Mind Palace
Eternal Poster
- Joined
- Sep 11, 2020
- Posts
- 1,135
- Reaction
- 327
- Points
- 310
Sino ang Binhi na Tinukoy ng Diyos na Dudurog sa Ulo ng Ahas?
Part 1
Layunin:
Photo by Miriam Fischer from Pexels
Sa makahulang mga pananalita, sinabi ng Diyos kung ano ang mangyayari sa hinaharap may kinalaman kay Satanas, na siyang tinutukoy ng Bibliya bilang ang 'matandang ahas', at sinabi din ng Diyos kung ano naman ang gagawin niya sa pamamagitan ng kaniyang ipinangakong binhi.
Suriin natin ngayon ang Bibliya.
Ganito ngayon sinabi ng Diyos:
Tanong: Ang tinutukoy ba na babae dito ay si Eba?
Sino ngayon ang babae na tinutukoy sa tekstong ito, na siyang makikipag-away sa ahas?
Ang tanong, paano ba ginagamit sa Bibliya ang salitang binhi?
Part 1
Layunin:
- Maunawaan kung ano ang hula na sinabi ng Diyos sa Eden.
- Makilala kung saan at kanino tumutukoy ang binhi at ang babae
- Malaman kung paano ito nauugnay sa pagsasauli ng Diyos ng kaniyang orihinal na layunin dito sa lupa
- Maintindihan kung paano nakaapekto ang hulang ito sa sangkatauhan
Photo by Miriam Fischer from Pexels
Sa makahulang mga pananalita, sinabi ng Diyos kung ano ang mangyayari sa hinaharap may kinalaman kay Satanas, na siyang tinutukoy ng Bibliya bilang ang 'matandang ahas', at sinabi din ng Diyos kung ano naman ang gagawin niya sa pamamagitan ng kaniyang ipinangakong binhi.
Suriin natin ngayon ang Bibliya.
Ganito ngayon sinabi ng Diyos:
Genesis 3:15
Kayo ng babae'y aking pag-aawayin,
binhi mo't binhi niya'y lagi kong paglalabanin.
Ang binhi niya ang dudurog sa iyong ulo,
at sa sakong niya'y ikaw ang tutuklaw.
Tanong: Ang tinutukoy ba na babae dito ay si Eba?
Hindi. Bakit? Dahil [1] hindi naman talaga literal na naglaban ang anak niya at ang literal na ahas, at [2] imposible namang kalabanin ng anak ni Eba si Satanas dahil ito ay isang makapangyarihang espiritung persona.
Katunayan, inakala pa nga ni Eba noon na sa pamamagitan niya, ilalaan ang binhi na ipinangako ng Diyos na dudurog sa ulo ng ahas.
Genesis 4:1
Sinipingan ni Adan ang kanyang asawa at ito'y nagdalang-tao. Nang isilang ang kanyang panganay na lalaki ay sinabi ni Eva: “Nagkaroon ako ng anak na lalaki sa tulong ni Yahweh.” Kaya Cain ang ipinangalan niya rito.
Ang pangalang Cain ay nangangahulugang "[Isang Bagay na Iniluwal]." Kaya inakala ni Eba na sa kaniya magmumula ang binhi. Pero, walang iniuulat ang Bibliya na nakipag-away si Cain kay Satanas.
Sino ngayon ang babae na tinutukoy sa tekstong ito, na siyang makikipag-away sa ahas?
Bago natin sagutin ang tanong na iyan, may mga bagay pa tayo na kailangang isaalang-alang. Buweno, yamang ang ahas talaga na tinutukoy dito ng Diyos ay walang iba kundi si Satanas, HINDI PUWEDENG SA TAO tumukoy ang babae na kakalaban sa kaniya.
Pansinin muli ang binanggit ng kasunod na pangungusap,
"binhi mo't binhi niya'y lagi kong paglalabanin."
Kaya, ang babae na ito ay magkakaroon ng binhi, at maging si Satanas, ay magkakaroon din mga binhi.
Ang tanong, paano ba ginagamit sa Bibliya ang salitang binhi?
Ang 'binhi' sa orihinal na pagkakagamit nito sa Hebreo ay
zeʹraʽ , at sa Griego naman, sperʹma
Maraming beses na lumilitaw sa Kasulatan ang salitang ito at ginagamit o ikinakapit ito sa sumusunod na mga diwa:
(a) agrikultural at botanikal, (b) pisyolohikal, at (c) sumasagisag sa “supling.”
Yamang, ang ahas, ay ginamit ng Diyos bilang makasagisag na termino at pagtukoy kay Satanas na Diyablo sa aklat ng Genesis, makatuwiran lamang na ang 'binhi' na tinukoy ng Diyos sa pagkakataong iyon ay makasagisag din.
Kaya, hindi natin gagamitin ang terminong 'binhi' sa tekstong ito na sinusuri natin para tumukoy sa agrikultural, botanikal at pisyolohikal na pagkakagamit nito sa Bibliya, kundi magtututon tayo ng pansin sa makasagisag na pagkakagamit nito sa Bibliya.
Sa Bibliya, mapapansin na iba-iba din ang makasagisag na pagkakagamit ng salitang 'binhi.'
Halimbawa, ang 'binhi' ay puwedeng tumukoy sa kaapu-apuhan ng isang tao.
Genesis 9:9
“Ako'y nakikipagtipan sa inyo ngayon, pati na sa inyong magiging mga anak." ('anak', sa Hebreo, zeʹraʽ, in Strong's Concordance, the number is H2233)
See H2233
Genesis 16:10
"Mga anak mo ['anak', sa Hebreo, zeʹraʽ, H2233], ay aking pararamihin,
at sa karamiha'y di kayang bilangin"
Genesis 17:7
“Tutuparin ko ang aking pangako sa iyo at sa iyong lahi ['thy seed', H2233, sa KJV] habang panahon, at ako'y magiging Diyos ninyo.
Kaya, ang binhi na ito ay posibleng sumasagisag sa kaapu-apuhan ng isang tao.
Ano pa?
Puwede rin itong tumukoy sa 'salita ng Diyos'
Lucas 8:11
“Ito ang kahulugan ng talinghaga: ang binhi ay ang Salita ng Diyos.
['binhi', sa Griego 'sporos', nauugnay sa salitang 'sperʹma']
Kaya, magkakaiba ang pakahulugan nito sa makasagisag na paraan.
At gaya ng nakita natin, ang binhi ay posible ding tumukoy sa kaapu-apuhan ng isang tao.
Yamang si Satanas ay wala namang kasarian at hindi naman tulad nating mga tao na kayang magkaanak, sa paanong paraan siya magkakabinhi, o sa ibang salita ay magkakaanak?
Buweno, hindi literal na magkakaanak si Satanas, ang tinutukoy lamang nito, ay magkakaroon ng 'tulad-anak' si Satanas, ito y'ong mga tumutulad sa kaniya - sa kaniyang mga katangian, disposisyon, at mga gawain. Sa diwa, nagiging anak sila ni Satanas na Diyablo.
Halimbawa nito ay si Cain, ganito ang sinasabi ng Bibliya tungkol kay Cain.
1 Juan 3:10 - 12 (Ang Dating Biblia, 1905)
10 Dito nahahayag ang mga anak ng Dios, at ang mga anak ng diablo: ang sinomang hindi gumagawa ng katuwiran ay hindi sa Dios, ni ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid.
11 Sapagka't ito ang pasabing inyong narinig buhat ng pasimula, na mangagibigan tayo sa isa't isa:
12 Hindi gaya ni Cain na siya'y sa masama, at pinatay ang kaniyang kapatid. At bakit niya pinatay? Sapagka't ang kaniyang mga gawa ay masasama, at ang mga gawa ng kaniyang kapatid ay matuwid.
Kaya, sa tekstong iyan, ipinakita kung anong uri ng tao, katangian o personalidad ang mayroon para masabing ang isa ay nagiging anak ng Diyablo, o anak ni Satanas na Diyablo.
Gaya din mismo ng pagkakalarawan ng Bibliya kay Satanas,
Juan 8:44 (Ang Dating Biblia, 1905)
Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito.
Oo, iyan ang mga katangian na makikita mismo sa mga anak ng Diyablo.
Sa paglipas ng mga siglo, napabilang sa binhi ng Ahas, yaong mga nagtaglay ng espiritu ng Diyablo, mga napopoot sa Diyos at lumaban sa kaniyang bayan. Pangunahin nang kasama rito ang relihiyosong mga tao na nag-aangking naglilingkod sa Diyos ngunit sa katunayan ay mga bulaan at mapagpaimbabaw. Tinukoy ni Jesus ang mga Judiong lider ng relihiyon noong panahon niya bilang bahagi ng binhi ng Ahas nang sabihin niya sa kanila
New World Translation
“Mga ahas, mga anak ng ulupong, paano ninyo matatakasan ang parusa sa Gehenna?
New Heart English Bible
You serpents, you offspring of vipers, how will you escape the judgment of hell?
Weymouth New Testament
O serpents, O vipers' brood, how are you to escape condemnation to Gehenna?
World English Bible
You serpents, you offspring of vipers, how will you escape the judgment of Gehenna?
Young's Literal Translation
'Serpents! brood of vipers! how may ye escape from the judgment of the gehenna?
Kaya, ang relihiyon o ang mga relihiyon ay ginagamit din ni Satanas, anupat tinukoy pa nga ni Jesus, bilang ang binhi ng Ahas, upang salansangin ang mga nagtataguyod ng katotohanan.
Kaya, ano ang magiging konklusyon natin sa bahaging ito?
Oo, ang tinutukoy na ahas sa hula ay walang iba kundi si Satanas na Diyablo, at ang binhi ni Satanas ay ang mga taong tumutulad sa kaniyang mga katangian, sa kaniyang paraan ng pag-iisip at tumutulad sa kaniyang mga pagkilos. Nakita din natin dito na ang binhi ay tumutukoy din sa mga relihiyon na tumutuligsa, napopoot at nagsasalita ng mga kasinungalingan laban sa Diyos, sa kaniyang pangalan, at sa mga naglilingkod na ito sa Kaniya at gumagamit at nagpapakilala mismo ng kaniyang pangalan, gaya ni Jesus nang ipakilala niya mismo ang pangalan ng kaniyang Ama. (Juan 17:26)
Sa susunod na thread, malalaman naman natin kung sino ang 'babae' na tinukoy ng Diyos sa kaniyang hula.
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Last edited: