What's new

Closed PAANO BA MAIWASAN?

Status
Not open for further replies.
Paano maiiwasan ang ganung pakiramdam? para sakin ts intindihin mo lalo na kung ganun talaga sya at gusto o komportable sya sa ganun, magtrust ka sa taong mahal mo. Wag ka magalit kung hindi ka nya kasama kapag ganun kasuotan nya, parang ang dating kasi sa girl hindi mo sya pinagkakatiwalaan. Kasi pag nagalit ka at wala naman sya ginagawang masama, magagalit din sya sayo. Away lang patutunguhan ng ganung sitwasyon. Hanggang sa marealize nyu na parang di na kayo nagkakaintindihan parati, ang malala pa na pwedeng mangyari ay magkahiwalay lang kayo. Normal na sa panahong ito ang mga ganung kasuotan. Ok lang naman siguro magpakita ng skin, basta wag lang yung parang kita na rin pati kaluluwa.haha. Pag-usapan nyu ng mahinahon at di nagagalit para walang away na malala. Sabi mo nga alam mo ang pakiramdam ng lalaki kapag nakakakita ng ganun, now kung may trust si girl sayo di issue sa gf mo yun kahit nakakakita ka ng ganun mga babae, dahil alam nya nakikita mo lang yun at wala ka naman gagawin masama. Ikaw naman bilang bf kahit ganun sya manamit at kung gusto nya ganun sya manamit, pagkatiwalaan mo na lang ts at intindihin mo.

Para sakin kahit hindi kabastosbastos ang kasuotan ng babae, kung meron mga tao na mangbabastos/masama ang binabalak di maiiwasan ang mabastos/madisgrasya.
 
tanong lang mga ka-PHC lovers jan , ganto kase palagi akong nagagalit kapag nakikita kong nagsuot yung girlfriend ko ng mga damit like shorts, sando, dress na too much skin expose , nagagalit ako lalu na pag hindi ako kasama, tapos parang ako pa lumalabas na mali kaya ako na din ang nag sosorry so, gusto ko sana makabasa ng magandang payo para maiwasan ko ang ganung pakiramdam, kase lalake din ako alam ko iniisip ng lalake kapag nakakakita ng ganung mga babae .
Sa side ng babae, depende rin kasi yan. Kung ganyan na siya manamit bago mo pa nakilala, baka magalit lang sayo kapag ipipilit mong baguhin yung pananamit niya. And baka doon kasi siya confident. Baka sa ganong damit niya nafefeel na maganda siya. SIguro kausapin mo siya and let her know na you respect her choice of clothes, pero sabihin mo rin na minsan iba yung tingin ng mga lalaki sa mga ganon manamit para magdoble ingat siya. Pagdalhin mo nalang ng jacket or cardigan or shawl in case of emergency. Kung medyo out of place naman siya manamit, wag mo rin awayin, sabihin mo lang ng maayos, magegets naman niya yan. 😄

Yung ex ko kasi ayaw rin na ganyan ako manamit. Pero nirespeto niya naman mga trip ko suotin, kapag magkasama kami lagi nalang niya ako inaakbayan para alam ng mga lalaki na tumitingin na taken na ako.

Pero wala eh, naghiwalay din kami. 😂
 
Sa side ng babae, depende rin kasi yan. Kung ganyan na siya manamit bago mo pa nakilala, baka magalit lang sayo kapag ipipilit mong baguhin yung pananamit niya. And baka doon kasi siya confident. Baka sa ganong damit niya nafefeel na maganda siya. SIguro kausapin mo siya and let her know na you respect her choice of clothes, pero sabihin mo rin na minsan iba yung tingin ng mga lalaki sa mga ganon manamit para magdoble ingat siya. Pagdalhin mo nalang ng jacket or cardigan or shawl in case of emergency. Kung medyo out of place naman siya manamit, wag mo rin awayin, sabihin mo lang ng maayos, magegets naman niya yan. 😄

Yung ex ko kasi ayaw rin na ganyan ako manamit. Pero nirespeto niya naman mga trip ko suotin, kapag magkasama kami lagi nalang niya ako inaakbayan para alam ng mga lalaki na tumitingin na taken na ako.

Pero wala eh, naghiwalay din kami. 😂
Noted na tong ganito paps. Sana hindi seloso yung tropa natin.
 
Paps ganito yan. Baka naman ganun na talaga sya manamit bago mo pa sya makilala? Tsaka yung ganung pananamit yung nakakapagpataas ng self-esteem nya? May mga kilala kasi akong babae na nagaayos sila at nagbibihis para sa sarili nila at hindi para sa ibang tao. Alam ko yung pinopoint mo, na baka mabastos sya ng mga tao lalo na kung uuwi sya ng alanganing oras. Pero privilege ng mga babae (mga tao in general) yung manamit ng naaayon sa kagustuhan nila. May mga tao lang talagang hindi mapakali kaya malaki yung chance na mabastos sya lalo na kung hindi angkop sa lugar na pupuntahan nya yung pananamit na suot nya. At sana hindi ganun yung ginagawa ng gf mo. To be fair, sa side naman tayo ng mga kapwa natin lalake. Alam kong sasabihin mo na walang mababastos na babae kung maayos yung pananamit, tama? Pero ang totoo, walang mababastos kung nasa lugar naman yung pagsusuot mo ng medyo revealing, at walang mambabastos kung ikakalma nila yung mga pagnanasa nila. Ang pino-point ko dito is dapat both sides yung umayos. Hindi dapat palaging one sided. At punta naman tayo sa side mo bilang boyfriend. Naiintindihan kita, ganyan naman halos lahat ng lalake kasi alam nila yung galawan ng iba pang mga lalake, kung ganyan na talaga sya manamit bago pa maging kayo, magiging problema at issue talaga yan. Pero kung ako sayo, ipaliwanag mo ng maayos as in maayos, at sa personal mo gawin. Ipaintindi mo every single point na gusto mo iparating sa kanya. Nasa relasyon kayo kaya dapat laging nagkakaintindihan.
ou nga po may privilege sila na ganun pero alam naman nya sigurong may bf sya at isipin din nya yung mararamdaman ng bf nya pag ganun
 
Medyo conservative bf... hmmm!! Siguro intindihin na lang nya gf nya.... kung yan gusto ng gf nya hayaan na lang kung jan sya kumportable!!
natatakot lang naman ako uso ang rape syempre tapos gabi pa ang uwi nya galing work at pag nag ka emergency malayu ako mindoro pa ko sya sa pasig
 
Noted na tong ganito paps. Sana hindi seloso yung tropa natin.
Oo nga sana hindi seloso yon.. Hindi naman talaga seloso yon :unsure:
muka namang hindi, pero wala eh, hindi na talaga siya nagrereply hahaha
sino ba nagustuhan neto sa mga tropa natin hahaha sorry tambak gawain hahaha
Sinong seloso? Sinong nagugustuhan nino? Uso rin pala chismis dito. :unsure:
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top