What's new

Closed PAANO BA MAIWASAN?

Status
Not open for further replies.

cliffprogram

Honorary Poster
Joined
Apr 25, 2017
Posts
797
Reaction
258
Points
246
Age
27
tanong lang mga ka-PHC lovers jan , ganto kase palagi akong nagagalit kapag nakikita kong nagsuot yung girlfriend ko ng mga damit like shorts, sando, dress na too much skin expose , nagagalit ako lalu na pag hindi ako kasama, tapos parang ako pa lumalabas na mali kaya ako na din ang nag sosorry so, gusto ko sana makabasa ng magandang payo para maiwasan ko ang ganung pakiramdam, kase lalake din ako alam ko iniisip ng lalake kapag nakakakita ng ganung mga babae .
 
Paps ganito yan. Baka naman ganun na talaga sya manamit bago mo pa sya makilala? Tsaka yung ganung pananamit yung nakakapagpataas ng self-esteem nya? May mga kilala kasi akong babae na nagaayos sila at nagbibihis para sa sarili nila at hindi para sa ibang tao. Alam ko yung pinopoint mo, na baka mabastos sya ng mga tao lalo na kung uuwi sya ng alanganing oras. Pero privilege ng mga babae (mga tao in general) yung manamit ng naaayon sa kagustuhan nila. May mga tao lang talagang hindi mapakali kaya malaki yung chance na mabastos sya lalo na kung hindi angkop sa lugar na pupuntahan nya yung pananamit na suot nya. At sana hindi ganun yung ginagawa ng gf mo. To be fair, sa side naman tayo ng mga kapwa natin lalake. Alam kong sasabihin mo na walang mababastos na babae kung maayos yung pananamit, tama? Pero ang totoo, walang mababastos kung nasa lugar naman yung pagsusuot mo ng medyo revealing, at walang mambabastos kung ikakalma nila yung mga pagnanasa nila. Ang pino-point ko dito is dapat both sides yung umayos. Hindi dapat palaging one sided. At punta naman tayo sa side mo bilang boyfriend. Naiintindihan kita, ganyan naman halos lahat ng lalake kasi alam nila yung galawan ng iba pang mga lalake, kung ganyan na talaga sya manamit bago pa maging kayo, magiging problema at issue talaga yan. Pero kung ako sayo, ipaliwanag mo ng maayos as in maayos, at sa personal mo gawin. Ipaintindi mo every single point na gusto mo iparating sa kanya. Nasa relasyon kayo kaya dapat laging nagkakaintindihan.
 
Kung ganun na talaga ang suotan niya bago maging kayo,magagalit talaga yan kapag pinupuna mo.
Regaluhan mo sya ng mga damit na gusto mong isuot niya tapos i request mo na suotin niya yung mga damit na yun kasi ikaw yung nagbigay nun.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top