What's new

Help Nakakapagod na ang college

bagong pangalan

Forum Veteran
Joined
Sep 21, 2016
Posts
2,287
Reaction
627
Points
769
ngayon lang ako nakaramdam ng ganito

parang gusto ko ng sumuko madaming gawain mag module +online activity at meron pang face to face pero may module parin yung subject ,madali naman major subject

criminology pala kinuha ko

parang gusto ko magtesda nalang para mag abroad dahil ayoko sa pinas lang nakatira
 
Finish college kahit may tres ka pa. Di mo naman magagamit yung sobra sa tres pagka graduate mo (unless may ipinaglalaban ka).

Dami kong tres noon pero pucha, nasa diskarte pa rin pagkagraduate yan.

Easy peasy ako noong college. Dota dota kodigo and shits. Pero pagkagraduate ko di ako pumayag na basta basta lang.
 
Lods choose wisely na lang.
Kung mag abroad gusto mo oo totoong kailangan mo ng technical skills pero may mga requirements parin yan saka pagbalik mo ng pinas wala kang trabaho.
Kung seaman gusto mo siguraduhin mong healthy ka at di ka heavy drinker kasi mejo may standards mga barko.
Kung crim ka may standard din pagiging pulis.
Pag igihan mo na lang mag aral lods kasi yan ang tutulong sayo kung sakali, di yan mawawala sayo lalo na't may diploma ka. Mag add ka na lang ng skills mo sa tesda if gusto mo talaga yung nasa tesda lods.

Susuko? Wag, pwede naman mag cheat, mangopya, wag lang magpabaya.

Pag nasa work ka na at tinamad ka, jusko maski pa nasaiyo lahat ng skill kung sumuko or tinamad ka wala parin tanggal ka parin or di ka mapromote or di ka aasenso.

Maski business kailangan ng tyaga lods. Wag ganyan.
 
anong year kana ba? kung first year ka palang masasanay ka din. mas nakakapagod magtrabaho mas okay yan nag-aaral kapa may baon pa. once na nagtatrabaho kana ikaw na may sagot sa lahat.

tapusin mo yan pinag-aralan mo ako na nagsasabi sayo. hirap maghanap ng work dito sa pinas pag walang degree.
 
Keri yan bhie basta focus kalang sa pangarap mo hanggat may nagpapaaral mag aral kasi mahirap ang buhay. Lalo na sa mga tulad namen working student sobrang hirap pero nakakaproud at the same time dugo't pawis alay maka graduate lang.
 
Easy lang naman criminology tol. Bat ka nahihirapan, kami nga noon na halos gabi-gabi nagiinoman tapos ako pa mag-isa gumagawa ng thesis namin hahaha. Shift ka nalang ng ibang course na mas madali pa sa criminology total kahit anong 4 year course naman kukunin if mag pupulis, bumbero, jail officer o bucor officer ka.
 
Last edited:
bro I know what you feel kasi isa din akong 2nd yr college students and currently taking up hard course for me. Sobrang hirap ng mga subject matters ko at may mga iniiisip pa for the future. isa na dun is kung kakayanin ko ba at makakakuha ba ko ng degree pag nag patuloy ako. I know how it feels to have a loaded school works, sleepless nights, mentally unstable, stress, overthinking and even crying every night dahil sa skbrang pagod. Ngl currently may mga pinoproblema pa akong mga sub. kasi need kong gawin pero wala akong resources.. sometimes inisip kong sumuko na pero mas naiisip ko yung kinabukasan ko at ng mga taong nag titiwala at aasa sa akin. Bro work on your inspiration if you think yourself is not enough, think of your family at mga nag titiwala sayo. Just keep it up.. mapapagod tayo pero di susuko, Cheer up para sa pangarao natin at sa pangarap para sa pamilya natin. Laban lang!! trust yourself bro its just the thoughts. but as long we you going through, there's always a hope
 
Normal lang yan mapagod. Isipin mo nalang din kung para saan/kanino ka nag-aaral. Itanim mo lang yan sa puso mo, malalagpasan at mas mamomotivate ka
"para sa magulang kong napapagod magtrabaho para lang papag aralin ako"
"para sa pangarap ko na mangibang bansa para sa umunlad buhay ko/namin"
"para mabili ko gusto ko sa perang pinagsikapan ko at sa kursong tinapos ko"
wag kang papanghinaan ng loob, tyagain mo lang
 
Ako 1st year crim may rotc kami kaya masaya kaso may mga isip bata akong ka klase na araw araw nag aaway😆. Tanong lang ts marami kayong ginagawa?
 
Easy lang naman criminology tol. Bat ka nahihirapan, kami nga noon na halos gabi-gabi nagiinoman tapos ako pa mag-isa gumagawa ng thesis namin hahaha. Shift ka nalang ng ibang course na mas madali pa sa criminology total kahit anong 4 year course naman kukunin if mag pupulis, bumbero, jail officer o bucor officer ka.
iba ngayon dahil module e yung mga minor subjects minamadali nila yung submission dapat after 1 month ipasa yung module ginawa nilang 1 week nalang okay sana kung iisang subject madami sila

madali naman yung major dahil kunti lang pinapasagot

Ako 1st year crim may rotc kami kaya masaya kaso may mga isip bata akong ka klase na araw araw nag aaway😆. Tanong lang ts marami kayong ginagawa?
mag advanced rotc ka mas masaya🤣
 
Last edited:
Lods choose wisely na lang.
Kung mag abroad gusto mo oo totoong kailangan mo ng technical skills pero may mga requirements parin yan saka pagbalik mo ng pinas wala kang trabaho.
Kung seaman gusto mo siguraduhin mong healthy ka at di ka heavy drinker kasi mejo may standards mga barko.
Kung crim ka may standard din pagiging pulis.
Pag igihan mo na lang mag aral lods kasi yan ang tutulong sayo kung sakali, di yan mawawala sayo lalo na't may diploma ka. Mag add ka na lang ng skills mo sa tesda if gusto mo talaga yung nasa tesda lods.

Susuko? Wag, pwede naman mag cheat, mangopya, wag lang magpabaya.

Pag nasa work ka na at tinamad ka, jusko maski pa nasaiyo lahat ng skill kung sumuko or tinamad ka wala parin tanggal ka parin or di ka mapromote or di ka aasenso.

Maski business kailangan ng tyaga lods. Wag ganyan.
Nice! trip ko Yung mangopya, wag lang mag pabaya😄
 
Totoo yan need mo lang ng ispirasyon. Like mag abroad isa sa magulang mo. Okaya dagdagan ng baon
 
enjoyin mo kasi TS para di ka mabagot hanap ka ng kabuddy mo dyan na makakasabay mo sa kulitan at pagaaral mas marami kayo mas masaya mas maraming tulungan. ganyan ako naka survice nung college

at isipin mo mas mahirap ang real life kaysa sa school life depende na lang talaga yan sa magdadala.
 

Similar threads

Back
Top