kung tunay nga ba ang pag mamahal ng taong yan sayo, Maging ikaw kung totoong mahal mo rin ba sya, Hindi dapat nawawala dyan ang salitang "tiwala" ♥️



Meron nga po na personal natin nakikita, nakakasama, pero titirahin tayo ng kagagohan, hindi ko po nilalahat pero may ganun, Mas Masakit po yun kasi mismo sa harap mo pa makikita, Sadyang kupal sya kapag ganun, Need pa rin talaga ng tiwala at Tamang setup... mapa LDR man O personal , Alam naman po natin na Puso ang pinapairal para sa lahat ng yan...



Ang LDR Para lang po ito sa mga taong nakapag titiis at naka pag tatagal

Depende po yun sa kanila kung paano panghahawakan ang kapalaran na gusto nila .


Meron din ako nagugustohan and yes LDR nga po pero diko sure na Magkaka tuluyan nga ba kami, mag susuccess lang po yan kung parehas kami may tiwala, Kung mahal ba namin ang isa't isa, at pipiliin ang kapalaran na gusto naming makasama...💕
Base po yan sa tunay na pagmamahalan... ♥️
Kapag iniwan ka, hindi po yun Maituturing na totoong pagmamahal...
Isang Malaking kasinungalingan po ang ganyan....



Nga pala, Hindi po ako naniniwala sa sinasabi ng iba na ganito na talaga ang kapalaran natin...wala pong ganyan.

Tayo po ang gumagawa ng sarili nating kapalaran, Hindi po natin i-asa sa kapalaran yung gusto natin sa buhay, Wala pong ganun...


Halimbawa sinaktan at iniwan ka ng taong minahal mo, Tapos sasabihin mo na hindi sya para sa akin, Yung akala mo sya na yun pero hindi pala, Nope hindi po ganyan

Hindi kasi goal ng taong to na mahalin ka, Mas pinili nyang mangaliwa, iwan at saktan ka, Pinili nya yung gusto nyang gawin sa buhay, Pinili nya yung kapalaran nya, Nakuha po ba yung punto ko? Maari o Posibleng sya na nga yun kung tanggap ka at hindi ka iiwan... Kung matino nga ba ang hayup na yan.

Kung mahal ka talaga mas Pipiliin ka nyan at tanggap yung buong pagkatao natin... Kung pipiliin nya nga ba ang kapalaran na gusto kang makasama, Matatawag po yun na totoong pag mamahal mula sa kanya ♥️


Sya po ang nag desisyon sa gusto nyang mangyare sa buhay....



Kasi tayo naman po talaga ang gumagawa ng sarili nating kapalaran, Hindi po ako naniniwala na yan na ang kapalaran natin..
♥️
Halimbawa na lamang po ng mga magulang natin, Hindi po tayo mabubuo kung hindi nila sinunod ang desisyon nilang magkasama sa isa't isa.

Halimbawa kung may pangarap ka sa buhay, Hindi matutupad ang pangarap na yun kung wala kang gagawin, Hindi po kayo mag kakatuluyan kung hindi kayo mag mamahalan.


Tayo po ang nag papabago sa kapalaran na gusto natin, Tayo po ang nag papabago para sa sarili natin, Desisyon natin yan eh,


Kung gusto natin mapa sa atin ang minamahal natin dapat gumawa tayo ng sariling paraan para mapa sa atin, ♥️



Kung Gusto rin mag hiwalay then Go... Pinili natin to eh, Nakuha po ba ang punto ko? Ganun po ang ginusto nating kapalaran... Walang nag didikta o nag uutos na ganito gawin mo, walang ganun. ♥️
tayo ang pumipili kung anong napag desisyonan natin sa buhay

Wag po nating i-asa sa destiny, wala pong ganyan.

Mas pinili mo yan, Goal mo yan, Mas ginusto mo yan, kinapalaran mo yan... Hindi ka binago ng iba, hindi ka binago ni Mama mo, Papa mo, kapatid, kaibigan at jowa, Desisyon mo yan.
Labas kami dyan...


Kung iniwan ka man marahil hindi ginawa ng partner mo ang kapalaran na piliin ka,
Kung baga kagustuhan nya sa sarili na baguhin ang kapalaran na gusto nya...



Tapos ito, kapag nasaktan at iniwan yung ibang mga babae rito, Mostly sa social media ko po ito nakikita

Damay ang ibang mga lalaki kasi sasabihin lahat ng mga lalaki manloloko raw, Wala pong ganun...


Hindi po lahat, Matitino Po kami, Nag lalaro po ako ng Temple Run tapos maririnig ko na lahat ng lalaki manloloko raw, Ate ok ka lang? Syempre Damay ako nun, Lahat daw eh, Nadamay po ako ng walang alam...., Wala nga kaming alam kung anong trip nyo sa buhay, Yung taong yun nag loko sayo hindi ako, Hindi po kami, May relasyon ba tayo? May relasyon ba kami sayo? Wala naman diba? May pa lahat lahat pa eh.... 😑


Walang ganun, Sadyang kupal talaga yung napili mo, Pinili ng taong yun ang kapalaran na gusto nya... At Hindi ikaw...

Kaya huwag nyong sasabihin na lahat ng lalaki o babae manloloko... Walang ganyan, wala pong ganun, Sadyang pinili talaga ng taong yun ang gusto nyang kapalaran, Yung buhay na gusto nya.



Katanongan ng karamihan.​

Paano malalaman kung sya na nga yun, Sya na yung the right one kuno?

Kailangan Po natin Pumasok sa ganyang relasyon, Hindi yung mag aasume ka na baka sya na nga ito, ang gwapo, ganda nya omg 😱, Hoy! gumising ka walang ganun HAHAHA

Alamin po natin, i-explore natin Yung taong yun, Kung matino ba yan gaya ng pusa namin, Paano po natin malalaman kung hindi natin susubukan diba? kung sya na nga ba yan, Hindi po yan easy to get na kapag nag "hi" ka at nag "hello" sa kanya at sinabi mong nanliligaw ako sayo Sinasagot mo na ba ako? at sabay sabing "Oo", Powtah walang ganun, Pinaghihirapan po natin yan Walang madali... Hindi po tayo mayaman.


Success lang po ang relationship kung parehas nyong ginagawa ng tama ang kapalaran na gusto nyong makamit.. meaning tapat kayo sa isa't isa.



Sasamahan ka sa hirap at ginhawa, Yung makasama mo sya habang buhay ♥️ Yayakapin ka araw-araw, Mag kasama kayong masaya at namumuhay ng mapayapa♥️ Pag sasakripisyo sa isa't isa, naka pag titiis at naka pag tatagal,, Yan naman po talaga purpose nyan eh ♥️

💕Yan po ay tinatawag na totoong pag mamahal 💕
 
ako po naghahanap d lng jojowain kung d aasawahin ko na hanapan niyo nman po ako parang awa niyo na 30 yrs old na po ako
salamat sa magpapalakad sa akin 😢
 

Similar threads

Back
Top