Naniniwala ako sa Diyos pero aaminin ko na hindi talaga ako nagbabasa ng Bible dati. Lagi nilang sinasabi na kesyo magbasa raw kasi para mas maintindihan yung ganito gan'yan. Sa kagustuhan kong mas lumalim ang pag-unawa ko sa paniniwala ko at sa mga taong mahilig mag-quote ng verses, nagbasa ako.
Sa totoo lang, no'ng nagbasa ako ng Bible mas nawalan ako ng tiwala sa konsepto ng relihiyon kaai napagtanto ko na lahat ng relihiyon may mga maling aral. Isa pang napagtanto ko ay kadalasan sa mga mahilig mangaral at mag-quote ng verses ay selective. Kumbaga kung ano lang yung applicable at favorable sa kanila, yun lang. Minsan, yung iba naman selective dahil sa impluwensya na rin ng relihiyong kinabibilangan nila.
Kung babasahin mo yung Bible para sa sarili mong kagustuhan na palalimin ang pag-unawa, relasyon at pagmamahal mo sa Diyos at hindi para lang sa relihiyon mo, do'n ka mamumulat sa katotohanan na wala talaga sa relihiyon ang sagot. Hahaha.
At the end of the day, respeto na lang talaga sa isa't isa. Hindi ako nakikipag-debate sa usaping relihiyon hangga't maaari. I don't see the point anymore kasi naiintindihan ko naman yung pinaniniwalaan ko pero I am always open to the idea of being educated.